Pampananampalataya Para sa Bata Tunay
Tunay na kabilang sa pinakamahalaga sa mga paksa ng edukasyon sa punto ng nilalaman ay ang edukasyong pampananampalataya para sa bata dahil ito ay nakabatay sa pagtatatag ng mga magandang kaugalian, pagbuo ng mga ito, pagkikintal ng tumpak na pinaniniwalaan sa kaibuturan ng isip at puso, pagpapalakas nito, pagtutuon sa mga kaasalang nakalalamang, at pagpapagana sa mga ito sa lahat ng mga pag-uugali niya. Sa yugtong ito ng edad, nahuhubog ang mga gawi niya, ang mga kaasalan niya, at ang mga pakikitungo niya. Alinsunod sa pagsasakatuparan ng mga iyon sa reyalidad niya ang kaligayahan niya sa Mundo at ang sukat ng pagtamo niya sa Kabilang-buhay. Yayamang tunay na ito ay tungkulin ng mga ama at mga ina, nagpahiwatig ang Qur’ān niyon yayamang nagsasabi si Allāh (pagkataas-taas Siya): “Nagsasatagubilin sa inyo si Allāh hinggil sa mga anak ninyo” (Qur’ān 4:11) Bagkus nagsateksto ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) niyon nang tahasan yayamang nagsasabi siya: “Walang anumang bata malibang ipinanganganak sa naturalesa ngunit ang mga magulang niya ay nagpapahudyo sa kanya o nagpapakristiyano sa kanya o nagpapamago sa kanya.” (Al-Bukhārīy: 1358) Kaya ang ḥadīth ay nagpatunay sa ilang bagay, na ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
- Na ang pananampalataya ay likas sa tao at na ang sinumang lumihis palayo roon ay lumilihis lamang dahil sa isa sa mga kasiraan ng sangkatauhan.
- Nilinaw ng ḥadīth ang pananagutan ng mga magulang at ang malaking papel nila sa edukasyon.
- Tumukoy ito sa epekto ng kapaligiran sa edukasyon.
Kabilang sa kabutihang-loob ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) sa tao ay na nagbukas Siya sa puso nito sa simula ng pagkahubog nito sa pananampalataya nang walang pangangailangan sa isang katwiran at isang patotoo. Alinsunod doon, tunay na kailangan sa mga magulang na magsagawa ng tungkulin ng pagsasanggalang na ito sa pinakamagandang pagsasagawa. Kailangan sa kanila na magdalisay sa naturalesang ito at magdulot ng edukasyon sa mga anak nila ayon sa tumpak na relihiyon na nakabatay sa mga teksto ng Qur’ān at Sunnah. Kailangan sa kanila na hindi umasa sa edukasyong pangkapaligiran na humahango ng mga konsepto mula sa nakapalibot sapagkat ang Islām ng tradisyon ay hindi nakapangangalaga sa pagkalihis sa panahon ng pagkabukas at paglalapitan ng Daigdig at hindi nakapagsasanggalang sa pagkalusaw ng pagkakakilanlan ni kahinaan ng personalidad.
Tunay na ang dalisay na puso ng bata ay isang hiyas ay hubad sa bawat ukit at larawan. Ito ay nakatatanggap ng bawat ukit. Kapag ipinahirati siya sa kabutihan at itinuro ito sa kanya, mahuhubog siya rito at liligaya siya sa Mundo at Kabilang-buhay. Makikihati sa kanya sa gantimpala niya ang mga magulang nila at ang bawat tagapagturo sa kanya at edukador. Kapag ipinahirati siya sa kasamaan at pinabayaan siya gaya ng pagpapabaya sa mga hayop, malulumbay siya at mapapahamak. Ang kasalanan ay nasa leeg ng tagapagtaguyod sa kanya at ang tagapagtangkilik sa kanya dahil ang pinakatuwid sa pagpapatuwid ay nangyayari sa pagkabata. Ngunit kapag naman iniwan ang bata kasama ng pagkalikas niya at tumahak siya rito at sinanay siya rito, ang pagpapanumbalik sa kanya ay magiging mahirap.
Kaya ang batang hinuhubog sa isang pamilyang malakas ang pananampalataya, na nananatili sa mga tumpak na katuruan ng Islām ay tumutulad sa mga magulang niya sa bawat bagay at bumubuo ng mga personal na konsepto niya sa pamamagitan ng napagmamasdan sa mga magulang niya. Kaya natatagpuan natin na may naglalahad ng mga konseptong pambatas ng Islām sa paraang mahigpit na mabagsik na humahantong sa isang resultang baliktad sa mga bata. Ang bata rin, kapag hinuhubog habang natatagpuan niya ang mga magulang niya na mga hindi nananatili sa mga katuruang pambatas ng Islām, ay mahirap na mahalina sa hinaharap sa relihiyon dahil sa pagkabata niya ay hindi siya nakakita ng ibang bakas ng relihiyon kaya hindi nakabubuo sa kanya ng anumang mga direksiyong panrelihiyon.
Ang Paglagong Panrelihiyon
sa Ganang mga Bata
Tunay na ang relihiyon ay nagsisimula sa ganang mga bata sa iisang ideya. Ito ay ang ideya ng kairalan ni Allāh. Pagkatapos hindi maglalaon na may lilitaw sa tabi nito na mga iba pang ideya gaya ng ideya ng paglikha, Kabilang-buhay, mga anghel, at mga demonyo. Namumukod ang mga paghahayag ng paglagong panrelihiyon sa pagkabata sa apat na katangian:
- Ang Reyalismo: yayamang bumabalot ang bata sa mga panrelihiyong konsepto niya ng isang konkretong reyalidad. Sa paglaki niya, nag-uunti-unti siya sa pag-alis nito, umaabot siya sa reyalidad, at naglalagay siya nito sa pinanggalingan nito sa yugto ng pagbibinata.
- Ang Pormalismo (ang Pang-imahen): yayamang gumagaya-gaya ang mga maliliit sa mga malalaki sa pagsamba nila at mga pagdalangin nila sa isang porma nang hindi nakatatalos sa kahulugan ng mga ito o nakararamdam sa espirituwal na katayugan ng mga ito. Marapat sa mga edukador na makinabang sa hilig ng mga bata sa yugtong ito upang magpahirati sa kanila sa mga Haligi ng Islām at mga kaasalan nito, at mga Haligi ng Pananampalataya at mga epekto ng mga ito.
- Ang Utilitaryanismo: yayamang nakatatalos ang bata sa galak ng mga magulang niya, tagapagturo niya, at sinumang nasa paligid niya dahil sa pagsasagawa niya ng ilan sa mga pagsamba, kaya gumagawa siya nito bilang pagkamit ng pag-ibig nila at bilang kaparaanan ng pagsasakatuparan sa ilan sa mga mapakikinabangan niya o para sa pagtulak sa isang kaparusahang nauugnay rito.
- Ang Panatisismo: yayamang nagpapakapanatiko ang bata sa relihiyon sa panatisismong emosyonal dahil sa udyok ng katutubong likas na pangangailangan niya sa pagkakaugnay at katapatang-loob, na pinakaangat sa mga anyo ng pagkakaugnay ay ang katapatang-loob kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).
Mula sa nauna na, natatalos natin ang kahalagahan ng pagpokus sa edukasyong pampananampalataya at na kinakailangan sa mga magulang at mga edukador na magsikap nang taimtim para sa pagpapalapit ng pananampalataya sa kabataan lalo na sa panahon ngayon na dumami ang mga sigalot, ang mga panggambala, at ang mga panlibang. Nagsarisari ang mga istilo ng mga ito. Kabilang sa mga bagay na nararapat sa mga magulang na gawin ang sumusunod: Una: ang pagpapaningas sa naturalesa sa kaluluwa ng bata, na kumakatawan sa pagtuturo sa bata ng adhikain ng Tawḥīd; Ikalawa: ang pagsuporta sa pananampalataya sa pamamagitan ng Anim na Haligi ng Pananampalataya, na nakabatay sa pagkikintal ng pag-ibig kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), pag-ibig sa Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan), at pagtuturo ng Qur’ān.
Ang kairalan ng panrelihiyong naturalesang nakatago sa mga kaluluwa ay kabilang sa tumutulong sa mga magulang sa tungkulin nilang pang-edukasyon sapagkat ang naturalesa ay tumutukoy sa katutubong ugali ng pagrerelihiyon. Ang katutubong ugaling ito gaya ng nalalabi sa mga iba pang katutubong ugali ay hindi tumatanggap ng pagpapalit at pagpapaiba. Tumatangap lamang ito ng pagtutuon at pagpapaunlad. Maaaring magamit ang naturalesang ito sa mga magkakaiba-ibang direksiyon na hindi ang direksiyon na nilikha ito alang-alang doon, samantalang ang Islām naman ay nag-aanyaya sa pagtutuon ng naturalesa tungo sa direksiyon na nilikha ito alang-alang doon.
Kabilang sa pinakamahalaga sa mga bagay na nararapat na hubugin sa mga ito ang batang Muslim ay ang Anim na Haligi ng Pananampalataya. Ang pinakamahalaga sa mga ito ay ang pananampalataya kay Allāh sapagkat ang pananampalataya kay Allāh at ang pag-ibig sa Kanya ay ang namumunga matapos ng pagtamo nito ng natitira sa mga haligi ng pananampalataya. Ginawa ni Allāh ang pag-ibig sa Kanya bilang pinakatiyak sa mga sukatan para sa pananampalataya sa Kanya at pagpapasailalim sa Kanya (kaluwalhatian sa
Kanya), sa pakahulugan na ang pag-ibig sa Kanya at kinakailangan sa pagtalima sa Kanya at pangangaway sa mga kalaban Niya. Nag-obliga Siya na ang pag-ibig na ito ay maging higit sa bawat iniibig sa Mundo. Nagsabi Siya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): “Sabihin mo: “Kung ang mga magulang ninyo, ang mga kapatid ninyo, ang mga asawa ninyo, ang angkan ninyo, ang ilang yamang nakamtan ninyo, ang isang pangangalakal na kinatatakutan ninyo ang pagtumal nito, at ang ilang tirahang kinalulugdan ninyo ay higit na kaibig-ibig sa inyo kaysa kay Allāh, sa Sugo Niya, at sa isang pakikibaka ayon sa landas Niya, mag-abang kayo hanggang sa magparating si Allāh ng utos Niya.” Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong suwail.” (Qur’ān 9:24) Ginawa Niya na ang kauna-unahan sa mga katangian ng mga lingkod na kinalulugdan Niya ay na sila ay umiibig sa Kanya sapagkat nagsabi Siya: “O mga sumampalataya, ang sinumang tatalikod kabilang sa inyo sa relihiyon niya ay papalitan ni Allāh ng mga taong iibig Siya sa kanila at iibig sila sa Kanya, na mga kaaba-aba sa mga mananampalataya, na mga makapangyarihan sa mga tagatangging sumampalataya, na nakikibaka ayon sa landas ni Allāh at hindi nangangamba sa paninisi ng isang naninisi. Iyon ay ang kabutihang-loob ni Allāh; nagbibigay Siya nito sa sinumang loloobin Niya. Si Allāh ay Malawak, Maalam.” (Qur’ān 5:54) Nilinaw Niya na ang purong Tawḥīd ay hindi nangyayari malibang sa pamamagitan ng pagbubukod-tangi kay Allāh (pagkataas-taas Siya) sa pag-ibig na walang-takda sapagkat nagsabi Siya: “May mga tao na gumagawa sa bukod pa kay Allāh bilang mga kaagaw na umiibig sila sa mga ito gaya ng pag-ibig kay Allāh samantalang ang mga sumampalataya ay higit na matindi sa pag-ibig kay Allāh.” (Qur’ān 2:165) Ang pagsamba na nilikha tayo ni Allāh (pagkataas-taas Siya) alang-alang doon ay ang pinakamataas sa mga antas ng pag-ibig. Ang batayan ng Tawḥīd at ang espiritu nito ay ang pagpapakawagas ng pag-ibig kay Allāh lamang. Ito ang batayan ng pagpapakadiyos, bagkus ito ay ang reyalidad ng pagsamba. Hindi nalulubos ang Tawḥīd hanggang mabuo ang pag-ibig ng tao sa Panginoon niya, mauna ito sa lahat ng mga pag-ibig, manaig ito sa mga iyon, at magkaroon ito ng pamamahala sa mga iyon sa paraang ang nalalabi sa mga pag-ibig ng tao ay kasunod sa pag-ibig na ito na sa pamamagitan nito ang kaligayahan ng tao at ang tagumpay niya.
Ang pag-ibig na ito na nakabatay sa pananampalataya ay kabilang sa mga pinakadakila sa mga kaparaanan ng pagtutuwid sa mga gawi ng mga bata at pagpapatatag sa kanila sa relihiyon ng Islām at sa pagtalima kay Allāh (pagkataas-taas Siya) at pagtalima sa Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan). Kaya ang sinumang itinanim sa puso niya ang pag-ibig kay Allāh at sa Sugo Niya, siya ay naging tuwid sa pinaniniwalaan niya, pagsamba niya, at mga kaasalan niya gaano man siya nalihis sa ilan sa mga usapin at mga detalye. Gaano man siya nalingat at nakalimot, tunay na ang pag-ibig na nasa kaloob-
looban niya ay kailangang magpabalik sa kanya sa daan ng pagkatuwid, ayon sa pahintulot ni Allāh, dahil ang pag-ibig ay may mga pangganyak na panloob at hindi panlabas lamang.
Tunay na ang pananaw na ibinibigay ng pinaniniwalaang pang-Islām para sa kairalan ay natatangi sa pagkasang-ayon nito sa naturalesa ng tao at kalikasan niya at sa pagkakatugma nito sa matinong isip at kawalan ng pagsasalungatan dito. Natatangi rin ito sa mga pagkakatanging hindi natatagpuan sa iba pang pinaniniwalaan yayamang nabuo rito ang mga sistemang pangkaisipan, pampaniniwala, pampinahahalagahan, at pambatasan. Kaya yayamang sa pagiging isang sistemang pangkaisipan at pampaniniwala nito, ito sa pamamagitan niyon ay naglalagay isang malawak na pagliliwanag sa simula ng Sansinukob, kahahantungan nito, at mga katotohanang umiiral sa loob nito at sa lampas nito. Nagpapaliwanag din ito ng isang pagliliwanag sa simula ng buhay ng tao at wakas nito. Pagkatapos tinatakdaan nito ang layon na nilikha ang Sansinukob alang-alang doon at ang layon na nilikha ang tao alang-alang sa pagsasakatuparan niyon. Sa pamamagitan niyon, sumasagot ito sa mga pangkairalang pagtatanong ng tao na kailangang itanong niya dahilan sa pang-isip na kalikasan niya yayamang hindi maaaring makapagpahinga ang tao sa buhay na ito hanggat hindi siya nakatagpo ng mga sapat na sagot na kasiya-siya tungkol sa mga tanong na ito at mapanatag sa mga ito, at kung hindi ay mamumuhay siya sa isang palaging pagkatuliro at isang nagpapatuloy na pagkabagabag dahil siya ay hindi nakatagpo ng kahulugan sa buhay na ito.
Ang mga Bunga
ng Edukasyong
Pampananampalataya
Mayroong isang kabuuan ng mga bunga na inaani ng edukado sa isang edukasyong pampananampalataya. Kabilang sa mga bungang ito ang sumusunod:
- Ang pagkukusa at ang pakikipagmabilis sa paggawa ng mga kabutihan sapagkat siya ay maghahanap ng alinmang pintuan na magpapalapit sa kanya mula sa kaluguran ni Allāh at awa Niya.
- Ang pagpapalakas ng panloob na pampigil sapagkat ang buhay na pananampalataya ay ang nagkokontrol sa gawi ng tao.
- Ang kawalang-bahala sa Mundo, kaya hindi nahuhumaling ang puso rito kung saan ito ay nagiging ang kinasasalalayan ng pagpapahalaga niya at ang pinagsisimulan ng mga pakikitungo niya.
- Ang makadiyos na pag-aalalay kung saan bumabalikat si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa mga nauukol sa mananampalatayang lingkod Niya ng magsasakatuparan para rito ng tunay na kapakanan nito at magdudulot para rito ng kaligayahan sa Mundo at Kabilang-buhay.
- Ang pagmimithi kay Allāh sapagkat sa tuwing nadaragdagan ang pananampalataya, nadaragdagan ang tiwala ng tao kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya), ang pagmimithi nito sa Kanya, at ang paglisan nito sa nilikha Niya.
- Ang pagkakubli ng mga negatibong nakalantad at ang kakauntian ng mga suliranin sa pagitan ng mga individuwal. Kaya sa tuwing nadaragdagan ang pananampalataya sa mga puso, umuurong ang epekto ng pithaya sa mga ito, lumalakas ang pagnanais, tumutulak ito sa nagtataglay ng mga ito sa mga mararangal sa mga kaasalan at mga matataas sa mga ito.
- Ang positibong epekto sa mga tao sapagkat ang malakas na mananampalataya ay nagsisikap sa pagsasaayos ng sarili niya at sa pagsasaayos ng mga nasa paligid niya.
- Ang pagkaramdam ng katiwasayan at kapanatagan sapagkat sa tuwing nagkakaimpluwensiya ang pampananampalatayang tiwalang ito sa puso ng tao, magkakadurug-durog mula sa kanya ang mga pinangangambahan na sumisindak sa mga tao.
Ang mga Kinasasalalayan
ng Pampananampalatayang
Edukasyon
Tunay na ang kinakailangan sa mga magulang ay magturo sila sa mga anak nila ng magkikintal ng pananampalataya niya, magtutuwid sa gawa nila at mga kaasalan nila, at magpapatibay sa pagkadama nila ng pagkakaugnay sa Kalipunan ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan). Kaugnay sa nangunguna sa napaloloob sa ilalim ng kahulugang ito:
- Ang pagtuturo ng Anim na Haligi ng Pananampalataya. Ang pananampalatayang buo sa pagkakasaklaw nito sa Batas at pagkakaangkop nito sa naturalesa at kalikasang pantao kalakip ng paglayo sa pang-anyong pagdidikta na nagpapawala sa espiritu ng pananampalataya at ng pagsisigasig na iyon ay maging sa isang praktikal ng pamamaraan na gumigising sa mga puso, nagpapakilos sa mga isip, at nagpapapino ng gawi.
- Ang edukasyon ng mga anak sa pag-ibig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan), pag-ibig sa mag-anak niya, mga maybahay niya, at mga Kasamahan sa kalahatan nang walang pagpapalabis sa kanila ni pagpinsala.
- Ang edukasyon ng mga anak sa pagdakila sa relihiyon, mga seremonya nito, at mga paghahayag nito, ang pagbibigay-babala sa kanila laban sa paglait sa mga ito, paghamak sa mga ito, at kawalan ng pagpansin sa mga ito.
- Ang pagtuturo sa kanila na ang pananampalatayang kinakailangan ay hindi nabubuo malibang sa pamamagitan ng mga maayos na gawa at na ito ay nadaragdagan sa dahil sa pagtalima at nababawasan dahil sa pagsuway. Kaya ang edukasyong pampananampalataya na tumpak ay kinakailangan upang magbigay ito ng mga bunga nito sa kaasalan, gawi, at pagsamba.
- Ang pagkikintal ng pananampalataya sa Huling Araw sa mga kaluluwa nila, ang pagdakila rito, at ang pag-uugnay ng ganti rito sa mga gawang nakakamit ng tao sa Mundo sapagkat ang sinumang naging tagagawa ng maganda ay ukol sa kanya ang Paraiso at ang sinumang naging tagagawa ng masagwa ay ukol sa kanya ang Apoy.
- Ang pagbibigay-diin sa pagsubaybay ni Allāh (pagkataas-taas Siya) sa tao na Siya ay nakakikita sa kanila, nakaririnig sa kanila, at walang nakalilingid sa Kanya na anuman sa mga kalagayan nila.
- Ang pagpapalalim ng pagkadama sa kanya na ito ay ang katotohanan. Ito ay nag-aanyaya sa kanya para humawak sa relihiyon niya nang may dignidad at lakas.
Ang mga Istilong Pang-edukasyon sa
Pagtatanim ng
Pananampalataya
Maaaring mabahagi ang mga istilong ito sa dalawang landas: ang una ay bago ng edad ng pagkatalos at ang ikalawa ay matapos nito.
Kabilang sa mga bagay na umaalalay sa pagkikintal ng pananampalataya bago ng edad ng pagkatalos:
- Ang pagkokomentaryo sa mga pangalang nagsisimula sa “Abdu” gaya na naririnig niya sa nakapaligid sa kanya gaya ng `Abdullāh, `Abdurraḥmān, at `Abdullāh bilang pagtatangka sa pagpapaliwanag sa mga kahulugan nito sa isang pagbubuod, ang pagpapahalaga sa pagpaparinig sa kanya ng adhān, ang pagtuturo sa kanya ng mga pang-araw-araw na dhikr at mga du`ā’ (panalangin), ang pagpapanatili sa mga ito, ang pagbanggit sa mga ito sa harapan niya, ang pagpapaalaala sa kanya ng mga biyaya ni Allāh (pagkataas-taas Siya) sa kanya lalo na sandali ng pagkain dahil sa pagkaulit-ulit nito, at ang pagtuturo sa kanya ng pagsabi ng bismillāh sa simula ng pagkain at ng alḥamdu lillāh sa pagkatapos nito.
- Ang pagpapasaulo sa kanya ng ilan sa mga sūrah ng Qur’ān at ang pagpapaintindi sa kanya na ito ay pananalita ni Allāh (pagkataas-taas Siya). Ang kauna-unahan sa ituturo mula roon ay ang Sūrah 1, Sūrah 112, Sūrah 113, at Sūrah 114. Gayon din, maaaring magpasaulo sa kanya ng ilan sa mga awiting pang-Islām na naglalaman ng ninanais ituro sa bata ng mga kahulugan ng tumpak na pananampalataya.
- Magsasaalang-alang na mabanggit ang pangalan ni Allāh sa bata sa mga kalagayang naiibigan at nakagagalak. Kinakailangan na huwag iugnay ang pagbanggit kay Allāh sa kalupitan at pagpaparusa sa edad ng pagkabata kaya hindi magpapadalas ng pag-uusap tungkol sa galit ni Allāh, pagdurusang dulot Niya, at Impiyerno.
- Ang pagtutuon sa bata sa karikitan sa nilikha, at lakas pagkakaugnay-ugnay upang makaramdam siya ng saklaw ng kadakilaan ng Tagalikha at kapangyarihan Niya at umibig siya kay Allāh dahil Siya ay umiibig sa kanya at nagpapasilbi sa kanya ng mga nilalang.
- Ang pagsasanay sa bata sa mga tuntunin ng kagandahang asal at ang pagpapahirati sa kanya sa pagkaawa, pakikipagtulungan, tuntunin ng kagandahan ng pakikipag-usap at pakikinig, at pagtatanim sa kanya ng mga pang-Islām na ideyal sa pamamagitan ng magandang matutularan, na bagay na magsasanhi sa kanya na mamuhay sa isang kapaligirang napaghaharian ng kainaman para makasipi siya mula sa sinumang nakapaligid sa kanya ng bawat kabutihan.
Hinggil naman sa matapos ng edad ng pagkatalos, magdaragdag sa mga istilong ito ng iba pang mga istilo na may pagmumuni-muni at pag-iisip. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
- Ang pagtuturo sa batas ng laki ng kadakilaan ng Sansinukob na ito, kawastuhan ng pagkakayari nito, pagkatumpak nito, at pagpapahusay nito. Iyon ay upang dumakila siya sa Diyos (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) at magpitagan siya sa Kanya. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya): “bilang pagkayari ni Allāh na nagpahusay sa bawat bagay.” (Qur’ān 27:88)
- Ang pagpapaalaala sa mga kasanhian ni Allāh (pagkataas-taas Siya) sa mga gawa Niya at mga nilikha Niya, upang ibigin Niya si Allāh at purihin niya, gaya ng kasanhian sa paglikha ng gabi at maghapon, sa paglikha ng araw at buwan, at sa paglikha ng mga pandama: ang pandinig, ang paningin, ang dila, at iba pa roon. Nagsabi Siya (pagkataas-taas Siya): “Hindi ba sila nag-isip-isip hinggil sa mga sarili nila? Hindi lumikha si Allāh ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito malibang ayon sa katotohanan” (Qur’ān 30:8)
- Ang pakikinabang sa mga pagkakataong napapanahon para sa pagtutuon sa bata sa pamamagitan ng mga pangyayaring nagaganap sa pamamagitan ng isang pamamaraang marunong na magpapaibig sa kanya sa kabutihan at magpapalayo sa kanya sa kasamaan. Halimbawa, kapag nagkasakit siya, mag-uugnay tayo ng puso niya kay Allāh, magtuturo tayo sa kanya ng panalangin, at magtuturo tayo ng kagandahan ng pagpapalagay [kay Allāh] at ruqyah. Kapag nagkaloob tayo sa kanya ng prutas o candy na ninanais niya, hihiling tayo sa kanya na magpasalamat sa biyayang ito at magpapabatid tayo sa kanya na ito ay mula kay Allāh. Lumayo ang mga magulang sa pagtuturo sa kanya ng mga konseptong pampananampalataya sa sandali ng mga pangyayaring nakasasakit kaugnay sa bata sapagkat siya ay hindi nagtataglay ng kakayahan at kamalayang lubos sa pagtatanto.
- Kailangan ng praktikal na pagsasagawa ng pagpapahirati sa mga bata sa mga kaugaliang pang-Islām na pinagsisikapan natin. Dahil dito, nagiging marapat sa mga edukador na magsapatakaran para sa asal nito ng isang modelong maayos para tularan. Tunay na ang kaugnayan sa pagitan ng relihiyon at mga pinahahalagahang pangkaasalan sa pamamagitan ng asal at pakikitungo ay gagawa sa edukasyon natin bilang edukasyong tapat na dalisay sa payak ng pagtereoriya.
- Ang pakikinabang sa mga naglalayong kuwento upang magdulot sa mga bata ng naiibigan at ang pagkalayo sa iba pa rito. Nararapat ang paglalahad ng kuwento sa epektibong paraang padula kalakip ng pagtatanghal sa mga tunguhin at mga pinahahalagahan na nilalaman ng kuwento. Sa pamamagitan ng mga awitin din, maaaring magtanim ng mga pinakamataas na ideyal at mga marangal na kaasalan. Maaaring maipakilala sa bata ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) sa pamamagitan ng paglalahad ng talambuhay niya upang ibigin nito siya at talimain nito siya lalo na sa nauugnay sa pagkabata niya (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan); gayon din ang mga saloobin niya sa mga bata, ang kabaitan niya sa kanila, ang paglalarawan sa porma niya, at ang pagbanggit sa mga matayog na pangkaasalang saloobin niya; gayon din ang mga kuwento ng mga Kasamahan niya, ng mga ina mga mananampalataya, at ng mga mag-anak niya (ang lugod ni Allāh ay sumakanilang lahat).
- Ang pagkakatamtaman sa edukasyong panrelihiyon para sa mga bata at ang kawalan ng pagpapapasan sa kanila ng anumang wala silang lakas doon. Kaya huwag tayong makalilimot na ang paglilibang at ang pagsasaya ay orihinal na daigdig ng bata. Kaya hindi natin siya papatain ng anumang sasalungat sa likas at sikolohikal na paglaki niya sa pamamagitan ng pagpapabigat natin sa kanya ng mga pananagutan at pagpaparami natin ng mga pagpipigil na nagkakait ng mga pangunahing pangangailangan ng pagkabata dahil ang pagpapalabis roon at ang dami ng pagtuligsa ay humahantong sa pagkanegatibo at pagkadama ng pagkakasala. Kadalasang ito ay sa panganay na bata yayamang nagsisikhay ang ilan sa mga magulang upang gumawa mula sa anak nila ng isang lubos na modelo.
- Nararapat na hayaan ang bata sa likas na ugali nito nang walang nagpapatuloy na panghihimasok sa panig ng mga nakatatanda sa pamamagitan ng paghahanda para sa kanya ng mga aktibidad na magbibigay sa kanya ng pagtuklas sa pamamagitan ng sarili niya alinsunod sa mga kakayahan niya at pagkatalos niya sa kapaligirang pumapaligid sa kanya. Sa gayon ay may pagpapalago sa pagkaibig sa pagsisiyasat sa ganang kanya at pagbangon sa mga kaangkupan niya.
- Tunay na ang paghimok sa bata ay nakaapekto sa sarili niya nang isang kaaya-ayang epekto, na mag-uudyok sa kanya ng pagkakaloob ng mga pinakamataas ng pagsisikap niya para magsagawa ng pag-aasal na naiibigan. Sa tuwing ang pagkontrol sa ugali ng bata at ang pagtutuon dito ay naging nakabatay sa pundasyon ng pag-ibig at paggantimpala, humahantong iyon sa pagkamit ng matuwid na ugali sa paraang pinakamainam. Kailangan ang pag-alalay sa bata sa pagkatuto ng karapatan niya para makilala niya ang karapatan niya at ang tungkulin niya at ang natutumpak sa gawa niya hindi natutumpak, kalakip ng pagpaparamdam sa bata ng karangalan niya at kalagayan niya na nalalakipan ng kagandahan ng pagkokontrol at kalayuan sa pagpapalayaw.
- Ang pagtatanim ng paggalang sa Marangal na Qur’ān at ang pagpipitagan nito sa puso ng bata upang makaramdam siyang kabanalan nito at pagsunod sa mga utos nito sa isang istilong madali na mapang-akit. Kaya makaaalam ang bata na kapag gumaling siya sa pagbigkas nito ay magtatamo siya ng antas ng mga mabuting-loob na anghel. Pahihiratiin natin ang sigasig sa pananatili sa panuntunan ng pagbigkas mula sa pagdalangin ng pagpapakupkop, pagbigkas ng bismillāh, at paggalang sa kopya ng Qur’ān kalakip ng kagandahan ng pakikinig. Pahihiratiin natin ang bata sa pakikinig ng mga talata mula sa Qur’an dahil ito ay magdaragdag sa mga pangwikang kakayahan niya at hihimok sa kanya sa pagbabasa. Maaaring magturo sa kanya ng ilang pagliliwanag sa mgatalata na naglalaman ng mga kahulugang pampaniniwala mula sa mga sūrah na isinasaulo niya, tulad ng mga sūrah na Fātiḥah, Ikhlāṣ, Falaq, at Nās. Maaaring magparami tayo ng paglalahad ng mga kuwento mula sa Marangal na Qur’an sa paraang pinasimple at naiintindihan at sa paraang inuulit-ulit sa pamamagitan ng nagkakaiba-ibang paglalahad.
- Maaaring mamuhunan sa paraan ng tanong at sagot. Magsisigasig tayo na maglaman ang tanong ng mga kaalamang ninanais nating iparating at ang sagot naman ay maging nasa mga lubhang pinaiksing salita at ayon sa nababagay sa edad niya at antas ng pagkatalos niya. Ito ay may malaking epekto sa pagkamit ng bata ng pinahahalagahan (value) at mga kaasalang kapuri-puri at sa pagpapaiba sa ugali niya tungo sa pinakamainam.
- Maaaring mamuhunan sa pagtuturo sa paraan ng kasiyahan sa pagkukulay kung saan naglalaman ang larawang ninanais kulayan ng mga kahulugang pampananampalataya na nagsasarisari sa tuwina. Maaaring magturo sa kanya ng paraan ng mga paligsahan at larangan ng mga ito ay malawak at sarisari. Minamainam na ang mga paligsahan ay maging makilos dahil ang bata ay nakaiibig nito at nakikitungo rito.
- Magpapaliwanag tayo sa bata ng ilan sa mga ḥadīth na pampaniniwala o mga bahagi ng mga ito ayon sa nababagay sa nibel ng pag-iisip niya sa isang paraang pinasimpleng naiibigan at isang pariralang pinaiksi na nawawatasan ng isip niya. Maaari ring magturo sa kanya sa pamamagitan ng pag-uulit-ulit ng mga pariralang magpapalago sa pananampalataya upang maikintal sa kanya, pagkatapos gagamitin niya ito nang kusa. Halimbawa: Qadara -llāhu wa mā shā’a fa`al (Nagtakda si Allāh at ang anumang niloob Niya ay ginagawa Niya), Tawakkal `ala -llāh (Manalig ka kay Allāh), Allāhu `alā kulli shay’in qadīr (Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan). Maaari – sa pag-alalay ng mga magulang o ng edukador – na magsagawa ang bata ng pagdedekorasyon sa klase niya o silid tulugan niya ng mga pararila at mga pangungusap na pampananampalataya. Halimbawa: “Ako ay Muslim, Ako ay umiibig sa Panginoon ko.” “Ang mga Haligi ng Pananampalataya.” Ito ay mga kaparaanang panturo na natatatak sa isipan niya sa dami ng pagkakasaksi niya.
- Magtuturo tayo sa bata na ang pagsubok ay hindi natatakasan ng isa man sapagkat ang lahat ng tao sa Mundong ito ay susubukin ni Allāh ng ilan sa mga kasawian at mga pagsubok. Magtuturo tayo na si Allāh (pagkataas-taas Siya) ay hindi nagtatakda ng anuman malibang dahil sa isang malalim na kasanhian. Magkikintal tayo sa kanya na ang tagapagdulot ng pakinabang at ang tagapagtulak ng pinsala ay si Allāh at na ang awa Niya ay nauna sa galit Niya. Magpapaliwanag tayo sa kanya na ang ginhawa ay dumarating palagi matapos ng pighati sapagkat ito ay isang kalakarang nangyayari. Dadakilain natin sa kanya ang magandang pagpapalagay kay Allāh sapagkat tunay na ito isang pagsamba mismo para mapagtibay natin sa kanya na ang pagpili ni Allāh ay higit na mabuti kaysa sa mga pagpili natin para sa mga sarili natin. Walang kailangan sa tao kundi magparikit sa sarili ng pagtitiis, na magkaloob ng mga kadahilanang ayon sa Batas ng Islām sa pakikitungo sa mga kasawiang ito at gumayak sa sarili ng pagkalugod at umasa sa gantimpala [ni Allāh] sapagkat ito ang pangangalakal na tumutubo para sa tao palagi.
Ang mga Kaparaanang
Pang-edukasyo
Kabilang sa pinakamahalaga sa mga kaparaanang pang-edukasyon na tutulong sa pagtatanim ng pananampalataya sa kaluluwa ng bata ay ang sumusunod:
- Ang magandang tinutuluran. Ibinibilang ang tinutuluran na kabilang sa pinakamahalaga at pinakadakila sa mga metodo sa epekto at lalim nito sa bakas sa kaluluwa ng bata. Tumawag-pansin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) sa kahalagahan ng tinutularan sa buhay ng bata sapagkat nasaad sa ḥadīth ni `Abdullāh bin `Āmir malugod si Allāh sa kanya): “Tumawag sa akin ang ina ko isang araw habang ang Sugo ni Allāh ay nasa amin sapagkat nagsabi ito: O `Abdullāh, halika upang makapagbigay ako sa iyo. Kaya nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan): Ano ang ninais mong ibigay sa kanya? Kaya nagsabi ito: Ninais kong magbigay sa kanya ng isang datiles. Kaya nagsabi siya: Tunay na kung sakali namang hindi ka nagbigay sa kanya ng anuman, may itatala sa iyo ng isang kasinungalingan.” (Abū Dāwud: 4991) Sa iba pang salaysay: “Ang sinumang nagsabi sa isang paslit, kunin mo, pagkatapos hindi siya nagbigay rito, ito ay isang kasinungalingan.” (Aḥmad: 9624) Kaya ang tinutuluran ay isang epektibong metodo. Sa ḥadīth ay may pagtawag-pansin sa kahalagahan ng katapatan sa mga bata nang hayagan.
- Ang tapat na pangaral. Ang pangaral ay maaaring ibigay sa higit sa isang anyo. Maaaring magbigay nito sa isang istilong direktahan na nakagisnan o sa pamamagitan ng paglalahad ng paghahalintulad o magbigay nito sa loob ng isang kuwento o sa istilo ng dayalogo o tulad niyon. Kailangan sa atin na magbigay sa bata ng pangaral upang hindi siya mabagot.
- Ang pagpapaibig at ang pagpapasindak. Maaaring matawag ang dalawang metodong ito bilang gantimpala at parusa. Ibinibilang ang istilong ito na kabilang sa pinakaprominente sa mga istilong emosyonal yayamang sumasaling ito sa direktang paraan sa naturalesa ng tao na nilalang siya ni Allāh ayon doon. Ito ay ang pagkaibig sa napakikinabangan at ang pagtamo nito at ang pagkasuklam sa nakapipinsala at ang pagtulak nito. Kinakailangan na iyon ay maging ayon sa katarungan at katotohanan nang walang pagpapalabis o pagpapabaya. Ang bata ay may kaluluwangmaselang naaaninag kaya hindi nararapat ang pagpapangamba sa kanya at ang paninindak sa kanya dahil ang kaluluwa ay maaaring maapektuhan nang baliktad. Panaigin dito ang aspeto ng pagpapaibig sapagkat ang bata sa yugtong ito ng edad niya ay higit na nangangailangan ng pagpapaibig kaysa pagpapasindak.
- Ang pagsasanay, ang pagpapahirati, at ang pagsasagawa. Ang pagpapahirati sa bata sa pagsisigasig sa kaluguran ni Allāh (pagkataas-taas Siya), sa pagkatakot sa Kanya at pagkahiya sa Kanya, at sa pagsandal sa Kanya sa bawat sandali, at na ang usapin sa kabuuan nito ay nasa kamay ni Allāh. Lahat ng iyon ay magsasanhi sa kanya ng isang lakas at isang katigasan na makatatagal siya sa pamamagitan ng mga ito sa harap ng bawat pagsubok at magsasanhi sa kanya ng kaluguran at katiyakan na mapapanatag dahil dito ang puso niya at liligaya dahil dito ang kaluluwa niya.
- Ang pagpapanumbalik at ang pag-uulit-ulit. Ang dalawang ito ay metodo na nagbigay-diin ang makabagong kaalaman at ang mga karanasan sa bentaha nito sa pagtuturo at sa pagpapatibay ng kaalaman sa kaluluwa ng tao.
- Ang dayalogo at ang pakikipagtalakayan. Ang dayalogo sa bata ay nagpapalawak ng mga katalusan niya at nagbubukas para sa kanya ng mga abot-tanaw ng pagkakaalam. Subalit kailangan dito ng paggalang sa pananaw ng bata at sa sarili niya, kagandahan ng pakikinig sa kanya, at pakikipagdayalogo sa kanya nang may hinahon upang maisakatuparan ang dayalogo bilang isang pagkikipagtalastasang tagumpay at epektibo sa bata, na maaari sa pamamagitan nito ang pagdudulot ng edukasyon sa bata at pagtutuon sa kanya.
- Ang aklat. Dahil dito, kabilang sa may malaking kahalagahan ang pagkakaroon ng isang aklatang inihanda sa paraang babagay sa mga pangangailangan ng bata na pangkaalaman, pangkultura, at pampananampalataya. Mahusay na ito ay maging sinarisari sa audio, video, at digital. Mahalaga na maglaman ang aklatang ito ng isang koleksiyong pangkuwento dahil ang kuwento isang kaparaanang pang-edukasyon na mabisa at mahalaga at hinggil sa talambuhay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) at mga Kasamahan niya (ang lugod ni Allāh ay sumakanila) na mga naglalayong kuwento ang maraming bahagi.
- Ang makabagong teknolohiya at ang mga kaparaanan ng pagtuturo. Ang mga ito ay mga instrumentong lumalahok sa pagpapalaganap ng mga ideya, pagpapatibay sa mga ito, at pagpapalapit sa mga ito sa bata upangmakakaya siya sa pag-intindi ng mga ito at pagtalos sa mga kahulugan ng mga ito yayamang inilalahad ang mga ideyang ito at ang mga prinsipyong ito sa pamamagitan ng poster at mga mapang-akit na kulay na nakahahatak sa bata at naglalagay sa kanya sa kalagayang sikolohikal na nababagay sa pagtanggap.
- Ang mga likas na pangganyak. May maraming pangganyak na nasa bata na maaaring ipamuhunan. Kabilang sa mga ito ang paglalaro, ang pakikipagtulungan, ang paggaya, ang tulad ng mga ito. Sa pamamagitan ng paglalaro makakakaya ang bata ng pagtuklas sa daigdig sa paligid niya at magpahayag ng mga imahinasyon niya at abot ng pagkatalos niya. Maaaring ipamuhunan iyon para magbigay-liwanag sa mga tumpak na kahulugan hinggil sa buhay at Sansinukob para magtanim ng mga pinahahalagahan (value) sa kaluluwa ng bata. Iyon sa pamamagitan ng isang metodong simple at nababagay. Ang pagpansin at ang pamumuhunan sa mga kalagayan at mga pangyayari kapag nagbunga sa paraang mahusay para sa pagtawag-pansin at pagtutuon, ang mga ito ay mag-iiwan ng isang malakas na epekto sa kaluluwa ng bata.
- Ang panalangin. Ang panalangin ay isang patunay ng pagkadalita ng tao sa Panginoon nito, pangangailangan nito sa Kanya, at pagmimithi nito sa kabutihang-loob Niya. Nag-udyok nga si Allāh sa mga lingkod Niya ng pananalangin at nangako Siya sa kanila ng pagtugon sapagkat nagsabi Siya (pagkataas-taas Siya): “Nagsabi ang Panginoon ninyo: “Dumalangin kayo sa Akin, tutugon Ako sa inyo.”” (Qur’ān 40:60) Ang panalangin ay kabilang sa pinakadakila sa mga kaparaanan ng edukador sa pag-abot sa layon niyang pang-edukasyon. Ito ay isang kaparaanang ginamit ng pinakadakila sa mga edukador, ang mga propeta ni Allāh (sumakanilaang basbas at ang pagbati ng kapayapaan), alang-alang sa katatagan sa Pananampalataya at Tawḥīd. Nagsabi Siya (pagkataas-taas Siya): “[Banggitin] noong nagsabi si Abraham: “Panginoon ko, gawin Mo ang bayang ito na matiwasay at paiwasin Mo ako at ang mga anak ko na sumamba kami sa mga anito.” (Qur’ān 14:35) Kaya ang pagdalangin para sa bata ay kabilang sa pinakamahalaga sa mga paghahayag ng paggawa ng maganda sa edukasyon niya.
- Ang pagtutulad at ang paggaya. Siya, sa kalikasan niya, ay nakaiibig sa paggaya kaya bibigyan siya ng isang pagkakataon, halimbawa, upang gumanap ng papel ng imām sa masjid para magdasal at bumigkas [ng Qur’ān] o ng khaṭīb para tumindig at mangusap o ng tagapagturo para magpaliwanag at magturo. Ito ay kabilang sa magkikintal sa kanya ng mga kahulugan at mag-iingat para sa mga katungkulang ito ng halaga ng mga ito sa kanya.
Ang mga Katangian
ng Edukador
- Ang awa at ang kalumayan. Ang edukasyon ay hindi nagbibigay ng mga kaaya-ayang bunga nito hanggat hindi nauugnay sa kaasalan ng kalumayan hanggang sa magmay-ari ito ng mga puso sa pamamagitan ng awa. Heto si Al-Aqra` bin Ḥābis, nakasasaksi ito sa Propeta habang siya ay humahalik kina Al-Ḥasan at Al-Ḥusayn kaya nagsabi ito: “Tunay na mayroon akong anak na sampu, na hindi ako humalik sa isa sa kanila.” Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan): “Ang sinumang hindi naaawa ay hindi kaaawaan.” (Al-Bukhārīy: 5997) Nagsasabi pa siya (sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan): “Ang mga naaawa ay kaaawaan ng Napakamaawain. Maawa kayo sa mga naninirahan sa lupa, kaaawaan kayo ng sinumang nasa langit.” (Abū Dāwud: 4941)
- Ang pagtitimpi at ang pagpapaumanhin. Umabot nga ang pinapanginoon natin (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) sa rurok ng kaasalang ito. Kabilang doon ang isinalaysay ni Anas bin Mālik. Nagsabi ito: “Ako ay naglalakad kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) habang nakasuot siya ng isang kapang najrānīy na makapal ang gilid, saka naabutan siya ng isang Arabeng disyerto, saka humaltak ito sa kanya sa balabal niya nang isang matinding paghaltak hanggang sa napatingin ako sa gilid ng balikat ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) na bumakas doon ang gilid ng kapa dahil sa tindi ng pagkahaltak nito. Pagkatapos nagsabi ito: O Muḥammad, magbigay ka para sa akin mula sa yaman ni Allāh na nasa piling mo. Kaya lumingon doon ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan), pagkatapos tumawa siya, saka nag-utos siya para roon ng isang bigay.” (Al-Bukhārīy: 5809)Kabilang sa mga bagay na nakaugnay rin sa pagtitimpi ang pagpapaumanhin. Nagsabi Siya (pagkataas-taas Siya): “Tumanggap ka ng paumanhin, mag-utos ka ng nakabubuti, at umayaw ka sa mga mangmang.” (Qur’ān 7:199) Upang maisakatuparan ang pagtitimpi, hinimok ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ang kawalan ng galit at sinaway niya ito. Nasaad sa tumpak na ḥadīth na may isang lalaking nagsabi sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan): “Magtagubilin ka sa akin.” Nagsabi siya: “Huwag kang magalit.” Kaya umulit ito nang ilang ulit. Nagsabi naman siya: “Huwag kang magalit.” (Al-Bukhārīy: 6116)
- Ang pagtitiis at pasensiya. Kinakailangan na magtaglay ang edukador ng pagtitiis at pasensiya at hindi pagmamadali sa sandali ng pagdudulot nito ng edukasyon o pagtuturo nito sa mga alaga nito. Hindi magmamadali ang edukador sa paglitaw ng mga resulta at pagkatupad ng ninanais para hindi manuot sa sarili niya ang kawalang-pag-asa at pagkaramdam ng kabiguan. Ang edukador, kapag siya ay naging walang pagtitiis at pasensiya, siya ay gaya ng manlalakbay na walang baon.
- Ang katarungan. Dahil siya, kapag nagtangi siya sa isang individuwal higit sa isa pang individuwal nang walang kadahilanang maliwanag, mangangaunti ang interaksiyon at mawawala ang pagkakatugma sa mga dinudulutan ng edukasyon. Ang kawalang-katarungan sa isang bagay ay magiging kalagayan nito.
- Ang pagkamapagkakatiwalaan. Kinakailangan sa edukado na siya ay maging tapat at mapagkakatiwalaan sa pakikitungo niya sa dinudulutan ng edukasyon sapagkat ang pagkamapagkakatiwalaan ay kabilang sa mga katangian ng mga sugo na tagapagpaabot. Ito ay isang pangunahing kahilingan sa pagpapagaling ng trabaho, pagpapahusay nito, pag-abot sa layon nito, at tagumpay nito.
- Ang taqwā (pangingilag magkasala). Dahil ang sinumang nangingilag magkasala kay Allāh, magtutuon Siya rito mula sa kung saan hindi nito inaasahan. Ang taqwā ay kapisan ng pagkatuon, pagtamo, kaayusan, at tagumpay sa Mundo at Kabilang-buhay.
- Ang ikhlāṣ (pagpapakawagas). Dahil ang gawain hanggat hindi naging ukol kay Allāh, tunay na ito ay ibabalik sa tagagawa nito. Walang ukol sa kanya mula sa gawain niya kundi kalumbayan at pagod.
- Ang kaalaman. Dahil ang nakaaalam ay nagiging nakakikita sa kalagayan at kauuwian, na kasalungatan ng mangmang na nagsasayang ng kasalukuyan at gumagawa ng masagwa sa kahihinatnan.
- Ang karunungan. Kapag naglalagay ang edukador ng bawat bagay sa kinalalagyan nito na ginawa para rito, ang mga bagay ay magbibigay ng mga kaloob ng mga ito at magluluwal ang edukasyon ng mga bunga nito. Kaya ang misyon ng edukador ay manuot siya sa loob ng kaluluwa at mamuhunan siya nito sa pagtutuon ng bata ng pagdudulot ng edukasyon.
- Ang pananampalataya sa gawaing pang-edukasyon. Tunay na ang edukasyon ay isang kaloob na pangkaluluwa at espirituwal. Ang hindi sumasampalataya sa gawaing pang-edukasyon ay hindi makakakaya na magkaloob ng ganitong uri ng kaloob.
- Ang pagpapaunlad. Yayamang nagpapahalaga ang edukador sa pagpapaunlad ng mga posibilidad niya at mga kakayahan niya upang makarating siya sa nibel na makakakaya siya ng pagsasagawa ng papel niyang pang-edukasyon.