Ang mga Tanong Pampananampalataya ng mga Bata
Tunay na ang unang mga taon ng pagkabata ay may pinakadakilang kahalagahan sa pagbuo ng pananaw ng bata sa kairalan yayamang ibinibilang na ang mga konseptong ikinikintal sa mentalidad ng bata sa yugtong ito ay ang pangunahing sangkap na nagbibigay-anyo sa personalidad ng tao sa lahat ng mga nagkakaiba-ibang aspeto nito at nararapat na maging magkaugma sa mga sikolohikal, panlipunan, at panrelihiyong mga kakailanganin ng bata. Ito ay mahalaga para sa paghubog sa bata nang lubusang paghubog na aalalay sa kanya sa pagsulong nang may katatagan para sumuong sa daloy ng buhay at magpatuloy sa mga tinatahak nito bilang persona na balanse, produktibo, at aktibo. Sa pamamagitan ng naririnig niya at nasasaksihan niya, nahuhubog ng bata ang modelong pansarili niya sa Mundong ito. Lahat ng natitira sa buhay niya matapos niyon ay walang iba kundi ang proseso ng pag-aangkop at pagpapalago sa pangunahing pananaw na ito alinsunod sa mga kalagayang pinagdaraanan niya.