Hinggil sa Edukasyong Pampananampalataya Tunay
Tunay na ang edukasyon ay isang pangangailangang pantao kabilang sa mga pangangailangan ng paghubog ng tao. Ito ay isang kasangkapan ng pagbuo ng bata at pagtatatag dito sa lahat ng mga larangan ng buhay. Sa pamamagitan ng edukasyon, naisasagawa ang paghubog sa personalidad ng bata na panlipunan, pangkaalaman, sikolohikal, pangkalusugan, at iba pa sa mga ito. Bago tayo mag-usap tungkol sa edukasyong pampananampalataya at sa paglalahad ng kahalagahan ng mga ito. Makabubuti sa atin ang makakilala sa pagkaintindi sa edukasyon mismo kung ano ang tinutukoy nito at ano ang ninais mula rito ng mga alagad ng edukasyon.
Ang Konsepto
ng Edukasyon
Tunay na ang edukasyon ay isang naglalayong prosesong pinaunlad na pinamamahalaan ng mga panuntunan at mga batas na nagpapakay ng pagbuo ng magandang kaugalian sa pamamagitan ng paggabay, pagsasanay, paglinang ng kultura, pagpipino ng asal, at pagsasagawa. Nagmamalasakit ang edukasyon sa pangangalaga at pag-aalaga sa naturalesa kabataan at pagpapalago sa mga katalinuhan nito at mga
pagkamarapat nito, pagkatapos ang pagtutuon sa naturalesang ito at mga katalinuhang ito sa kalahatan tungo sa magsasakatuparan sa kaayusan ng mga ito at kalubusan ng mga ito na nababagay sa mga ito, at makatutulong sa paghahanda sa taong maayos para sa paglinang ng daigdig. Kaya ang edukasyon ay ang kasangkapan na gagawa ng mga pamunuan sa lahat ng mga larangan ng buhay.
Ang Kahalagahan ng Edukasyong
Pampananampalataya
Tunay na ang pananampalataya ay ang pinakamalaking reyalidad ng kairalan at ang pinakadakilang usapin ng tao. Ito ay sangang-daan sa paglalakbay ng sangkatauhan sa makamundong buhay: “sapagkat mayroon sa kanila na sumampalataya at mayroon sa kanila na tumangging sumampalataya.” (Qur’ān 2:253) Alinsunod dito nahuhubog ang mga pag-uugali nila at ang mga gawain nila. Ito ang mag-iiba sa kauuwian nila sa buhay na pangkabilang-buhay. Kabilang sa mga yugtong kritikal sa buhay ng tao ang yugto ng pagkabata dahil ang naitatanim sa kaluluwa ng bata sa sandali ng yugtong ito na mga paniniwala, mga pinahahalagahan (value), mga kaugalian, at mga gawi ay humihirap – marahil tumututol – ang pagpapaiba nito lalo na ang pagpuksa nito. Marahil mananatili ang bakas nito na nakakapit sa individuwal sa hinaba-haba ng buhay niya. Dahil doon ang edukasyong pampananampalataya sa pagkabata mula sa mga yugto ng pagtatag na
nakabatay sa mga ito ang buhay ng tao sa hinaba-haba ng buhay niya sa Mundong ito.
Tunay na ang edukasyon – sa kabuuan nito – ay isang pagmamalasakit kaya walang edukasyong walang pagmamalasakit. Ang pinakamabuti sa pinagkalooban ng pagmamalasakit na ito ay maging nasa pagtatanim ng pananampalataya. Tayo ay nasa isang panahon na nabuhos ang pagmamalasakit ng mayoriya sa mga mananaliksik sa edukasyon sa aspetong pangkaisipan at pampisikal ng edukasyon kasabay ng pagpapabaya sa aspetong pampananampalataya at espirituwal. Sila ay nagtutuon ng mga tesis nila sa direksiyon ng pagsasakatuparan ng pagtamo at tagumpay na makamundo sa pamamagitan ng mga pamantayang materyalistiko nang walang pagmamalasakit sa kaayusan na humahantong sa kaligayahang pangkabilang-buhay. Ito ay gumagawa sa pang-edukasyong pagtereoriya natin na maging naiiba nang malaki sa kanila sa dakong ito.
Hindi naikukubli na ang edukasyong pampananampalataya sa Islām ay isa sa mga haligi ng kinatatayuan ng estrukturang pang-edukasyon sa dinalisay na pampropetang panahon. Ayon kay Ibnu `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) na nagsasabi: “Lahat kayo ay tagapag-alaga. Lahat kayo ay mga pinananagot sa alaga niya. Ang pinuno ay tagapag-alaga at pinananagot sa alaga niya. Ang babae ay tagapag-alaga sa bahay ng asawa niya at pinananagot sa alaga niya.” (Al-Bukhārīy: 2558 at Muslim: 1829) Tumawag-pansin ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) sa bigat ng pananagutan na nakaatang sa balikat ng bawat individuwal sa atin, na siya ay pinananagot – walang pasubali – sa kung ano ang naipagkaloob niya sa mga nasa ilalim ng pangangalaga niya. Nasaad ayon sa kanya (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan): “Ang anumang taong pinag-alaga ni Allāh ng isang alagain ngunit hindi siya nagpalibot dito ng pagpapayo niya, hindi siya makatatagpo ng amoy ng Paraiso.” (Al-Bukhārīy: 7150) Dito ay may pahiwatig sa kahalagahan ng paghahain ng payo nang may katapatan at pagkamapagkakatiwalaan sa paraang ito ay maging isang malawak na pagpapayong sumasaklaw sa
kapakanan ng pinagpapayuhan sa bawat aspeto. Kabilang sa naisasalaysay sa paksang ito ang sabi ni Ibnu `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): “Magdisiplina ka sa anak mo sapagkat ikaw ay pananagutin tungkol sa kanya kung ano ang idinisiplina mo sa kanya at kung ano ang itinuro mo sa kanya. Tunay na siya ay pananagutin tungkol sa pagpapakabuti sa iyo at pagkatalima niya sa iyo.” (Shi`b Al-Īmān: 8141) Kaya dito, nagbibigay-diin si Ibnu `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na ang pananagutan ay naaatang sa simula sa balikat ng mga magulang sapagkat silang dalawa ang unang pinagkukunan ng edukasyon at disiplina. Naisalaysay na ang edukasyon ay higit na mabuti kaysa sa kawanggawa yayamang sinabi: “Ang magdisiplina ang lalaki ng anak niya ay higit na mabuti kaysa sa magkawanggawa siya ng isang salop.” (At-Tirmidhīy: 1951) Nasaad din na ang pagtuturo sa anak ng kaasalang maganda ay higit na mainam kaya sa bawat bigay.
Kabilang sa naisalaysay: “Walang nairegalo ang isang magulang sa isang anak na higit na mainam kaysa sa isang maganda asal.” (At-Tirmidhīy: 1952) Ang lahat ng mga tekstong ito at iba pa sa mga ito ay nagpapatunay na ang pagmamalasakit sa edukasyon at pagtuturo ay kabilang sa pinakamahalaga at pinakadakila na maipagkakaloob ng mga magulang sa mga anak nila.
Tayo sa nakalipas na panahon noon ay nagdudulot ng edukasyon sa medyo mga nakasarang kapaligiran. Subalit tayo sa ngayon ay nagdudulot ng edukasyon habang ang mga pintuan ng mga bahay natin ang mga bintana ng mga ito ay nakatutok sa Mundo mula sa kadulu-duluhan nito hanggang sa kadulu-duluhan nito. Ito – mangyari pa – ay may mga maganda nito at mga masagwa nito. Subalit kapag hindi tayo nakapansin at nakaintindi sa nangyayari sa isang mahusay na paraan, maaaring tumakip ang mga masagwa sa mga maganda. Tunay na nasa posibilidad
natin ang pag-intindi sa mga tampok ng mga pag-iibang nangyayari kapag nagmay-ari tayo ng kainaman ng pagmamalasakit sa pamamagitan ng pagsubaybay sa mga mabilis na pagbabago na nangyayari sa paligid natin at ng pagbabasa sa mga ito mula sa abot-tanaw ng mahusay na kulturang pang-edukasyon. Ang pagmamalasakit ng edukador dito ay nagdidikta sa kanya na magtangka ng pagsuporta sa mga kahulugang pampananampalataya sa loob ng mga kaluluwa ng mga bata sa pamamagitan ng atmosperang pampamilya na nagtutulungan ang pamilya sa kabuuan nito sa pagbuo niyon at sa pamamagitan ng pagpili ng kindergarten at mga paaralang nagpapahalaga niyon. Tunay na ang pagkalingat sa pag-intindi sa nangyayari sa paligid natin ay nangangahulugan ng pangyayari ng mga kalugihang walang anumang paraan para pagpunan. Subalit sa pamamagitan ng nagpapatuloy ng gawaing pang-edukasyon at tuluy-tuloy na pagtitiis, magtatamo tayo ng pinakamainam na mga resultang posible, ayon sa pahintulot ni Allāh. Kaya hindi nakasasapat sa edukasyon ang isang direktibang panandalian; bagkus nangangailangan ito ng pagsubaybay at direktibang nagpapatuloy.
Ang Edukasyong
Pampananampalataya
ay pangangailanga
Tunay na ang kabataan sa ngayon ay namumuhay sa isang kapusukang sikolohikal at isang kapusukang kultural, at isang pagkabukas na malawak. Ang mga panghatak ng pumapaligid sa kanya mula sa bawat gilid ay higit na mapanganib kaysa sa pagwawalang-bahala natin sa mga ito. Tayo ay nagsasagawa ng pinakamahirap na gawain sa kairalang pantao. Ito ay ang edukasyon. Kabilang sa naglilinaw sa pangangailangan sa edukasyong pampananampalataya para sa mga bata at sa tindi ng pagkakailangan ng Kalipunang Islām doon ay na ang pagpapahalaga sa pagtuturo ng pananampalataya sa mga tao at pag-aanyaya sa kanila roon, lalo na sa mga nakababata, ay ang metodolohiya ng mga propeta (sumakanila ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan) at mga repormador noong matapos nila. Kabilang doon ang sabi ni Allāh tungkol kay Noe (sumakanya ang pagbati ng kapayapaan) sa pag-aanyaya niya sa anak niya at pagbibigay-babala niya laban sa pakikisama sa mga kampon ng pagkaligaw: “O anak ko, sumakay ka kasama sa amin at huwag kang maging kabilang sa
mga tagatangging sumampalataya.” (Qur’an 11:42). Gayon din, nagsasabi si Allāh tungkol kay Abraham nang nagtagubilin siya sa mga anak niya: “Nagtagubilin niyon si Abraham sa mga anak niya, at si Jacob: “O mga anak ko, tunay na si Allāh ay humirang para sa inyo ng relihiyon kaya huwag nga kayong mamamatay malibang habang kayo ay mga Muslim.”” (Qur’an 2:132) Sa kauna-unahan sa mga tagubilin ni Luqmān sa anak niya, nagbigay-babala siya rito laban sa Shirk sapagkat nagsabi siya: “O anak ko, huwag kang magtambal kay Allāh; tunay na ang pagtatambal ay talagang isang paglabag sa katarungan, na sukdulan.” (Qur’an 31:13) Heto naman ang Propeta nating si Muhammad (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan), nagtatagubilin siya kay Ibnu `Abbas (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) sapagkat nagsasabi siya: “O bata, tunay na ako ay magtuturo sa iyo ng mga pangungusap. Ingatan mo si Allāh, iingatan ka Niya. Ingatan mo si Allāh, matatagpuan mo Siya tungo sa iyo. Kapag humingi ka, manghingi ka kay Allāh. Kapag nagpatulong ka, magpatulong ka kay Allāh.” (At-Tirmidhīy: 2516). Nasaad dito ang sigasig sa edukasyong pampananampalataya.
Kabilang sa naglilinaw sa pangangailangan sa edukasyon ang pagkakilala na ang pagtuturo ng pananampalataya ay ulo ng mga kaalam at pundasyon ng mga ito. Kaya kapag natuto ang bata ng pananampalataya at naitanim ito sa puso niya alinsunod sa metodolohiyang pampropeta, ang mga pagsamba at ang nalalabi sa mga sangay ng relihiyon ay darating nang sunud-sunod. Kaya ang pagpapahalaga roon ay isang kadahilanan ng isang pagkakatuon [sa tama] at isang kapatnubayan – ayon sa pahintulot ni Allāh – yayamang tunay na marami sa mga usapin ay nakatali sa pananampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Ang pananampalataya, kapag naging nariyan nang may lakas, babalakid ito sa tao pagtahak sa daan na sinasaway.
Gayon din, kabilang sa naglilinaw sa kahalagahan ang nakikita natin na pagpapabaya ng ilan sa mga magulang ng pagtuturo sa mga anak nila ng mga nauukol sa pananampalataya dahil sa pangangatwiran ng pagkabata nila ngunit kapag lumaki naman ang mga ito ay hindi sila makakakaya ng pagtuturo sa mga ito. Kaya ang sinumang nagpabaya sa pagtuturo sa anak niya, hindi siya nagpapakinabang dito at nag-iiwan siya rito sa kapabayaan saka nakagawa nga siya rito ng sukdulang masagwang gawa. Ang higit na marami sa mga bata ay dinatnan ng katiwalian dahil sa mga magulang, pagpapabaya sa kanila, pag-iwan ng pagtuturo sa kanila ng mga tungkulin sa relihiyon at mga sunnah nito. Sinayang sila ng mga magulang nang maliliit pa kaya hindi sila nakinabang sa mga sarili nila at hindi sila nagpakinabang sa mga magulang nila nang malalaki na.
Kabilang din doon ang dami ng mga programang nakatuon sa mga bata sa mass media (napanunuod, naririnig, at nababasa) at ang inilalako ng marami mula sa mga iyon para sa mga imahinasyon at konseptong pinilipit sa mga kaluluwa ng mga bata. Kaya naging isang obligasyon na magkaroon ng edukasyong pampananampalataya na haharap sa nakatuong daluyong ng mass media. Ang edukasyong pampananampalataya ay paggawa ng mga kadahilanang isinasabatas sa Islām. Ito ay isang salik na pamigil na sasapat sa bata sa marami sa mga problemang pang-edukasyon bago maganap ito at makikilahok sa paglilinang nito kapag naganap. Ito ay isa sa mga karapatan ng mga anak sa mga magulang, isang kadahilanan ng kaligayahan sa Mundo, at saligan ng kaligtasan sa Kabilang-buhay, ayon sa pahintulot ni Allāh. Ito ay isang kadahilanan sa pagkakaibahan ng mga tao sa araw nito. Sa pangwakas, tunay na ang edukasyong pampananampalataya ay nagbibigay ng katatagang espirituwal at katiwasayang sikolohikal para sa mga bata dahil ito ay nagkakaloob ng sagot sa mga pinakamalaking katanungan sa buhay. Walang iba ito kundi isang paghahango ng pagpapatnubay ng Aklat ni Allāh at isang pagpapatanglaw sa Sunnah ng Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan), na natatangi sa pagkapuro ng pinagbukalan, kaliwanagan ng metodolohiya, at pampanginoon ng mga layon kalakip ng kabatiran sa mga pangangailangan ng bata at kamalayan sa reyalidad niya at reyalidad ng edukasyon upang umabot ito sa pagkakabuo at pagkakabalanse sa personalidad ng bata.
Ang mga Layon ng Edukasyong
Pampananampalataya
Tunay na ang pangkalahatang layon ng edukasyon ay ang pagsasakatuparan pagkaaliping totoo kay Allāh (pagkataas-taas Siya). Ang layuning ito humihiling ng pagsasakatuparan ng maraming sekondaryong layon, na ang ilan ay ang sumusunod:
Una: Ang tumpak na paghuhubog na pampaniniwala para sa mga anak ng lipunang Muslim para sa paghahanda sa maayos na tao na sumasamba kay Allāh – (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) – batay sa isang patnubay at isang pagkatalos.
Ikalawa: Na magsasaasal ang individuwal sa lipunang Muslim ng mga kaasalang kapuri-puri habang tumutulad doon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) na sumasaksi sa kanya ang Panginoon nito (kaluwalhatian sa Kanya) sa sabi Niya: “Tunay na ikaw ay talagang nasa isang kaasalang sukdulan.” (Qur’ān 68:4) at bilang paggawa ayon sa sabi nito (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan): “Ipinadala lamang ako upang maglubos ako ng maayos sa mga kaasalan.” (Aḥmad: 8939)
Ikatlo: Ang pagpapalago ng damdaming pampangkat para sa mga individuwal ng lipunang Muslim kung saan ikinikintal sa individuwal ang damdamin ng pagkakaugnay sa lipunan niya kaya magpapahalaga siya sa mga isyu nito at mga alalahanin nito at makikiugnay siya sa mga kapatid niya bilang pagsasagawa sa sabi ni Allāh (pagkataas-taas Siya): “Ang mga mananampalataya ay magkakapatid lamang” (Qur’ān 49:10); sa sabi ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan): “Ang mananampalataya para sa mananampalataya ay nagpapatatag sa isa’t isa.” (Al-Bukhārīy: 6026); at sa sabi pa ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan): “Makakikita ka sa mga mananampalataya sa pag-aawaan nila, pagmamahalan nila, at pagdadamayan nila ay katulad ng katawan: kapag dumaing ito sa isang bahagi, magtatawagan para rito ang nalalabi sa katawan nito sa dahil sa pagkapuyat at lagnat.” (Al-Bukhārīy: 6011). Sa pamamagitan niyon nabibigyang-diin ang mga bigkis ng kapatirang pampananampalatayang tapat sa pagitan ng mga anak ng Kalipunang Muslim
Ikaapat: Ang pagbuo ng individuwal na balanse sa sikolohiya at emosyon, na kabilang sa umaalalay sa isang personang aktibo at isang kaanib na kapaki-pakinabang para sa lipunan niya, at siyang nakakakaya sa pagganap sa papel niya at tungkulin niya sa paglinang ng daigdig, sa pamumuhunan ng mga yaman nito, at sa pagsasagawa ng mga pasanin ng pagkakatalaga sa daigdig at ng mga tungkulin nito, na gumawa si Allāh sa kanya bilang kahalili rito.
Mula rito, lumilitaw ang pangangailangan sa pagsisimula sa edukasyong pampananampalataya, sa konsepto niyong tumpak, at siyang gumagawa nang may pagpapatuloy sa paggawa ng espirituwal na lakas, pagpapalago ng personal na udyok, pagpapalakas ng panloob na pampigil, pagpapalaganap ng espiritu sa mga sinasabi at mga ginagawa. Mula roon, dadali sa tao matapos niyon ang pagsasagawa ng mga gawaing hinihiling para sa pagsasakatuparan ng mga layon ng edukasyong sikolohikal at dinamika.
Ang mga Pundasyong
Pang-edukasyon
Mayroong isang kabuuan ng mga pundasyon na sinasaligan ng estrukturang pang-edukasyon, na maaari ang paglimita nito sa dalawang pundasyon. Ang una ay ang pundasyong pangkaalaman at ang ikalawa ay ang pundasyong praktikal.
Ang pundasyong pangkaalaman ay maaaring bahaginin sa dalawang bahagi: ang kaalaman at ang pananampalataya.
Ang Unang Bahagi: Ang Kaalaman. Ito ay kumakatawan sa pinakamalaking susi para sa pag-intindi at paghubog ng mga pangganyak na pang-ugali. Nagsasabi si Allāh (pagkataas-taas Siya): “Nagkakapantay kaya ang mga nakaaalam at ang mga hindi nakaaalam? Nagsasaalaala lamang ang mga may isip.” (Qur’ān 39:9) Nagsigasig ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) na makaalam ang mga Kasamahan niya ng kaalamang kapaki-pakinabang. Nagturo siya sa kanila na dumalangin ng pagpapakupkop kay Allāh mula sa kaalaman na napakikinabangan. Nagsasabi siya sa panalangin niya na itinuturo niya sa kanila: “O Allāh, nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa isang kaalamang hindi napakikinabangan at laban sa isang pusong hindi nagpapakumbaba.” (Muslim: 2722)
Ang Ikalawang Bahagi: Ang Pananampalataya. Ito ay ang naninirahan sa mga puso ng mga anak na pananampalataya sa anim na haligi. Ito ay isang masaklaw na kahulugan na pumapaligid sa buhay at sa matapos nito. Nagsigasig nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) sa pagtatanim ng pinaniniwalaang pampananampalatayang matuwid na ligtas sa mga puso ng mga anak ng Kalipunan niya.
Hinggil naman pundasyong praktikal, maaaring bahagiin ito sa tatlong bahagi: ang pagkaalipin, ang aplikasyon, at ang mga kaasalan:
Ang Unang Bahagi: Ang Pagkaalipin. Ang edukasyong produktibo ay kailangan para rito ng isang pagbuong panloob na tapat at mga katangiang pansariling natatangi, na nakakakaya ng paghubog sa sarili para sa anak para humarap siya sa buhay niya na nagpapakawagas na nauugnay palagi sa Diyos niya para tumuwid ang gawi niya at ang pag-iisip niya. Bagkus, tutuwid ang mga pag-asa niya at ang mga ambisyon niya. Heto ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan), nagsabi siya kay Mu`ādh: “Sumpa man kay Allāh, tunay na ako ay talagang umiibig sa iyo huwag ka ngang magpabaya sa katapusan ng bawat dasal na magsabi: O Allāh, tulungan Mo ako sa pag-alaala sa Iyo, pagpapasalamat sa Iyo, at kagandahan ng pagsamba sa Iyo.” (Abū Dāwud: 1522) Siya ay nagtuturo rito na ang pagsamba ay isang kabutihang-loob mula sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya). Ito ay hindi isang pagsisikap na pantao lamang. Bagkus isang pampanginoong pagtutuon din naman gaya ng pagtuturo niya na ang pagsamba ay nangangailangan palagi ng pagpapatulong kay Allāh para maikintal sa puso nito na kinakailangan sa mananampalataya kapag sumamba ito sa Panginoon nito na magpatulong sa Kanya at manalig sa Kanya sa pagsamba nito sa Kanya yayamang tunay na Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay ang Tagapagtuon sa pagtalima sa Kanya.
Ang Ikalawang Bahagi: Ang Aplikasyon. Walang kaalaman na walang gawa sapagkat ang paggawa ay ang kaparaanan ng pagkakalamangan sa pagitan ng mga tao sa Kabilang-buhay: “Kaya ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kabutihan ay makikita niya iyon, at ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kasamaan ay makikita niya iyon.” (Qur’ān 99:7-8)
Ang Ikatlong Bahagi: Ang mga Kaasalan. Ang metodolohiya ng Islām ay nakabatay sa taong may mga kaasalan, hanggang sa tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) mismo ay nagtuturing na ang mensahe sa kalahatan nito ay napaglinawan sa iisang kahulugan: ang kagandahan ng kaasalan at ang edukasyon dito, sapagkat nagsabi siya: “Ipinadala lamang ako upang maglubos ako ng maayos sa mga kaasalan.” (Aḥmad: 8939) Nagtutulak siya sa kanila sa magandang kaasalan sa pamamagitan ng sabi niya: “Tunay na ang pinakakaibig-ibig sa inyo sa akin at ang pinakamalapit sa inyo mula sa akin sa upuan sa Araw ng Pagbangon ay ang mga pinakamaganda sa inyo sa mga kaasalan.” (At-Tirmidhīy: 2018) Kaya ang mga kaasalan ay resulta ng edukasyong pampananampalataya na hayag.
Mga Modelong
Pang-edukasyon
Tunay na ang uri ng mga modelong pangkaalaman ay kabilang sa pinakamahalaga sa mga bagay na umaalalay sa pagpapatatag sa mga prinsipyo at mga pinahahalagahan (value). Dito ay may isang pinaiksing paglalahad ng isang kabuuan ng mga modelo na naglilinaw kung papaano noon ang pagpatnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) at ng mga Kasamahan niya sa pagbuo ng estrukturang pampananampalataya para sa mga bata.
- Ayon kay Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ay nagpapakupkop noon [kay Allāh] para kina Al-Ḥasah at Al-Ḥusayn at nagsasabi: “Tunay na ang ninuno ninyong dalawa ay nagpapakupkop noon [kay Allāh] para kina Ismael at Isaac. Nagpapakupkop ako sa mga lubos na salita ni Allāh laban sa bawat demonyo at pesteng mapaminsala at laban sa bawat matang masama.” (Al-Bukhārīy: 3371)
- Ayon kay Abū Hurayrah malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan): “Walang anumang bata malibang ipinanganganak sa naturalesa ngunit ang mga magulang niya ay nagpapahudyo sa kanya o nagpapakristiyano sa kanya o nagpapamago sa kanya.” (Al-Bukhārīy: 1358)
- Ayon kay `Umar bin Abī Salamah malugod si Allāh sa kanya) na nagsasabi: Ako noon ay isang bata sa pangangalaga ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan). Ang kamay ko ay naglilikot sa bandeha kaya nagsabi sa akin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan): “O bata, bumanggit ka sa ngalan ni Allāh, kumain ka sa pamamagitan ng kanang kamay mo, at kumain ka sa nalalapit sa iyo.” (Al-Bukhārīy: 5376 at Muslim: 2022)
- Ayon kay Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: Ako ay nasa likuran ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) isang araw saka nagsasabi siya: “O bata, tunay na ako ay magtuturo sa iyo ng mga pangungusap. Ingatan mo si Allāh, iingatan ka Niya. Ingatan mo si Allāh, matatagpuan mo Siya tungo sa iyo. Kapag humingi ka, manghingi ka kay Allāh. Kapag nagpatulong ka, magpatulong ka kay Allāh. Alamin mo na ang kalipunan, kahit pa man nagtipon sila para magpakinabang sa iyo ng anuman, ay hindi sila magpapakinabang sa iyo ng anumang maliban ng anumang nagtakda na niyon si Allāh para sa iyo.” (At-Tirmidhīy: 2516)
- Ayon kay Al-Ḥasan bin `Alīy malugod si Allāh sa kanya), na nagsabi: Nagturo sa akin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ng mga salitang sasabihin ko sa qunūt ng witr: “O Allāh, patnubayan Mo ako kasama ng sinumang pinatnubayan Mo, pagalingin Mo ako kasama ng pinagaling Mo tangkilikin Mo ako kasama ng tinangkilik Mo, pagpalain Mo ako sa anumang ibinigay Mo, ipagsanggalang Mo ako sa kasamaan ng anumang itinadhana Mo; tunay na Ikaw ay nagtatadhana at walang nagtatadhana sa Iyo. Tunay na hindi nahahamak ang sinumang kinatangkilik Mo. Mapagpala Ka, Panginoon namin, at pagkataas-taas Ka.” (Abū Dāwud: 1425)
- Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: Nagsabi sa akin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan): “O munting anak ko, kapag pumasok ka sa mag-anak mo, bumati ka. Ito ay magiging biyaya sa iyo at sa mga tao ng bahay mo.” (At-Tirmidhīy: 2698)
- Ayon kay Jundub Al-Bajalīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: “Kami noon ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan). Kami ay mga binatang malalakas. Natutunan namin ang pananampalataya bago kami natuto ng Qur’ān. Pagkatapos natuto kami ng Qur’ān kaya nadagdagan kami dahil dito ng pananampalataya.” (Ibnu Mājah: 61)
- Ayon kay Ummu Sulaym Ar-Rumayṣā’ na ina ni Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanila sa kalahatan): “Yumakap ako sa Islām habang si Anas noon ay maliit pa, na hindi pa naawat. Nagsimula ako na nagpapabigkas kay Anas. Sabihin mo: Walang Diyos kundi si Allāh. Sabihin mo: Sumasaksi ako na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh. Saka ginawa naman niya.”
- Ayon kay Ibrāhīm At-Taymīy, kaawaan siya ni Allāh, na nagsabi: “Sila noon ay nagtuturing na kaibig-ibig sa kauna-unahan sa ipahahayag ng paslit, na magturo sila rito na: Walang Diyos kundi si Allāh, nang pitong ulit. Kaya iyon ay ang kauna-unahan sa sasalitain nito.”