Panimula sa mga Sagot

Tunay na ang Tagalikha (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay lumalang nga sa bata sa pagkaibig sa pagtatanung-tanong upang mapagkalooban ang isip ng pinakamalaking posibleng kantidad ng mga konsepto at mga kaalaman. Ibinibilang ang yugto ng pagkabata bilang yugto ng pagtatanung-tanong yayamang ang nangingibabaw sa mga pakikipag-usap ng bata sa yugtong ito ay halos pahayag ng mga tanong. Ang mga bata ay nakararamdam na sila ay hindi nakaaalam ng anuman tungkol sa mga bagay-bagay na pumapaligid sa kanila. Dahil sa ang kamangmangan ay nagdudulot ng pangamba, tunay na sila ay nagmamadali sa pagkatuto sa pamamagitan ng anumang ibinigay sa kanila na lakas kaya nakatatagpo tayo ng tatlong taong gulang na bata na naghaharap sa mga magulang niya at mga nakatatandang kapatid niya ng maraming tanong araw-araw. Walang duda na ang mga sagot nila ay nakaaapekto sa kanya at naglilipat sa kanya mula sa isang kalagayan tungo sa isa pang kalagayan dahil sa pagbabago ng porma ng tanong at mga paksa sa pagtatanung-tanong sa paraang tuluy-tuloy. Tunay na ikaw ay makaririnig mula sa kanya palagi ng mga salitang tulad ng ano, nasaan iyon, papaano iyon, saan nanggaling, ano ito, ano iyon, at alam mo ba? Tunay na siya ay nagnanais ng kaalaman sa lahat ng mga bagay na pumupukaw sa pansin niya at nagnanais na maintindihan ang mga bagay-bagay na nakikita niya at naririnig niya. Maaaring maintindihan niya ang sagot at maaaring hindi niya maintindihan ito. Maaaring manahimik siya nang saglit na sasapat sa pagsagot at maaaring hindi siya manahimik.

Tunay na ang bata ay natatangi sa pagkaibig sa pagsisiyasat at marahil nadaragdagan iyon alinsunod sa kapaligirang pinamumuhayan niya at alinsunod sa mga oportunidad na ipinagkakaloob sa kanya. Dahil dito, tunay na tayo ay tatayong mga namamangha kapag nagsagawa tayo ng paghahambing sa pagitan ng mga tanong natin sa pagkabata natin at ng mga tanong nila sa ngayon dahil sa pagkakaiba-iba ng panahon at lugar at pag-unlad pangkaalaman. Walang duda na ang istilong pang-edukasyon na ginagamit ng mga edukador ay malinaw na nakaaapekto sa paglawak ng pagkalitaw ng mga tanong ng mga bata o pagkakitid nito. Ang edukador na nagkakaloob ng oportunidad at tumatanggap nang buong lugod sa anumang itinatanong ng mga bata ay makasisisid sa mga kailaliman ng mga kaluluwa nila samantalang ang hindi nakatitiis sa mga tanong nila at tumatanggi sa mga ito o tumutugon sa mga ito ng sigaw ay hindi makatatago ng sinumang magtatanong sa kanya ng anuman. Bagamat tayo ay mga nagkakaisa na hindi bahagi ng kapakanan o matatanggap na mag-usisa ang mga bata sa bawat bagay subalit mahalaga rin na hindi makaramdam ang mga bata ng pangamba sa pagtatanong tungkol sa ilan sa mga bagay-bagay na nakaaapekto sa buhay nila at mahalaga na hindi makaramdam ang mga bata na sila ay mga nakaliban o mga pinaliliban at hindi mga pinagkakatiwalaan. Ang pinakamahalaga higit doon ay kinakailangan na makaramdam sila ng kabutihang-loob habang sila ay nakikipag-usap sa mga mag-anak nila.

 

Mga Kadahilanan ng Dami ng mga Tanong sa

Ganang mga Bata

Maaaring limitahan ang pinakamahalaga sa mga kadahilanan na nagsasanhi sa bata na magparami ng mga pagtatanung-tanong ayon sa sumusunod:

  1. Ang pagkaibig ng bata sa pagsisiyasat at pagtuklas bilang kaparaanan ng pagpapabusog sa mga pangangailangan ng paglagong pang-isip.
  2. Ang pangangailangan ng mga bata sa pag-intindi sa bawat nakapaligid sa kanila na mga pangyayari at mga bagay.
  3. Ang pagkabagabag ng mga bata at ang pangamba nila sa mga bagay at iyon ay dahil sa kawalan ng pagkakaroon ng naunang karanasan. Halimbawa: nangangamba ang bata sa mga hayop kahit pa man hindi dumadaluhong ang mga ito sa kanya. Dahil doon, nagtatanong siya at nagpaparami ng mga pagtatanung-tanong niya upang makaramdam siya ng katiwasayan.
  4. Ang paglago ng kakayahang pangwika ng mga bata. Kaya kapag naglahad siya ng tanong kasunod ng iba pang tanong, iyon ay hindi dahil sa pagkaibig sa paghiling ng sagot bagkus dahil sa laki ng pagkagusto niya sa paggamit ng wika at pakikipagtagisan ng mga kakayahan niya at pangangailangan niya sa pakikilahok panlipunan.
  5. Oportunidad para sa ugnayan at emosyonal na pakikilahok sa pagitan ng mga magulang at mga anak.
  6. Ang paglago ng tiwala ng bata sa sarili niya at sa mga magulang niya at ang paglago ng paggalang niya sa sarili niya.

Ang Kalikasan ng mga Tanong sa

Ganang mga Bata

Upang maintindihan natin ang mga tanong ng bata sa mahusay na paraan, kailangan para sa atin na makakilala sa kaibahan sa pagitan ng mga tanong na pangkaisipan at pangwika at ng mga tanong na sikolohikal yayamang tunay na sa unang uri ay nagtatangka ang bata na makaalam tungkol sa isang bagay o magpabatid tungkol sa isang bagay samantalang sa ikalawang uri naman, ang nagtutulak sa kanya ay ang kapanatagang sikolohikal at ang sagot ay hindi siyang mismong nilalayon. Kinakailangan na magbigay-diin tayo sa isang pangunahing reyalidad: na ang mga tanong ay may katunayang pansaloobin na tiyakan. Tayo ay hindi nakakakaya na tumantiya sa halaga ng tanong o na umintindi nito at magtakda ng kahulugan nito maliban sa pamamagitan ng saloobing natatangi na nagtulak sa bata sa pagtatanong. Kaya ang tanong ay walang halaga sa sarili nito mismo subalit ito ay humahango ng halaga nito, pahiwatig nito, at kahalagahan nito mula sa kalikasan ng saloobin na nakapaligid dito at mga sitwasyon nito. Tunay na ang mga tanong ng mga bata ay may tatlong mahalagang kagamitang pangkayarian. Ang mga ito ay ang sumusunod:

  1. Ang pagsasakatuparan ng pagkabalanseng sikolohikal sa bata sapagkat ang layon ng marami sa mga tanong ng bata ay sikolohikal.
  2. Ang pag-iisip na panghinuha (deductive thinking) yayamang nagtatangka ang bata sa pag-abot sa isang bagong kaalaman sa pamamagitan ng pag-asa sa mga kaalamang naririyan na pagbabatayan niya o pag-uugnayan niya.
  3. Ang pag-alam sa kapaligirang nakapalibot at ang mga mahalagang bagay-bagay na pambuhay at kabilang sa mga ito ang pag-alam sa mga pinahahalagahang pangkaasalan at pang-ugali na naroroon sa loob ng balangkas pangkultura at panlipunan na pinamumuhayan ng bata.

Ang mga Uri ng mga Tanong sa

Ganang mga Bata

Napakikinabangan na tangkain natin ang pag-uuri ng mga tanong na inilalahad ng mga bata yayamang nagkakaiba-iba ang mga sagot sa mga tanong na ito ayon sa pagkakaiba-iba ng pag-uuri. Maaaring uriin ang mga tanong sa ganang mga bata sa mga pangkating sumusunod:

  1. Mga tanong na may kalikasang pangwika, tulad ng: Bakit pinangalanan ang mga bagay ng ganitong mga pangalan? Bakit hindi tayo mag-iba ng mga pagpapangalan? Bakit hindi tayo umibento ng iba pang wika?
  2. Mga tanong pangkairalan. Sa balangkas nito nanggagaling ang mga tanong na: Mula saan tayo nanggaling? Tungo saan tayo papunta? Papaanong ginagawa ang mga bata? Ano ang kahulugan ng kamatayan? Ano ang sansinukob? At iba ba.
  3. Mga tanong ng paghihimagsik. Ang mga ito ay nakasalalay hinggil sa isang ideya: Bakit may hindi pinapayagan para sa mga bata na mga tanong na pinapayagan sa mga nakatatanda? Ito ay nangyayari sa anyo ng mga pagtatangka ng paggaya-gaya sa mga nakatatanda higit kaysa sa anyo ng mga tanong.
  4. Mga tanong na panubok. Ang mga ito ay mga tanong na itinutuon ng mga bata para subukin ang mga kakayahan ng mag-anak at pagtuligsa sa itinuturing nila na isang kahinaan sa mag-anak. Ito kadalasan ay nahahaluan ng mga paghahambing sa mag-anak ng mga kaklase ng bata at kadalasan nakasalalay ang mga tanong na ito hinggil sa mga kakayahang pampananalapi at pisikal ng mag-anak.
  5. Mga tanong ng pagkabagabag na pambata. Kadalasan naglalahad ang mga bata ng mga tanong na gumagantimpala sa mga lumalagong pagkaramdam ng pagkabagabag sa kanila. Kabilang sa pinakamadalas sa pagkaulit-ulit sa mga tanong ng pagkabagabag sa mga bata ay ang mga tanong hinggil sa pagkawala ng isa mga magulang o mga iba pang aspeto ng pag-iwan.
  6. Mga tanong ng pagkatuklas sa katawan. Ang nangunguna sa mga tanong na inilalahad ng bata sa pamamagitan ng pagkatuklas ay ang mga tanong na nauugnay sa mga kaibahang pampisikal sa pagitan ng mga kasariang panlalaki at pambabae.

Ang pag-uuring ito ay maaaring makaalalay sa mag-anak sa pag-intindi sa likuran (background) ng tanong na inilahad ng panig ng mga batang anak nila sapagkat sila ay hindi naglalahad ng tanong dahil sa tanong mismo, bagkus naglalahad sila nito dahil sa udyok ng pagtatangka sa pag-intindi.

Bakit nagwawalang-bahala ang mga magulang sa mga tanong ng mga bata?

Tunay na ang pagpapabaya sa mga tanong ng mga bata at ang pagkasawa sa mga ito magkaminsan, ang dahilan nito ay hindi ang kawalan ng kaalaman sa pagsagot at sa kahalagahan ng mga ito at ang kamangmangan sa sikolohikal at pang-edukasyong papel ng ginagampanan ng mga ito lamang, bagkus ito ay dahil sa iba pang mga kadahilanan. Marahil ang pinakamahalaga sa mga ito ay ang sumusunod:

  1. Ang pagkaramdam ng nakatatanda ng pagkakataka-taka ng tanong ng nakababata o pagkawalang-kapararakan nito o kawalan ng kaseryosuhan nito na nagsasanhi sa nakatatanda na hindi magpahalaga nito o hindi pumansin dito, kaya naman bumabagsak ang mga nakatatanda sa pusali ng paglabag sa mga karapatan ng nakababata sa pag-iisip ayon sa pamamaraan ng mga ito na natatangi sa kapayakan at kaliwanagan. Ang paglabag na ito ay kumakatawan sa isa sa mga anyo ng awtoridad pangkaisipan na pinanghahawakan ng mga nakatatanda habang mga nakalilimot na ang bata ay nagpupukol ng tanong niyang payak na walang-muwang buhat sa isang tapat na pagkaibig sa pagkaalam o pagkatuklas sa mundong pumapaligid sa kanya, bukod pa sa madaliang layuning sikolohikal ng tanong niya, ang pagpapanumbalik sa balanseng sikolohikal na hinahanap-hanap niya sa anumang katayuan.
  2. Ang pagkatalos ng mga nakatatanda sa kahirapan ng tanong na inihahain ng bata kapag ang tanong ay nauugnay sa isa sa mga aspeto ng mga ipinagbabawal panlipunan o pangkaasalan sa loob ng isang takdang balangkas na pangkultura (within a specific cultural framework) na hindi pinapayagan ang pagtalakay nito maliban sa isang takdang edad. Ang hirap ng mga pagtatanung-tanong ng mga bata at ang pagkakatatak ng kaasiwaan sa mga ito ay nagsasadlak sa mga nakatatanda sa isang kalituhan. Mula rito, kinailangan sa mga nakatatanda na maghanda sa mga sarili nila nang mahusay na paghahanda na lalahok sa pagsagot na maayos para sa tulad ng mga tanong na ito.
  3. Bumubuo minsan ang dami ng mga tanong ng bata at ang pagkakasunuran ng mga ito ng isa pa sa mga kadahilanan ng pagpapabaya na lumilitaw mula sa mga nakatatanda. Kung sakaling natalos ng mga nakatatanda ang kahalagahan ng mga tanong ng mga bata sa dakong sikolohikal, talaga sanang nagkaroon sila ng iba pang saloobin, ang paghimok upang magpatuloy ang mga bata sa paghahain ng mga tanong nila at para bang sila ay nag-iisip nang may isang tinig na naririnig.
  4. Kabilang sa napaloob sa mga kadahilanang nagsasanhi sa mga nakatatanda na hindi mag-ukol sa mga tanong ng mga bata ng kinakailangang halaga ng pagpansin at pagpapahalaga ay na ang ilan sa mga tanong na ito ay naglalahad ng isang anyong pahiwatig at hindi naglalahad sa paraang tuwiran.
  5. Maaaring ang pag-iwas ng mga ama at mga ina sa pagsagot ay dahil sa kamangmangan nila sa ninanais malaman ng mga bata kaya masasabi natin sa kanila: “Kinakailangan na magsaliksik kayo sa mga sagot sa mga tanong ng mga anak ninyo at magpabatid kayo sa kanila ng mga ito nang may tiwala at katapatan.”
  6. Ang paglampas ng mga pagtatanung-tanong ng mga bata higit sa mga hangganan ng mga pangkaisipang kakayahan nila, na humihiling ng mga sagot na mataas ang abstraksiyon at ang kahirapan, kaya nagsisimula ang mga magulang sa pag-iisip-isip hinggil sa kung papaano humantong ang bata sa tanong na ito at ipinagwawalang-bahala nila ang pagsagot doon.

Papaanong makikitungo ang mga magulang sa mga tanong ng bata?

Tunay na ang tungkulin ng mga magulang ay ang paglalahad ng mga tumpak na sagot sa mga tanong ng mga bata. Kailangan din sa mga magulang ang maghanda sa mga paraan ng pagtatalakay at dayalogo hinggil sa mga pag-uusisa ng mga anak nila sa mga usapin ng pananampalataya at ang umalalay sa mga ito sa pagsasalita ng taglay ng mga ito na mga ideya hinggil sa relihiyon upang mapukaw nila sa mga ito ang kapanatagan, ang pagkahimok, at ang tumpak na pagkaintindi sa relihiyon sa pamamagitan ng pag-iingat para sa kanila ng pagkabalanse nilang panrelihiyon na malayo sa pagkukulang o pagpapalabis sa relihiyon. Hindi kailangan sa mga magulang na malaman ang lahat ng mga tumpak na sagot sa mga panrelihiyong tanong ng mga bata, subalit kailangan sa mga magulang na magpaliwanag ng mga haligi ng pananampalataya sa mga anak nila upang lumaki ang mga ito sa malakas na pananampalataya kay Allāh. Anong ganda na mag-atang ang mga magulang sa pinakamatanda sa mga anak nila ng pagtatala ng mga tanong ng bata, na kadalasang maiibigan naman ng panganay na ito ang tungkuling ito lalo na kapag pinag-ukulan ito ng pagpapahalaga at paghimok at makatatagpo din sa sila sa mga tanong na ito ng isang kasiyahan para sa kanila. Sa isang dako naman, makapagtatanim tayo sa mga kaluluwa ng mga nakatatandang anak ng halaga ng tanong sa pangkalahatan at na ito ay isang punto ng pagbibigay-halaga kaya magtatanong sila. Makapagtatanim din tayo sa mga kaluluwa nila ng pagmamalasakit sa mga tanong ng mga anak nila sa hinaharap kapag sila ay naging mga ama at mga ina. Sa isa pang dako, may maiipon sa atin na mga tanong na aalalay sa atin sa pagsasaliksik sa mga sagot sa mga ito at tutulong sa maagang pagkatalos sa mga tanong ng mga kapatid nila matapos nila at sa kahandaan para sa mga ito. Gaano na liligaya ang bata kapag umaagad-agad tayo sa pagsagot sa isang tanong kabilang sa mga naunang tanong niya! Ang pagpapahalaga sa mahusay na sagot sa mga tanong niya ay magkakaroon ng isang malaking epekto, ayon sa pahintulot ni Allāh, sa kanya at sa ugnayan natin sa kanya at gagawa sa mga magulang bilang unang pinagkukunan ng kaalaman sa ganang bata at bilang pinagkakatiwalaan sa kahabaan ng mga darating na taon, sa halip ng pagtanggap ng mga impormasyon niya mula sa mga pinagkukunang mapaghihinalaan lalo na sa yugto ng pagbibinata [o pagdadalaga] niya.

Dito ay mga isang puntong nararapat para sa magulang ang magbigay-pansin, ang pangangailangan sa pag-iiba sa pagitan ng dalawang uri ng mga tanong ng mga bata. Una: Ang mga nagpupumilit na tanong na nakadarama tayo na ang bata ay nag-uulit ng mga ito at maaaring magpukol siya ng mga ito sa higit isang tao sa sambahayan niya, na maaaring magsanga-sanga mula sa mga ito ang mga iba pang mga tanong. Ikalawa: Ang mga nagkataong tanong na kung sakaling nagsimula tayo sa pakikipag-usap sa kanya hinggil sa ibang paksa ay talaga sanang nakalimot siya sa tanong niya. Ang una ay hindi makatwiran ang pagwawalang-bahala kaya magsisikap tayo sa pagsagot nito o sa pagsasaliksik nito para sa kanya o maghahanap tayo ng isang taong mahusay sa pagsagot nito, at kaugnay rito matapos ng isang mahalagang edukador. Hinggil naman sa mga tanong na panlahad, walang masama ang paglampas sa mga ito, lalo na kapag ang mga ito ay hinggil sa mga bagay-bagay na maaaring hindi maarok ng bata ang sagot sa mga ito.

Mga Prinsipyo ng

Pakikitungo sa mga

Tanong ng mga Bata

Mayroong isang kabuuan ng mga prinsipyo at mga pinahahalagahan (value) na nararapat sa mga magulang ang manatili sa mga ito at ang pagsasaalang-alang sa mga ito sa sandali ng pagsagot sa mga tanong ng mga bata. Kabilang sa mga ito ang sumusunod:

  1. Ang Prinsipyo ng Paggalang. Ang mga magulang na dumidinig sa mga tanong ng bata ay nagpaparamdam sa kanya ng pakikilahok nila sa mga alalahanin niya, ng paggalang nila sa mga ito, at pagbibigay-halaga sa mga ito. Ang pakikilahok na ito ay nagpapanumbalik sa bata ng sikolohikal na balanse niya at kapanatagan niya. Dagling masasaling natin ang indayog ng tiwala sa sarili, ang kasinsinan sa paglalahad ng tanong, at ang lohikal na pagsusunuran sa daloy ng dayalogo.
  2. Ang Prinsipyo ng Tiwala at Katiwasayan. Sisikapin ng mga magulang ang kasinsinan sa mga sagot na inihahatid nila sa mga anak nila sa pamamagitan ng mga bokabularyong nalalaman at pamilyar sa mga bata at pagpapasimple sa mga impormasyong ito sa makaagham na tumpak na balangkas ng mga ito. Tunay na ang katapatan ng sagot ay mangangahulugan sa wakas ng usapin ng pagsasakatuparan ng kalagayan ng katatagan, tiwala, at katiwasayang sikolohikal.
  3. Ang Prinsipyo ng Pagproseso sa mga udyok na natatangi sa mga bata. Ang mga udyok na iyon na namumutawi mula sa konteksto ng saloobin na pinamumuhayan nila ay halimbawa: Ang batang nakararamdam ng pagkabagabag at pagkaligalig resulta ng pagkapanganak ng isang bagong sanggol sa pamilya kaya magtatanong ito kung mula saan nanggagaling ang mga sanggol. Hindi maaari na malunasan ang suliranin niya sa pamamagitan ng payak na makaagham na pagsagot, subalit siya ay nasa isang pangangailangan sa pagproseso sa tunay na udyok na nag-udyok sa kanya sa paglalahad ng tanong na ito at pagpapahalaga dito nang isang tanging pagpapahalaga.

Tunay na ang pinakamainam na maipagkakaloob ng mga nakatatanda sa mga nakababata ay ang pag-alalay nila sa mga ito sa pagbibigay-liwanag sa mga isip ng mga ito, hindi lamang sa pamamagitan ng mga salaysay, mga kuwento, at mga kaalamang tumpak, bagkus sa pamamagitan ng pagsasanay sa mga ito sa pagninilay-nilay, pagkakaloob ng mga mungkahi, pagpapahirati sa kanila sa hindi pagkakasya sa mga panlabas na anyo, at pagbubunsod sa mga ito sa pag-iisip-isip sa kung ano ang nasa likod ng panlabas na ito lumilitaw sa kanila. Nararapat ang positibong interaksiyon, ang nakapagbibigay-liwanag na pagtatalakay, ang naglalayong dayalogo, at ang tugunang pananaw (mutual view). Kailangan din sa kanila na magsagawa sila mismo ng paglalahad ng mga tanong na gaganyak sa pag-iisip-isip ng mga bata.

Maaari ang paggamit ng sagot sa mga tanong sa higit na malaking paraan sapagkat ukol sa mga magulang na humiling mula sa bata o magmungkahi rito na maglahad ng tanong niya sa pagtitipon ng pamilya, pagkatapos magbibigay ng pagkakataon para sa lahat para makilahok sa pagsagot kapag ang tanong ay karaniwang walang kalaliman at walang kaselanan. Subalit lubhang mahalaga na hindi banggain ang bata ng panunuya ng isang kuya dahil sa kawalang-muwang ng tanong. Kung sakaling nangyari ang tulad nito, tunay na kailangan sa magulang na manindigan sa panig ng bata, habang nagpupuri sa lakas ng loob nito at habang naglilinaw sa pangangailangan nating lahat sa paglalahad ng mga tanong, habang nagpapaalaala sa sabi ni Allāh (pagkataas-taas Siya): “at hindi kayo binigyan ng kaalaman kundi kakaunti” (Qur’ān 17:85)

Ang Edukasyon sa

Pamamagitan ng Dayalogo

Tunay na ang pamamaraang nababagay sa mga bata ay ang pamamaraang pandayalogo na bumabatay sa pagtatalakay, pagtatanong, at pagsagot dahil ang mga ito ay umaalalay sa pagpapatatas ng dila at gumagawa para sa pagtamo ng talento na siyang gawain ng pagtuturo. Ang dayalogo ay nagpapalapit sa pumapatungkol dito at nagpapaganap sa mga layon nito. Kinakailangan na makaramdam ang bata sa sandali ng dayalogo ng karangalan niya. Ito ay humahantong sa pagpapalaya sa bata at mga emosyon niya mula sa pagkabagabag, mga pangamba, at mga hidwaang sikolohikal mula sa pagsupil at mga pagkarindi (complexes). Kapag nakaramdam ang bata ng ginhawang sikolohikal sa pakikipagdayalogo at pakikipagtalakayan, magtatapat siya sa kadayalogo niya ng bawat nasa sarili niya na mga hidwaan at mga kapaguran. Kaya kapag umabot ang bawat isa sa dalawang panig sa mga kadahilanan ng suliranin at nagsalita ang dalawa nang may kalantaran kaya naman nagpahayag ang bata ng bawat nilalaman ng sarili niya, ang paglunas ay magiging madali at ang tagumpay rito ay pinagaan.

Tunay na ang dayalogo sa pagitan ng bata at mga magulang niya ay may naidudulot sa pamilya. Kabilang sa mga ito ang pagkakilalahan kaya ang bata ay higit na malapit sa lahat ng mga miyembro ng pamilya. Kabilang sa mga ito ang pagbubukluran sapagkat ang dayalogo ay nakadaragdag sa pagbubukluran sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya at magkakaroon ng pag-ibig at pagkalapit sa isa’t isa sa kanila. Kabilang sa mga ito ang paggigiliwan ayon sa kahulugan na tayo ay hindi nagnanais mula sa dayalogo ng opisyal na kapaligiran lamang, bagkus ang tunay na kahulugan ng dayalogo ay sa pamamagitan ng matamis na pangungusap at magiliw na kapaligiran.

Mula sa naunang nabanggit, matatagpuan natin na ang Edukasyon sa pamamagitan ng dayalogo ay isang proseso na natatangi sa ilang bagay, na kabilang sa mga ito ang sumusunod:

  1. Na ito ay nagbibigay sa bata na kalayaan sa pag-iisip-isip at pagtuklas sa mga reyalidad sa pamamagitan ng sarili niya. Sa ganito ay may paggaganyak sa pagkamalikhain at pagpapalago sa personalidad niya.
  2. Na ito ay simple, na wala ritong pagpapakahirap. Nakikitungo rito ang bata nang may ginhawa at walang pangingimi.
  3. Na ito ay nagpapasok sa mga kaluluwa ng mga nakababata ng galak at pagkaramdam sa sarili at nagtuturo sa kanila ng pakikinig sa iba.
  4. Na ito ay nagbibigay ng mga pagkakataon sa pagsasaliksik at nagsasariling pag-iisip-isip kaya nakikita niya ang mga bagay-bagay mula sa mga nagkakaiba-ibang anggulo at nagpapahirati ito sa kanya sa lohikal na pag-iisip-isip.
  5. Pumupukaw ito sa pansin ng bata, naglalayo ito sa kanya ng pagkalihis at pananamlay, at gumaganyak ito sa kanya upang makitungo at kumilos.

Ang Porma ng mga

Tanong na Pandayalogo

Mayroong higit sa isang porma na maaaring ilahad ng mga bata. Kabilang sa mga pormang ito:

“Ano ang nangyayari?” Ang pormang ito ay gumaganyak sa bata sa pagsaliksik sa nangyayari sa pagligid niya kaya umaalalay ito sa kanya na mailarawan niya ang nakikita niya nang direktahan.

“Ano ang ninanais mo?” Ito ay isang pormang umaalalay sa bata sa pagtatakda ng mga pangangailangan niya nang tamang-tama.

“Papaano mong gagawin ito?” Ito ay umaalalay sa bata sa malayang pag-iisip-isip, at gumaganyak sa imahinasyon niya para magsaliksik ng sagot.

“Bakit nangyayari ito?” Ito ay umaalalay sa bata sa paglampas sa mga bagay-bagay na panlabas at pagsaliksik sa mga tagapagbigay-dahilan nito kaya nagsisimula siya pag-aanalisa at pagsasaliksik sa mga pagkakaugnay sa pagitan ng mga bagay.

“Ano ang gagawin natin kung sakaling nangyari ang ganito?” Ito ay umaalalay sa kanya sa pagpapanumbalik ng pag-iisip-isip at pagmamasid sa mga bagay-bagay mula sa nagkakaiba-ibang punto.

Nagiging sarisari ang mga tanong na maaaring ilahad sa bata, subalit kabilang sa pinakamahalaga sa mga pagtutukoy (specification) ng mga mahusay na tanong at siyang nagbibigay ng mga bunga nitong inaasahan sa edukasyong pandayalogo sa mga bata ay ang sumsusunod:

Na ang tanong ay maiksi sa abot ng makakaya.

Na ito ay maliwanag at tinakdaan ng iisang ideya.

Na ito ay nababagay sa edad ng bata, panahon niya, lugar niya, at kalagayan niyang pinamumuhayan niya.

Na ito ay hindi isang tanong na nag-oobliga ng tama at mali, bagkus isang tanong na nagpapakilos sa isipan ng bata at nagpapalawak sa mga abot-tanaw niya sa paraang nagbibigay sa kanya ng puwang para sa pagguniguni sa sagot.

Mga Istilo ng Pagsagot sa mga

Tanong ng mga Bata

Nauna na ang pag-uusap tungkol sa mga tanong: sa mga uri nito at mga porma nito at iba pa. Dito ay mag-uusap tayo tungkol sa mga sagot kung saan marami ang mga istilo ng pagsagot sa mga tanong ng mga bata alinsunod sa panahon, lugar, at kalagayang inilahad ang mga ito. Kabilang sa pinakatanyag sa mga istilong ito ay ang sumusunod:

  1. Ang pasalitang pagsagot na direktahan. Ito ay kabilang sa pinakalaganap sa mga pagsagot kung saan naglalahad ang bata ng tanong at nagsasagawa ang mag-anak ng paghahain ng pasalitang pagsagot, at kadalasang ang pagsagot na ito ay mabilis at maiksi.
  2. Ang pagsagot sa pamamagitan ng isang maliit na kuwento. Ito ay isang paraang hindi direkta sa pagsagot sa mga tanong. Ang kuwento ay nababagay sa kalikasan ng nakalahad na tanong. Karaniwang naiibigan ng mga bata ang uring ito ng mga pagsagot at pinakikinggan nila ito nang may pagkahumaling.
  3. Ang pagsagot na naisalalarawan. Maaaring maglahad ang bata ng isang tanong na nangangailangan ang pagsagot ng paggamit ng ilan sa mga larawang nagpapaliwanag, tulad ng mga tanong pang-agham kung saan bumubuo ang mga larawan bilang pangunahing pinagkukunan ng kaalaman lalo na kapag ang mga ito ay kinulayan at nakapang-aakit.
  4. Ang pagsagot sa pamamagitan ng pagbibigay-pansin. Maaaring maglahad ang bata ng isang tanong na maaaring masagot sa paraang praktikal sa pamamagitan ng pagsasama sa bata sa lugar ng sagot para magbigay-pansin sa mga bagay-bagay sa tunay na buhay at maghulo sa sagot, gaya ng tanong ng bata tungkol sa mga hayop sa kapaligiran, kung papaanong namumuhay ang mga ito, kung papaanong kumakain ang mga ito, at kung papaanong nagdadamihan ang mga ito.

Mga Pangkalahatang

Panuto na nararapat

Isaalang-alang sa

Sandali ng Pagsagot

  1. Magsigasig ka sa pagkumbinsi sa pamamagitan ng paggamit ng pamamaraan ng pakikipagtalakayan, tanong, pag-usisa, at hindi pagsandal sa istilo ng pagdidikta. Kapag natatapos tayo, nararapat matiyak ang pagkakumbinsi ng bata sa sagot na inihain sa paraang nakalulugod.
  2. Maging tapat ka sa pagsagot mo at huwag kang magsinungaling sa anak mo sa pagsagot dahil sa pagtakas sa pagkaasiwa. Maging masigasig ka sa hindi pag-ayuda sa anak ng isang maling kaalaman anuman ang mangyari sapagkat ang katumpakan ng mga sagot at ang pagkatunay ng mga ito ay batayan ng tiwala sa iyo ng anak mo.
  3. Magsigasig ka sa pagpapasimple ng pagsagot mo upang ito ay maging madali sa pag-intindi at umangkop sa isip ng nakababata. Lumayo ka sa kalabuan na gumugulo sa isipan ng bata. Magsigasig ka sa hindi pagbibigay sa bata ng mga impormasyong kulang dahil sa katwiran na ang bata ay maliit pa at hindi nakakakaya sa tumpak na pag-intindi dahil ang mga impormasyon ay naikikintal sa isipan ng bata.
  4. Huwag mong tratuhin ang anak mo sa pagtuturing dito bilang tanga sapagkat siya ay nakakakaya sa pagtalos sa naiibigan mong iparating sa kanya, kung ginalingan mo ang istilo. Magsigasig ka sa pagsagot sa tanong nang direktahan nang walang paglihis dito upang hindi pumasok ang bata sa mga kaligawang labas sa nilalaman [ng tanong].
  5. Huwag mong pagalitan ang anak mo, huwag mo siyang kutyain, huwag mo siyang bulyawan sa tanong niya maging anuman ito. Bagkus magparamdam ka sa kanya sa bawat sandali na ikaw ay nakahanda sa pagsagot sa lahat ng mga tanong niya. Tunay na ang pangungutya ay nagpaparamdam sa bata ng kaliitan at kawalan ng tiwala sa sarili at nagpapalayo sa kanya ng pagkaibig sa pagsisiyasat.
  6. Huwag kang mabagabag sa mga pagtatanung-tanong ng bata hinggil sa Tagalikha at sa kawalan ng kakayahan nito sa pagsasakonsepto sa kairalan Niya at huwag kang tatakas-takas sa pagsagot sa bata dahil ito ay nauuwi sa pagsasaliksik sa ibang mga pinagkukunan ng mga impormasyon na ibang lugar.
  7. Huwag kang mag-atubili sa paghiling na bigyan ka ng panahon para sa pagsasaliksik ng sagot sapagkat ang lumitaw ka sa anyo ng tagapagsaliksik ng kaalaman ay higit na mainam kaysa [lumitaw] sa anyo ng tagapag-angkin ng kaalaman na mangmang naman dito. Hindi kapintasan na magsabi ka sa anak mo: “Maghintay ka upang magsaliksik ako para sa iyo tungkol sa tumpak na sagot.”
  8. Tanggapin mo ang mga pagtatanung-tanong ng mga bata nang may pagpapahalaga, pakikinig sa kanila, at kawalan ng pagpapabaya sa mga pagtatanung-tanong na ito at o pagwawalang-bahala sa mga ito. Tunay na ang pagpapaloob sa bata, ang pagsaklaw sa kanya, at ang pagyakap sa kanya sa sikolohiya at tunay na buhay ay umaalalay nang madalas sa pagtanggap sa pagpapaliwanag sa mga bagay na nahihirapan siyang intindihin.
  9. Kung ikaw ay naging abala talaga, kailangan sa iyo na magpaintindi sa kanya nang may lumanay na ang oras na ito ay hindi nababagay sa iyo sa pagsagot sa mga tanong niya. Maging masigasig ka sa pagdadali-dali sa pagsagot sa sandali ng kawalan mo ng pinagkakaabalahan mo.
  10. Umiwas ka sa walang pangangailangan na pagpapaliwanag, pagpapahaba, at pagdedetalye sapagkat ang pagsagot sa mga tanong ng anim na taong gulang ay kinakailangan na ito ay maging higit na maikli kaysa sa pagsagot sa mga tanong ng sampung taong gulang. Gayon nga. Ito ay hinggil sa mga tanong na nangangailangan ang sagot ng puspusang pagliwanag, pinalawak na paglilinaw, at paghahain ng mga patunay at mga patotoo, gaya ng sa mga tanong tungkol sa mga nakalingid (ghaybīyāt) at mga nakaaasiwang tanong. Hinggil naman sa ilan sa mga tanong, ang pagsagot sa mga ito ay nalilimitahan at inihahain sa lahat ng mga edad ng mga bata.
  11. Mag-ugnay ka ng mga pagsagot sa mga tanong sa abot ng posibilidad sa mga bagay sa tunay na buhay, na natatalos ng bata. Lumayo ka sa mga bagay na basal (abstract) na mahihirapang maintindihan sa yugtong ito ng edad. Tangkain mong katigan ang mga pagsagot ng mga patunay na nagbibigay-diin sa mga impormasyon sa bata sa tuwing naging posible iyon sa paraang ang pagsagot ay lohikal.
  12. Ang pagkakaisa sa pagitan ng mga magulang sa paghahain ng mga impormasyon sa bata. Ibig sabhin: walang salungatan sa mga pananaw ng bawat isa mga magulang sa sandali ng paghaharap ng mga impormasyon sa bata.
  13. Ang hindi pagtugon sa mga pagtatanung-tanong ng bata ng isa pang tanong, gaya ng pagsagot ng ama sa isang tanong: “Ano ang tinutukoy mo?” Ito ay nagpaparamdam sa bata ng pagkabigo dahil siya ay hindi nakakakaya sa pagpaparating ng tanong sa ama dahil ang bata ay naniniwala na ang mga magulang ay kinakailangan na umintindi sa pananalita niya nang walang pagpapaliwanag o paglilinaw. Kapag nagnais ang isa sa mga magulang ng makatiyak sa pagkaintindi sa tanong ng anak niya, ang pinakamainam ay na gumamit siya ng isang pararilang positibo: “Ito ang tinutukoy mo.”
  14. Ang hindi pagsosolo ng mga magulang sa opinyon sa sandali ng pagsagot sa bata sa isang partikular na pagtatanung-tanong nito. Kaya kapag nakakuha ang bata ng impormasyon mula ibang pinagkukunan subalit sa paraang naiiba sa paraan ng mga magulang, sa kalagayang ito ay kinakailangan ang pagkumbinsi sa bata sa pamamagitan ng tumpak na pagsagot sa isang paraang madali at pinasimple, na magpapakamit sa kanya ng tiwala sa mga magulang at hindi ang kabaliktaran.
  15. Magsigasig ka na ang pagsagot ay maging nasa molde ng pakikipag-usap hindi pagsesermon. Damihan mo ang paglalahad ng mga paghahalintulad, ang pagkukuwento ka ng mga kuwento, paggamit ng mga pangkaalamang ensiklopedyang may mga larawan para sa pagpapaintindi ng kahulugan at pagpapaabot nito sa isipan ng bata. Gumamit ka ng mga pisikal na laro, teatro, pagguhit, pagninilay-nilay, pag-awit, brainstorming, mga laro ng pag-iisip-isip, mga kuwento, mga poster, mga pagsasalarawan, at iba pa sa mga ito sapagkat ang pagsasarisari ay nagtatayo at nagpapaunlad ng pag-iisip-isip niya at nagkikintal ng mga impormasyon.
  16. Ang ilan sa mga tanong ay hindi nabibigyan ng sagot sa iisang sagutan, bagkus paunti-unti sa pagdadahan-dahan. Kaya kapag nag-usisa ang bata ng higit pa, dadagdagan ang mga pagsagot alinsunod sa edad niya, uri ng mga tanong niya, at naabot ng pagtalos niya.
  17. Kapag lumalaki ang bata at siya ay nasa isang yugto ng medyo pagkahinog, tunay na minamabuti na hilingin muna natin ang opinyon niya hinggil sa itinatanong niya. Kaya ihahain natin sa kanya ang tanong niya upang makita natin kung papaano siya magbibigay ng reaksiyon dito. Mula sa reaksiyong ito maaari tayong magsimula sa pagsagot. Kailangan sa atin na magpigil sa pagtatangka sa pagsasanhi sa bata na mag-isip gaya ng mga pag-iisip natin dahil ito ay gagawa sa bata na malagay sa isang balangkas na hindi niya balangkas.

Ang mga Kamaliang Pang-edukasyon sa

Sandali ng Pagsagot

Tunay na kabilang sa pinakamahalaga sa mga kamaliang pang-edukasyon na ginagawa natin sa mga anak natin ay ang sumusunod:

– Ang kawalan ng pagsasaalang-alang sa mga nagkakaiba-ibang aspeto ng edukasyon sapagkat nariyan ang pampananampalatayang aspeto, nariyan ang pangkaasalang aspeto, at nariyan ang pang-agham na aspeto. Kabilang sa kamalian ang pagpokus sa isang aspeto at ang pag-iwan sa mga ibang aspeto o ang kawalan ng pagkabalanse sa pagitan ng mga ito. Gayon din ang kawalan ng pagdadahan-dahan sa Edukasyon, ang kadalasan ng pagkagalit at panunumbat, at ang pagtuon sa pagkukulang [ng bata]. Gayon din ang pagkaibig natin sa pagsuko sa pananalita natin nang walang pag-uusap. Gayon din ang kawalan ng pagsangguni sa mga dalubhasa at mga may karanasan, ang pagmamadali, at ang kahinaan ng pagsubaybay. Gayon din ang kalabuan sa sandali ng pagdudulot ng edukasyon at panuto, ang pagsalungat ng mga sinasabi natin sa mga ginagawa natin, at ang mga mensaheng negatibo. Ang lahat ng mga ito ay mga kamaliang nakaaapekto sa paghubog na pang-edukasyon at pampananampalataya sa sikolohiya ng bata.

Back to top button