Panimula
Tunay na ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay ukol sa pinakamarangal sa mga propeta at pinakamainam sa mga sugo, ang Propeta natin si Muḥammad, at gayon din sa mga Kasamahan niya sa kalahatan.
Tunay na ang unang mga taon ng pagkabata ay may pinakadakilang kahalagahan sa pagbuo ng pananaw ng bata sa kairalan yayamang ibinibilang na ang mga konseptong ikinikintal sa mentalidad ng bata sa yugtong ito ay ang pangunahing sangkap na nagbibigay-anyo sa personalidad ng tao sa lahat ng mga nagkakaiba-ibang aspeto nito at nararapat na maging magkaugma sa mga sikolohikal, panlipunan, at panrelihiyong mga kakailanganin ng bata. Ito ay mahalaga para sa paghubog sa bata nang lubusang paghubog na aalalay sa kanya sa pagsulong nang may katatagan para sumuong sa daloy ng buhay at magpatuloy sa mga tinatahak nito bilang persona na balanse, produktibo, at aktibo. Sa pamamagitan ng naririnig niya at nasasaksihan niya, nahuhubog ng bata ang modelong pansarili niya sa Mundong ito. Lahat ng natitira sa buhay niya matapos niyon ay walang iba kundi ang proseso ng pag-aangkop at pagpapalago sa pangunahing pananaw na ito alinsunod sa mga kalagayang pinagdaraanan niya.
Tunay na ang pinanggagalingan ng kaalaman na sasandalan ng bata sa yugtong ito ay ang mga magulang niya. Dahil doon ang paglago at ang paghubog ng kaayusan ng mga anak ay mula sa pagdudulot ng edukasyon ng mga magulang sapagkat sila ay mga responsable sa pagtuturo sa mga anak. Dahil doon, nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan): “Lahat kayo ay tagapag-alaga at lahat kayo ay mananagot sa alaga niya.” (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2558 at Imām Muslim: 1829.) Ang pag-aatang na ito ng tungkulin ay nag-oobliga ng pagmamalasakit at pagsisikap sa edukasyon at pagtuturo.
Yayamang tunay na tayo ay namumuhay sa isang panahon na dumami ang mga ninanasa at ang mga kahina-hinala, naging isang obligasyon sa mga magulang na magsikap sila sa pagdudulot ng edukasyon sa mga anak sa isang pagsisikap na pinupuno ng katapatan, sigasig, at pag-uukol ng makakaya. Kay raming punla na itinanim ng mga magulang sa mga kaluluwa ng mga anak, na nagbunga ng mga gawang nagpapatuloy para sa mga magulang matapos ng pagyao nila sa buhay na ito. Kaya ang anak ay nagiging bahagi ng mga gawaing mananatili ang tubo ng mga ito matapos ng kamatayan, gaya ng sinabi niya (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan): “o isang anak na maayos na dumadalangin para sa kanya.” (Imām Muslim: 1631)
Ang mga anak ay kabilang sa kabuuan ng mga tagubilin ni Allāh yayamang nagsabi Siya (kaluwalhatian sa Kanya): “Nagsasatagubilin sa inyo si Allāh hinggil sa mga anak ninyo” (Qur’ān 4:11) Ibig sabihin: Tunay na ang mga anak ninyo, O kapisanan ng mga magulang, sa piling ninyo ay mga lagak na isinatagubilin nga ni Allāh sa inyo upang magsagawa kayo ng mga panrelihiyon at pangmundong kapakanan nila. Kaya magtuturo kayo sa kanila, magdidisiplina kayo sa kanila, magpipigil kayo sa kanila sa mga katiwalian, mag-uutos kayo sa kanila ng pagtalima kay Allāh at pananatili sa pangingilag magkasala palagi, gaya ng sinabi ni Allāh: “O mga sumampalataya, magsanggalang kayo sa mga sarili ninyo at mga mag-anak ninyo sa isang apoy” (Qur’ān 6:6) Kaya ang mga anak, sa ganang mga magulang nila, ay itinagubilin. Kaya maaari na magsagawa ang mga magulang ng tagubiling iyon at maaari na magwalang-bahala sila niyon kaya magiging karapat-dapat sila dahil doon sa banta at parusa. Ito ay kabilang sa nagpapahiwatig na si Allāh (pagkataas-taas Siya) ay higit na maawain sa mga lingkod Niya kaysa sa mga magulang yayamang nagtagubilin Siya sa mga magulang sa kabila ng kalubusan ng habag ng mga magulang sa mga anak nila.
Alinsunod dito, kapag ang edukasyon ng bata sa loob ng pamilya ay nangyari sa isang mahusay na paraan, tunay na siya ay makakakaya na makitungo sa panlabas na mundo sa isang ideyal na paraan. Tunay na ang alinmang paglaho ng papel na ginagampanan ng pamilya sa edukasyon ng bata at paghubog sa kanya sa paghubog na pampananampalatayang ligtas ay hahantong sa pag-iral ng isang batang nawawalan ng mga uri ng gawing kapuri-puri. Ang edukasyon ay hindi ang pagtutumpak ng mga kamalian lamang. Ito rin ay pagdodoktrina, pagtuturo, paglalahad ng mga prinsipyo ng relihiyon at mga patakaran ng Batas ng Islām din naman, at paggamit ng mga kaparaanan para sa pagtatag ng mga pagsasakonsepto at pagpapatibay sa mga ito sa mga kaluluwa mula sa edukasyon sa pamamagitan ng tinutularan, pangaral, kuwento, pakikipag-usap, at iba pa. Ito ay upang makapaglabas tayo mula sa bawat isa ng isang personalidad na balance at aktibo sa buhay at sa lipunan.
Naisagawa ang paghahati ng aklat sa dalawang bahagi. Ang unang kabanata: Hinggil sa Edukasyong Pampananampalataya, ay naglalaman ng marami sa mga pundasyon at mga prinsipyo na magiging isang tulong para sa mga magulang sa pagdudulot ng edukasyon sa mga anak nila – ayon sa pahintulot ni Allāh. Hinggil naman sa ikalawang bahagi, nakasalalay ito hinggil sa mga modelong praktikal para sa pagsagot sa mga pampananampalatayang tanong ng mga bata. Dito ay may kalipunan ng mga tanong na pinakalaganap sa gitna ng kabataan sa pagkakaiba-iba ng mga edad nila lalo na sa hinggil sa anim na haligi ng pananampalataya at may pagpapaliwanag sa pamamaraan ng pakikitungo sa tulad ng mga tanong na ito.
Si Allāh ay ang Tagapagtuon at Siya ay ang Tagapatnubay tungo sa landas ng Kagabayan.
Abdulla bin Hamad Ar-Rakf