Ang mga Tanong na Nauugnay sa mga Sugo
Sino ang mga propeta at ang mga sugo?
Sila ay mga taong kabilang sa mga anak ni Adan. Nagkasi si Allāh sa kanila ng pagkapropeta. Nag-utos Siya sa kanila ng pagpapaabot ng mensahe sa mga kababayan nila at pag-anyaya sa mga iyon tungo sa pagsamba kay Allāh lamang. Ang kauna-unahan sa kanila ay si Adan (sumakanya ang pagbati ng kapayapaan) at ang kahuli-hulihan sa kanila ay si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan). Ang bilang nila ay malaki dahil si Allāh ay nagsugo sa kanila sa lahat ng mga kalipunan ng lupa na mga namuhay rito yayamang sa bawat yugto mula sa mga yugto ng kasaysayan ay may propeta na nag-aanyaya sa mga kababayan niya at nagpapatnubay sa kanila sa landas ng pagkagabay.
Bakit isinugo ni Allāh ang mga sugo?
Nagsugo si Allāh ng mga sugo bilang awa sa mga tao at bilang kapatnubayan sa kanila upang magpaabot sila sa mga ito ng mensahe ng Panginoon nila. Ang sugo ay isang taong nakikilala ng mga kababayan nang totoong pagkakilala. Sumasaksi sila sa kanyang kabutihan bago ng pagbaba ng kasi sa kanya. Ginawa ni Allāh ang mga sugo bilang tinutulurang nakikita sa harap ng mga tao. Nagtuturo ang mga sugo sa mga tao sa pamamagitan ng kaasalan at pag-uugali. Nagpapaliwanag sila sa mga ito ng nagpapakinabang sa mga ito at naglalayo sila sa mga ito sa nakapipinsala sa kanila. Ang pagsusugo ng mga sugo noon ay isang paglalatag ng katwiran sa nilikha at isang pagtitipon sa mga tao sa iisang relihiyon, ang pagsamba kay Allāh lamang. Ang mga tao ay nangangailangan ng mga tagapatnubay na pumapatnubay sa kanila sa tumpak na daan sa wika nila. Dahil doon, nagpababa si Allāh ng mga kasulatan sa mga sugong ito sa wika ng mga kababayan nila upang makarating sa kanila ang mensahe sa isang maliwanag na anyo at isang ligtas na paglilinaw.
Ang mga propeta ba ay mga napangalagaan laban sa pagkakamali?
Ang mga propeta ay isang bahagi ng mga tao at nasa kanila ang mga kahulugang pantao. Nangalaga sa kanila si Allāh hinggil sa nauugnay sa mensahe at nagsanggalang Siya sa kanila laban sa pagkasadlak sa anumang mag-aalipusta sa mga pag-uugali nila at mga kaasalan nila upang sila ay maging tinutulurang maganda, na makukumbinsi ang mga tao sa pamamagitan ng mga sinasabi nila at mga ginagawa nila at upang iyon ay hindi maging isang pasukan para sa pag-alipusta sa pagpapaabot nila ng mensahe.
Sino si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan)?
Siya ay ang kahuli-hulihan sa mga propeta na ipinadala ni Allāh (pagkataas-taas Siya) sa mga lingkod Niya. Ang pangalan niya Muḥammad bin `Abdillāh bin `Abdilmuṭṭalib Al-Hāshimīy Al-Qurashīy. Ipinanganak siya sa Makkah noong araw ng Lunes ng Rabī`ul’awwal noong Taon ng Elepante. Yumao ang ama niya noong siya ay nasa tiyan pa ng ina niya. Yumao ang ina niya noong ang edad niya anim na taon. Inaruga siya ng lolo niyang si `Abdulmuṭṭalib at yumao naman ito noong ang edad ng Sugo ay walong taon. Pagkatapos sinuportahan siya ng tiyuhin niyang si Abū Ṭālib. Tinatawag siya noon na tapat na mapagkakatiwalaan dahil sa kadakilaan ng kaasalan niya (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan). Isinugo siya noong ang edad niya ay 40 taon. Nagsimula siyang mag-anyaya sa Islām sa mga kababayan niya sa Makkah nang 13 taon. Pagkatapos tumindi ang pananakit nila. Lumikas sa Madīnah at tumigil siya roon sa loob ng 10 taon. Ipinagkapatiran niya ang Ansār (mga tumulong) at ang Muhājirūn (mga lumikas). Itinatag niya roon ang Batas ni Allāh at inihatol. Yumao siya noong ika-11 taon ng Hijrah matapos na naipaabot niya ang mensahe at nagampanan niya ang ipinagkatiwala.
Ano ang pagpapatibay sa katapatan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan)?
Ang mga patunay ng pagkapropeta ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ay marami. Ang pinakamahalaga sa mga ito ay ang Marangal na Qur’ān. Ang Mahimalang Aklat na ito ay nagpapamangha pa rin sa mga tao sa isang salinlahi matapos ng isang salinlahi dahil sa mga hiyas nito at mga perlas nito na sumisilaw sa mga isip. Kabilang din sa mga patunay ng katapatan niya ang talambuhay niya at ang mga katangian niyang pangkaasalan na ipinanlarawan sa kanya ng mga kaaway niya bago ng mga nagmamahal sa kanya. Siya noon ay tinataguriang ang ṣādiq (tapat), ang amīn (mapagkakatiwalaan). Kabilang din sa mga patunay ng katapatan niya ang mga himala niyang mutawātir na nasaksihan ng sinumang nakapanahon niya at isinalaysay ng mga tao isang salinlahi matapos ng isang salinlahi. Kabilang din sa mga patunay ng katapatan niya ang Hinustong Batas na ito na nag-uumapaw sa buong kalubusan at karikitan. Kabilang din sa mga patunay ng katapatan niya ang mga propesiya na napuno ng mga ito ang mga naunang kasulatan. Kabilang sa mga patunay gayon din ang nagpapatuloy na paglaganap na ito ng Relihiyong Islām sa bawat panahon at lugar. Kabilang din sa mga patunay ng katapatan niya ang pagpapabatid tungkol sa mga kalipunang nagdaan at mga bagay-bagay na panghinaharap.
Papaanong ipinanik ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) sa langit sa iisang gabi?
Pinaglakbay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) lulan ng Burāq hanggang sa Jerusalem. Pagkatapos ipinanik siya sa langit kasama kay Anghel Gabriel (sumakanya ang pagbati ng kapayapaan). Si Allāh (pagkataas-taas Siya) sa bawat bagay ay May-kakayahan. Hindi siya napawawalang-kakayahan ng anuman sa lupa ni sa langit. Gaya ng nasasaksihan natin sa ngayon, papaanong ang taong mahina ay nakakaya sa pamamagitan ng isip niya na makagawa ng isang eroplano na lumalampas [ang bilis] sa bilis ng tunog at nakaimbento ng three dimensional image transfer kaya nakapaglalagay ito sa tao sa higit sa isang lugar sa iisang sandali. Si Allāh ay higit na malaki, higit na kapita-pitagan, at higit na dakila sa kakayahan kaysa sa nilikha Niya.
Bakit si Muḥammad ay naging kahuli-hulihan sa mga propeta?
Tunay na ang nauukol sa pagsusugo ng mga sugo ay nakaugnay sa isang kasanhian. Ito ang kapatnubayan at ang pagpatnubay. Bakit ang mga naunang kasulatan dumaranas noon ng pagkakulang at pagpilipit matapos ng kamatayan ng mga sugo? Naitadhana ng karunungan ni Allāh na magsugo Siya ng isang sugong may kasamang isang kasulatan na hindi dumaranas ng pagkakulang na ito. Bagkus naggarantiya si Allāh ng pag-iingat nito hanggang sa Araw ng Pagbangon. Yayamang ang himala ng Qur’ān – isang aklat na maliwanag at isang katwirang mananatili sa nilikha sa kalahatan – ay mananatili, lohikal na ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ay maging ang Pangwakas sa mga Propeta at mga Isinugo.
Bakit kinakailangan na ibigin natin ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan)?
Dahil ang pag-ibig sa kanya (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ay bahagi ng mga haligi ng pananampalataya. Bagkus tunay na ang pananampalataya kay Allāh (pagkataas-taas Siya) ay hindi nalulubos malibang sa pamamagitan ng pag-ibig na ito. Iniugnay nga ang pag-ibig sa kanya (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) sa pag-ibig kay Allāh (pagkataas-taas Siya) at dahil si Allāh (mapagpala Siya at pagkataas-taas) ay pumili nga sa kanya mula sa mga tao para sa pagganap sa dakilang mensaheng ito. Si Allāh ay pumili nga ng pinakamabuti sa mga tao sa kaangkanan, sa kaasalan, sa salita at sa gawa dahil Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay higit na maalam sa sinumang bibigyan Niya ng tungkulin sa mensahe. Yayamang si Allāh ay pumili sa kanya mula sa lahat ng mga tao para sa dakilang misyong ito, bahagi ng kinakailangan atin mismo na magtangi tayo sa kanya sa pag-ibig mula sa mga tao sa kalahatan dahil siya ang nagpakilala sa mga tao sa Panginoon nila. Siya ay ang pinakamabuting Sugo para sa Kalipunan niya at ang pinakamaawaing Propeta sa kawan niya sapagkat wala matapos ni Allāh na isang higit na mapagmagandang-loob sa atin kaysa sa kanya (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan). Bumata nga siya (sumakanya ang pagbati ng kapayapaan) ng pananakit sa landas ng pag-aanyaya sa mga tao tungo sa relihiyon at kabutihan. Naninikip noon ang dibdib niya (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) kapag hindi sumasakanya sa kanya ang pinagtutuunan niya ng paanyaya bilang pagkalunos para sa kanila sa pagpasok sa Impiyerno. Nagsabi si Allāh: “Kaya baka ikaw ay kikitil sa sarili mo dala ng dalamhati sa mga bakas nila kung hindi sila sumampalataya sa salaysay na ito.” (Qur’an 18:6) Kaya dahil doon, siya (sumakanya ang pagbati ng kapayapaan) ay naging higit na karapat-dapat sa pag-ibig natin matapos kay Allāh.