Mga Praktikal na Modelo ng Pagsagot Tungkol sa mga Pampananampalatayang
Tanong ng mga Bata
Tunay
Tunay na ang mga pagsagot na nasasaad sa paksang ito ay nakatuon sa unang antas sa mga ama, mga ina, sinumang nakikitungo sa mga tanong ng mga bata tulad ng mga guro at mga kinauukulang edukador at mga repormador, at mga hinihilingan natin ng pag-aangkop sa nilalaman ng sagot ayon sa nababagay sa edad ng bata, antas nito, at kakayahan nito dahil tayo ay hindi nakakakaya na maglagay ng iisang pagsagot sa mga nagkakaiba-ibang antas ng bata sa edad, isip, at kakayahan. Dahil dito, kaya ang minamahalaga sa atin ay ang diwa ng sagot at ang reyalidad nito hindi ang pagkaliteral ng mga salita. Gayon din, ang pagkasarisari ng pakikipag-usap sa mga pagsagot, na nasa pagitan ng pakikipag-usap na direkta at hindi direkta, ay upang magawa natin na maghain ng pinakamalaking posibleng kantidad ng pagsasakonsepto para sa marangal na mambabasa, na dahil sa papel niya ay kukuha siya sa pinakadiwa ng mga pagsagot na ito at magbabagong-anyo siya rito sa paraang nakikita niyang higit na nababagay at higit na mainam para sa bata.
Para sa pagsagot ng mga tanong ng mga bata na nauugnay sa mga paksa ng pananampalataya, nararapat na magkaroon ang mga magulang ng pinakaminimum na edukasyong pang-sharī`ah na nagpapahintulot sa kanila na maglipat ng mga konseptong panrelihiyong pangunahin na maglilinaw sa mga anak nila ng mga bagay-bagay na pang-ghayb sa anyong nababagay sa mga isip nila at mga kakayahan nila. Ang hamon na kinakaharap ng mga edukador sa pangkalahatan ay hindi nalilimitahan sa pagkakaroon ng imporsmasyon lamang, bagkus sa pagkakalagay nito sa hulmahang natatanggap ng isip ng bata at naiintindihan niya at sa isang pamamaraan ng paglalahad na nababagay sa panahon, lugar, at kalagayang pinamumuhayan niya.
Sa sumusunod ay may paglalahad ng mga modelo ng ilan sa mga tanong na nauulit-ulit sa mga bibig ng mga bata. Hindi ito ang kalahatan ng mga tanong. Ang mga ito lamang ay pinakamahalaga sa mga iyon at ang pinakamadalas sa mga iyon sa pagkaulit-ulit. Nagsigasig nga tayo sa pagpili ng pinakamainam sa mga sagot sa pananaw natin, na hindi natin inaangkin na ang mga ito ay mga modelong sagot. Ang mga ito ay mga modelo lamang para sa mga magulang upang maipangsimula nila at maipang-umpisa nila. Ang mga ito ay maisasailalim nang buong katiyakan sa pagtutumpak, pagsusog, pag-aalis, at pagdaragdag.
Tawag-Pansin:
Ang sinumang nagpapalagay na siya ay dumaranas ng kasiraan sa pagdudulot ng Edukasyon sa mga anak niya, magreresulta sa kanya ang mga masalimuot na tanong na iyon kaya siya ay nagkakamali sapagkat ang kalagayang ito sa ganang mga bata ay natural at isang lohikal na pagkakasunud-sunod sa pag-iisip ng bata at mga pangkaisipang kakayahan nito. Ang kapintasan kung nagkaroon man ay nasa kawalan ng kakayahan ng mga magulang sa pagkontrol sa paglago ng bata, sa pamumukadkad ng mga abot-tanaw ng isip nito, at sa pagsalubong nito sa mga bumubuo sa Sansinukob at Kairalan sa paligid nito. Alinsunod dito, nag-oobliga ito sa mga magulang at sa sinumang nakikitungo sa bata kahit papaano. Kaya ang pagsagot na nakakukumbinsi, sa isang bahagi, ay tutulong sa bata sa estabilidad sa bahaging sikolohikal, intelektuwal, at panlipunan, na salungat sa mga pagsagot na baluktot o maling reaksiyon na nakilalahok sa pagdagdag ng kalituhan at pagkalansag sa bata. Ang kalituhan at ang pagkalansag na ito ay magbubunga ng isang pagkabulabog sa pag-uugali at kasiraan sa pag-iisip-isip at pakikitungo.
Tunay na ang mga malaking suliranin ay hindi lumilitaw sa iisang hagupit. Ang apoy ay namumutawi sa minamaliit na mga tilamsik. Dahil dito, marami sa mga masamang katangian sa tao ay lumilitaw na isang maliit na punla na dinidilig ng pagpapabaya at pagpapaliban at inaalalayan ng pagwawalang-bahala sa pamamagitan ng tubig ng buhay hanggang sa lumago at yumabong para mag-ugat sa kaluluwa kaya hihirap mabunot ito at maglaho.