Ang mga Tanong na Nauugnay sa Pagtatakda
Ano ang kahulugan ng pagtatadhana at pagtatakda.
Ang pagtatadhana at ang pagtatakda ay isang haligi mula sa mga haligi ng pananampalataya. Nagsabi si Allāh: “at lumikha Siya ng bawat bagay saka nagtakda Siya rito ayon isang pagtatakda” (Qur’ān 25:2) Ang kahulugan ng pagtatadhana at pagtatakda ay ang kaalaman ni Allāh sa mga itinakda sa mga bagay bago ng pag-iral ng mga ito, pagtatala Niya, kalooban Niya, at paglikha Niya sa mga ito.
Papaanong nalalaman ni Allāh ang mangyayari bago mangyari?
Maaaring masabi sa bata sa bata ng isang paghahalimbawang pisikal na simple: na ang tagagawa ng laruan na nilalaro ay nakaaalam sa kung ano ang nakakaya ng laruan na gawin bago nito gawin iyon dahil siya ang gumawa nito at naglimita sa bawat detalyeng maliit at malaki sa laruang ito. Siya ay nakasasaklaw ayon sa pagkakasaklaw na lubos at malawakan sa mga kakayahan ng laruang ito at sa mga larangan na nakakaya nito na galawan. Si Allāh ay ang lumikha sa taong ito na nakakakaya sa mga bagay na ito kaya si Allāh ay higit na sukdulan sa kakayahan, higit na malawak sa kaalaman, at higit na lubos sa paggawa. Siya ay nakasasaklaw sa pamamagitan ng kaalaman Niya sa bawat bagay na nilikha Niya bago Niya likhain, sa sandali ng paglikha Niya, at matapos Niya likhain. Pagkatapos, tunay na si Allāh ay ang lumikha sa tao, panahon, at lugar. Si Allāh ay nakaaalam sa anumang nangyari, anumang mangyayari, at anumang nangyayari bago mangyari.
Tayo ba ay mga pinilit? May mapagpipilian ba ang tao sa mga gawain niya?
Tunay na ang tao ay pinilit sa ilang bagay at nakapipili sa ilang bagay. Tayo ay mga pinilit sa kapanganakan at kamatayan, at yugto ng buhay; mga pinilit na hindi mga nakapipili sa kung sino ang mga ama natin at ang mga ina natin; at mga pinilit sa kaugnayan sa mga kaanak. Samantala, tayo ay mga nakapipili sa kung magdarasal tayo o hindi tayo magdarasal, at kung mananampalataya tayo o tatanggi tayong sumampalataya. Sa kabila ng pagpiling ito, tunay na ang pagnanais natin ay nasa loob ng pagnanais ni Allāh, ayon sa kahulugan na si Allāh (pagkataas-taas Siya), kung sakaling nagnais na pumigil sa atin sa pagpili ng isang gagawin at kung sakaling nagnais na pumigil sa atin sa pag-iwan ng isang gagawin [ay magagawa Niya]. Subalit Siya ay nagtadhana na pumili ang tao at tutuusin siya matapos niyon dahil sa pagpiling ito. Ito ang kahulugan ng sabi ni Allāh: “at hindi kayo magloloob maliban na lumuob si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.” (Qur’ān 81:29) Maaari ang pagpapaliwanag ng usapin pagkapilit at pagpili sa isang praktikal na paraan kung saan magdadala ang edukador ng isang basong yari sa kristal at magsasabi sa bata: “Makakaya mo ba na magpukol ng basong ito sa lupa upang basagin ito?” Sasagot ang bata: “Siyempre po; makakaya ko.” Saka magdadali-dali ang edukador sa pagtatanung-tanong: “Ano ang pumipigil sa iyo?” Kaya tutugon ang bata: “Ito ay mali at hindi nararapat gawin.” Kaya magkokomentaryo ang edukador habang nagsasabi: “Tunay na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nakaalam noon pa man na ikaw ay hindi babasag ng basong ito dahil ikaw ay mabuting bata, at nakaalam din noon pa man na ang masamang bata ay babasag ng basong ito. May isa bang pumigil sa iyo sa pagtapon ng basong ito sa lupa o may isa bang pumilit sa masamang bata sa pagbasag ng baso? Ganyan ang kapatnubayan at ang pagkaligaw.” Pagkatapos masasabi sa bata: “Tunay na ang tao ay hindi nakaaalam sa kung ano ang naitakda na ni Allāh sa kanya. Ikaw ay hindi hinihilingan ng pagkakaalam sa naitakda. Ikaw ay hinihilingan lamang ng pagsampalataya na ang kaalaman ni Allāh ay malawak at lubos at kabilang dito ang pagtatala ng mga naitakda. Ikaw ay pananagutin sa kalooban mo at sa sukat ng pagsunod mo sa mga ipinag-uutos at pag-iwan sa mga sinasaway. Ito ay nasa nasasaklawan ng kakayahan mo at pagnanais mo.”
Bakit nagpatnubay si Allāh sa mga tao at hindi nagpatibay sa mga ibang tao?
Talaga ngang nagpatnubay si Allāh (pagkataas-taas Siya) sa mga tao sa kalahatan dahil ang sabi niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): “Nagpatnubay Kami sa kanya sa dalawang daanan.” (Qur’ān 90:10) Ang kahulugan ng patnubay na ito ay na Siya ay naglinaw ng patnubay na nagliliwanag sa mga tao at nagpapaliwanag sa kanila ng daang tuwid kung saan ang katotohanan ay magiging malinaw at ang kabulaanan ay magiging maliwanag. Nag-iwan nga si Allāh sa mga tao ng kalayaan ng pagpili, kaya mayroong pumipili ng tumpak na daan at mayroong pumipili ng hindi tumpak na daan.
Kapag si Allāh ay nagtakda na noon pa man na mayroon sa atin na magkakamali at maliligaw, bakit Siya magpaparusa sa atin?
Ang kaalamang ito ay kaalamang pandiyos. Hindi nagtaglay ang mga tao ng alinmang pagkakaalam dito. Ang taglay nila ay payak na mga pagpapalagay, mga akala, at kamangmangan. Alinsunod dito, ang tao ay pananagutin sa ginagawa niya sa buhay niyang pangmundo. Walang puwang para sa tao na malaman ang Nakalingid na naitakda na ni Allāh sa kanya upang isagawa niya o tigilan niya. Ang pagtatakdang naitakda ay isang katwiran sa anumang nakalipas at hindi sa anumang hinaharap. Gayon din, masasabi sa kanya: “Tunay na si Allāh ay nagtakda na sa iyo ng mga bagay-bagay sa Mundo. Kaya bakit mo ginagawa ang nakapagpapakinabang sa iyo mula sa mga ito at iniiwan mo ang nakapipinsala sa iyo?” Maaaring maglahad sa kanya ng isang paghahalintulad kaya masasabi: “Kung sakaling nagnais ang tao na maglakbay sa isang bayan at ang bayang ito ay may dalawang daan na ang isa sa dalawa ay matiwasay at ang iba naman ay hindi matiwasay, alin sa dalawang daan ang pipiliin niya? Siyempre, pipiliin niya ang unang daan.” Gayon din ang paglalakbay tungo sa Kabilang-buhay, pipiliin ng tao ang daang matiwasay para makarating sa Paraiso. Ito ay ang pagsunod sa mga ipinag-uutos at ang paglayo sa mga sinasaway. Kung sakaling ang pagtatakda ay naging isang katwiran para sa isang tao, talaga sanang hindi natin nakaya na manghuli ng mga salarin dahil sila ay mangangatwiran ng pagtatakda sa mga gawa nila. Dahil doon, kinakailangan sa tao na malugod at magpasakop kay Allāh (pagkataas-taas Siya) sapagkat si Allāh ay “Hindi Siya tinatanong tungkol sa anumang ginagawa Niya samantalang sila ay tatanungin.” (Qur’ān 21:23) Ang paglikha ay paglikha Niya at ang pag-uutos ay pag-uutos Niya (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya).
Bakit tayo ni nilikha ni Allāh? Ano ang pinag-ugatan ng Sansinukob? Bakit nilikha ni Allāh ang hayop?
Nagsabi si Allāh: “Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumamba sila sa Akin.” (Qur’ān 51:56) Nilikha nga Niya tayo dahil sa isang layuning magpapakinabang sa atin. Ito ay ang pagsamba sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya). Inilagay Niya ang mga resulta sa Kabilang-buhay alinsunod sa mga gawa sapagkat ang Paraiso ay ukol sa mga tagagawa ng maganda at ang Impiyerno ay ukol sa mga tagagawa ng masagwa. Ang Sansinukob na ito sa kabuuan nito ay nilikha ni Allāh (pagkataas-taas Siya). Ito ay ginawa nang may kaeksaktuhan at kaalaman. Nilikha Niya ang mga langit at lupa at nagkalat siya sa mga ito ng mga tala. Nilikha Niya ang mga bituin bilang mga palatandaan, mga himala, at gayak. Nilikha Niya ang araw upang magbigay ito sa atin ng pampapainit at init at upang lumahok ito sa pagpapatubo ng halaman at pagpuksa sa mga mikrobyo. Nilikha Niya ang mga hayop bilang pinagsisilbi para sa tao, na kinakain niya at nagdadala sa kanya. Nagsabi si Allāh: “Ang mga kabayo, ang mga mola, at ang mga asno ay upang sakyan ninyo ang mga ito at bilang gayak. Lumilikha Siya ng mga hindi ninyo nalalaman.” (Qur’ān 16:8) Kaya ang paghahanda sa lupa para sa paninirahan at ang paglikha ng mga bagay na ito bago ng paglikha ng tao ay bahagi ng pagpapamalas ng pagpaparangal na itinangi ni Allāh (pagkataas-taas Siya) sa tao, karagdagan pa na ang mga bagay na ito sa kabuuan ng mga ito ay nagluluwalhati kalakip ng papuri kay Allāh sapagkat ang mga ito sa mga sarili ng mga ito ay mga tagasamba kay Allāh. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya): “Walang anumang bagay kundi nagluluwalhati kalakip ng pagpupuri sa Kanya ngunit hindi kayo nakauunawa sa pagluluwalhati nila. Tunay na Siya ay laging Matimpiin, Mapagpatawad.” (Qur’ān :44)
Tutuusin ba ni Allāh ang mga hindi napuntahan ng isang sugo?
Sila ay nasa ilalim ng pagsisiyasat at pagtutuos dahil si Allāh (pagkataas-taas Siya) ay nagbigay sa kanila ng isip kaya susubukin sila ni Allāh sa Araw ng Pagbangon at uutusan Niya sila. Kaya kung tutugon sila at tatalima sila, papasok sila sa Paraiso. Kung sasaway sila, papasok sila sa Impiyerno.
Bakit pinaiiral ang mga tao?
Ang Mundong ito ay tahanan ng pagsubok. Ito ay para bang unang kabanata mula sa nobelang may dalawang kabanata. Ang Kabilang-buhay ay ang tahanan ng pagganti, pakikipagtuos, at paghihiganti sa mga karapatan laban sa nang-api para sa inapi. Ito ay para bang ikalawang kabanata mula sa nobela. Dahil dito, tunay na ang pag-iral ng mga masama at ang hindi pagpaparusa sa kanila sa Mundo ay isang pagsubok at hindi nangangahulugan ito ng pagwawakas ng usapin. Bagkus walang pag-iwas sa pagsasagawa ng lahat sa Araw ng Pagbangon upang magkamit ang bawat tao ng ganti sa mga gawa niya. Nagsabi si Allāh: “Kaya ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kabutihan ay makikita niya iyon, at ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kasamaan ay makikita niya iyon.” (Qur’ān 99:7-8)
Bakit nilikha ni Allāh ang mga masama?
Tunay na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay lumikha sa mga tao at nagbigay sa kanila ng kalayaan na piliin ang paggawa ng kabutihan o kasamaan. Ikaw ay nakakakaya na maging mapitagan at nakakakaya na maging hindi mapitagan subalit kailangan na batahin ang mga kahihinatnan. Ito ay isang biyaya mula kay Allāh at isang karunungan. Ang mga masama ay nakakakaya na maging mga mabuti. Ang papel natin ay umalalay sa kanila roon. Kapag tumanggi sila at nagpumilit sila sa kasamaan, ang kinakailangan sa atin ay pigilin ang kasamaan nila sa mga tao upang ibigin tayo ni Allāh at gantimpalaan Niya tayo. Si Allāh ay Tagalikha ng bawat bagay sa buhay na ito. Ang buhay na ito ay tahanan ng pagsubok at pagsusulit. Nagsabi si Allāh: “na lumikha ng kamatayan at buhay upang sumubok Siya sa inyo kung alin sa inyo ang pinakamaganda sa gawa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Mapagpatawad,” (Qur’ān 67:2) Bahagi ng pagsubok ang pag-iral ng kasamaan sa kamay ng mga demonyo at mga nalilihis kabilang sa mga anak ni Adan.
Bakit isinisilang ang iba sa mga tao na mga nasira ang anyo at mga may kapansanan?
Ang mga ito ay sinusubok ni Allāh ng kakulangan at karamdaman upang maging matiisin sila at madagdagan sila ng mga magandang gawa at upang magpaalaala sa atin si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya) ng biyaya na ibiniyaya Niya sa atin dahil sa paglikha Niya sa karamihan sa atin na mga malusog saka magpasalamat tayo sa Kanya dahil doon, at upang magpaalaala Siya sa atin ng kahinaan natin sa harap ng mga kakayahan Niya para hindi tayo dapuan ng kapalaluan, bagkus magpapakumbaba tayo at makikipagtulungan ang isa’t isa sa atin. Matapos ng Araw ng Pagtutuos, mamumuhay ang mga gumagawa ng kabutihan sa isang buhay na pangwalang-hanggan, na mga malusog sa mga harding ng Kaginhawahan – kung loloobin ni Allāh.
Bakit mayroong mga mayaman at mayroong mga maralita? Bagkus bakit namumuhay ang ilan sa mga masama sa mga palasyo at ang ilan sa mga mabuti sa mga dampa?
Tunay na bawat anumang nasa pangmundong buhay na panustos ay mula kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya). Si Allāh ay sumusubok sa mga lingkod Niya kaya magkaminsan ay nagbibigay siya taong mabuti ng panustos upang masubok Niya ang pagbibigay nito sa mga ibang tao at magkaminsan naman ay nagkakait Siya rito ng panustos upang masubok Niya ang pagtitiis nito at ang pagbata nito na hindi magnanakaw at hindi mamuhi. Sa tuwing namumuhay na nagtitiis ang mabuting tao sa pansamantalang buhay na ito, bumibigat ang gantimpala niya sa Araw ng Pagtutuos. Hinggil naman sa taong dumami ang panustos sa kanya at hindi nagbigay sa ibang mga tao at gumawa ng masagwa sa kanila, tunay na ito ay pagdurusahin sa Araw ng Pagbangon dahil ito ay hindi gumalang sa biyaya ni Allāh.
Maaaring magsabi rin tayo sa bata: Tunay na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya) ay lumikha ng mga tao sa mga antas na nagkakaiba-iba: kabilang sa kanila ang maralita at kabilang sa kanila ang mayaman, upang dumamay ang mayaman sa mahirap at umalalay ang malakas sa mahina. Nagtadhana ang karunungan ni Allāh na magkaibahan ang mga tao sa bawat bagay. Ang mga wika nila ay nagkakaiba-iba at ang mga kulay nila ay nagkasarisari sapagkat sila ay mga lahi at mga may ikinatatangi, mga masipag at mga tamad, mga mapagmalasakit at mga makasarili, at mga mapagbigay at mga maramot. Nagkaibahan sila sa yaman at mga materyal na bagay sapagkat kabilang sa kanila ang maralita at kabilang sa kanila ang mayaman. Lahat ito ay nasa ilalim ng pagsubok sapagkat ang yaman ay pagsubok at ang karalitaan ay pagsubok. Sinusubok ang mayaman. Gugugol ba siya? Magbibigay ba siya ng zakāh? Maggagalante ba siya? Magkakawanggawa ba siya? Sinusubok ang maralita. Magpapakamatiisin ba siya? Magsisikap ba siya? Magpupunyagi ba siya sa mga dako ng lupa? Masusuhulan ba siya? Magnanakaw ba siya? Lahat ito ay pagsubok. Subalit ang garantiya para sa dalawang panig ay na ang panustos ay nasa kay Allāh (pagkataas-taas Siya) at na ang yaman at ang karalitaan ay hindi pumipigil sa pagpasok sa Paraiso at Impiyerno. Bawat isa ay naaatangan ng tungkulin alinsunod sa minamay-ari niya. Kung sakaling ang mga tao ay naging iisang uri, hindi na sana nagsilbi ang isa’t isa sa kanila at hindi na sana nangailangan ang isa’t isa sa kanila. Nagsabi si Allāh: “upang gumamit ang iba sa kanila sa iba pa sa pagsisilbi.” (Qur’ān 43:32) Ibig sabihin: Upang magsilbi ang isa’t isa sa inyo. Sa pamamagitan nito umiikot ang gulong ng buhay. Hinggil naman sa kalagayan ng iisang uri, tunay na ang buhay ay titigil.
Bakit tayo nagkakasakit? Bakit nangyayari sa tao ang mga kasawian?
Si Allāh ay sumusubok sa bawat tao. Magpapakamatiisin ba siya sa karamdaman o magagalit? Si Allāh (pagkataas-taas Siya) ay gagantimpala sa sinumang nagpakamatiisin ng isang malaking gantimpala. Ikatutuwa ito ng mananampalataya sa Araw ng Pagbangon. Ang mga karamdaman, ang mga kasawian, at ang mga sakit ay mga pagtatakda na itinakda ni Allāh upang ipang-angat ng mga antas at ipandalisay sa mga puso natin at mga kaasalan natin laban sa kapalaluan, kayabangan, at pagmamalaki. Sa [panahon ng] mga ito nagpapakalapit ang mananampalataya sa Panginoon niya sa pamamagitan ng panalangin at pagtitiis kaya nadaragdagan ang pananampalataya niya at mga magandang gawa niya at iniibig siya ng Panginoon niya. Ito ay upang matutunan ng tao ang halaga ng kagalingan, kalusugan, at kaginhawahan. Maaaring maglahad tayo sa bata ng isang paghahalintulad sa pamamagitan ng kotse. Magtatanong tayo sa kanya: “Bakit ginawa ang kotse? Upang magbiyahe ka, hindi ba? Ngunit bakit ang kompanyang tagagawa ay naglagay sa kotse ng mga preno? Hindi ba ito sumasalungat sa pagkilos nito?” Tunay na ang paggamit ng mga preno ay kailangan para sa kaligtasan nito. Ang kotse ay ginawa para tumakbo. Ang preno ay nagpapatigil sa kotse sa naaangkop na sandali upang hindi ito makapinsala sa sakay nito. Kaya kung paanong si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya) ay lumikha sa atin upang paligayahin Niya tayo sa pamamagitan ng pagsamba sa Kanya at kaginhawahang dulot Niya sa atin, nilikha nga ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ang mga kasawian upang magsaalaala ang nagpapabayang tao sa pinakamalaking misyon na nilikha siya alang-alang doon para tumigil siya sa pagpapabaya niya at pagkalingat niya at magsaalaala siya sa Panginoon niya para humingi siya ng tawad, magtiis, at umasa ng gantimpala.
Si Allāh ba ang lumikha sa mga hayop at mga kulisap na nakasasakit?
Si Allāh ay Tagalikha ng bawat bagay. Siya ay ang Panginoon ng bawat bagay. Kung paanong lumikha Siya ng mga nilikhang ito sa pamamagitan ng kakayahan Niya, nilikha Niya ang mga ito sa pamamagitan ng karunungan Niya rin dahil Siya ang Marunong na Maalam, na nakaaalam sa nauukol sa mga ito, na hindi natin nalalaman dahil ang mga kaalaman natin at ang mga kabatiran natin na itinuro ni Allāh sa atin ay lubhang maliit kaugnay sa kaalaman ni Allāh at karunungan Niya. Dahil doon, nagsasabi si Allāh (pagkataas-taas Siya): “at hindi kayo binigyan ng kaalaman kundi kakaunti.” (Qur’ān 17:85) Tayo ay hindi nakakakaya na umalam sa lahat ng mga kasanhian na nilikha ni Allāh ang mga hayop na ito alang-alang sa mga iyon. Kabilang sa mga kasanhian sa paglikha ng tulad sa mga nilikhang ito ang paglitaw ng pagpapahusay sa paggawa ni Allāh sa paglikha Niya at pangangasiwa Niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa mga nilikha Niya. Sa kabila ng dami ng mga ito, tunay na Siya ay nagtutustos sa mga ito sa kalahatan. Gayon din, naglalantad ito ng kahinaan ng tao at kawalang-kakayahan niya dahil sa pagkadama niya ng sakit at sa karamdaman niya dahilan sa isang nilikhang labis na higit na mababa kaysa sa kanya pagkakalikha. Pagkatapos nahayag nga sa pamamagitan ng medisina at eksperimento na may isang bilang ng mga droga na napakikinabangan, na hinahango mula sa kamandag ng mga ulupong at mga nakatutulad ng mga ito, gaya ng mga ahas na kumakain ng mga dagang bukid na sumisira sa mga aning pang-agrikultura. Pagkatapos tunay na marami sa mga nakapipinsalang hayop na ito ay nagiging pagkain para sa mga iba pa kabilang sa mga napakikinabangang hayop, na bumubuo sa sirkulo ng pagkabalanse na umiiral sa kalikasan at kapaligiran, na hinusto ni Allāh ang pagkakalikha sa mga ito.
Bakit kailangang magdasal ako ng limang ulit sa araw at gabi?
Tunay na ang mga pagsamba na isinatungkulin ni Allāh sa atin ay mga kaparaanan lamang ng pagdadalisay ng kaluluwa ng mananampalataya at pag-aangat ng espiritu niya, at pinakakaunti na maipagkakaloob alang-alang doon na pagsisikap karagdagan sa parte ng nakakamit sa likuran niyon na kabutihan. Yayamang ang pagdarasal ay naglalaman ng pagbigkas, pagsambit, at pagdalangin at ang pagdarasal ay tagatipon ng mga bahagi ng pagkamananamba sa pinakaganap na mga anyo, ito ay naging higit na mainam kaysa sa buong pagbigkas, pagsambit, at pagdalangin sa pamumukod nito dahil sa pagkatipon ng pagdarasal niyon sa kabuuan niyon kasama ng nalalabi sa mga bahagi ng katawan.
Tunay na ang mga mananampalataya ay natutuwa sa pagdarasal dahil sila rito ay nagiging kasama kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya). Dumadalangin sila ng lahat ng minimithi nila kaya tumutugon naman Siya sa kanila. Tayo ay nagdarasal dahil si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya) ay nag-utos sa atin niyon. Tayo palagi ay nakaiibig na gumawa ng ipinag-utos sa atin ni Allāh. Tayo ay sumasamba kay Allāh dahil Siya Tagalikha natin at Tagapagtustos natin, at dahil Siya ay karapat-dapat na sambahin dahil sa ibinigay Niya sa atin ng mga bigay na hindi nabibilang at hindi naiisa-isa. Nagsabi si Allāh: “Kung magbibilang kayo ng biyaya ni Allāh ay hindi kayo makapag-iisa-isa nito.” (Qur’ān 16:18) Tunay na ang pagsambang ito ay tanging isang pagpapahayag ng pag-ibig natin at pagpapasalamat natin kay Allāh (pagkataas-taas Siya) at isang pag-amin ng pangangailangan natin sa Kanya upang ingatan Niya sa atin ang kagalingan natin, ituon Niya tayo sa kabutihan, at ilayo Niya tayo sa kasamaan. Si Allāh ay hindi nangangailangan sa dasal dahil Siya ay Walang-pangangailangan sa atin at sa mga gawa natin at hindi nakikinabang sa mga ito. Ang mga pagsamba ay mga utos mula sa ganang kay Allāh. Nagnais Siya sa atin na sumamba tayo sa Kanya sa paraang inihatid ng Propeta Niyang si Muhammad (ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya). Ito ang kahulugan ng Dalawang Pagsaksi: sumasamba tayo kay Allāh sa paraan ng Sugo ni Allāh. Ang mga pagsambang ito rin ay isang kaparaanan para sa atin para magkamit tayo ng mga dakilang pabuya na magiging isang kadahilanan para sa pagpasok sa Paraiso sapagkat nagtadhana ang karunungan ni Allāh na hindi magbigay Siya sa isang tao ng isang pabuya malibang kapalit ng isang gawain. Dahil dito, tunay na [para bang] ang Paraiso ay paninda ni Allāh – at ito ay mahal – at nangangailangan ng isang malaking halaga, ang pagtalima.
Dumalangin ako sa ṣalāh ko na lumaki ako nang mabilis ngunit hindi tumugon si Allāh sa akin?
Tunay na ang panalangin ay may mga etiketa na kinakailangan ang mga pagsasaalang-alang sa mga ito. Kabilang sa mga etiketa ng panalangin ay na igalang ng dumadalangin ang mga patakaran, ang mga sunnah o ang mga batas na inilagay ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) para sa pagpapainog ng daigdig na ito. Tayo ay dumadalangin kay Allāh habang Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay gumagawa ng kabutihan na pinipili Niya para sa atin. Maaaring hilingin mo sa ama mo na maglaro ka ng bisikleta sa kalsada ng mga kotse subalit siya ay tumatanggi dahil siya ay nagmamahal sa iyo at nagtuturing na ang hindi pagtugon sa hiling mo ay higit na mainam para sa iyon. Bahagi ng kagalantehan ni Allāh (pagkataas-taas Siya) na ang panalangin natin ay may tatlong kalagayan. Una: Na tutugon si Allāh sa atin at magsasakatuparan nito. Ikalawa: Na mag-aalis si Allāh dahil dito ng isang kasawian at unti-unting mangyayari ito sa atin. Ikatlo: Mag-iimbak nito si Allāh para sa atin para sa Araw ng Pagbangon upang maisakatuparan ang higit na maganda kaya rito sa Paraiso.
Bakit hindi ako naging maganda tulad ng kaibigan ko?
Dahil si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya) ay lumikha sa bawat isa nang may anyong ikinabubukod niya. Bawat nilikha ni Allāh ay maganda, gaya ng sinabi ni Allāh (pagkataas-taas Siya): “talaga ngang lumikha Kami sa tao sa isang pinakamagandang paghuhubog.” (Qur’ān 95:4) Bawat persona ay namumukod sa namumukod-tanging paraan ng pagkalikha sa kanya. Kaya ang nilikha ni Allāh na lubhang marikit ay kinakailangan sa kanya na magpasalamat kay Allāh nang higit. Ang hindi ganoon ay kinakailangan sa kanya na malugod at tumanggap. Ang nagpapasalamat at ang nagtitiis ay mayroong mga antas at sukdulang pabuya.
Kapag si Allāh ay umiibig sa atin, bakit may nangyayari sa atin na mga masagwang bagay?
Tunay na si Allāh ay sumusubok sa atin upang mabukod ang tagagawa ng maganda sa tagagawa ng masagwa. Maaaring sumubok si Allāh sa tao hanggang sa dumulog ito sa Kanya at maging malapit kay Allāh palagi. Kaya ang pagsubok ay ipinansusubok ni Allāh sa mga mahal Niya upang itama Niya sila at iangat ang mga antas nila at upang maging mga tinutularan para sa iba sa kanila upang magtiis ang iba sa kanila at tumulad sa kanila. Dahil dito, nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan): “Ang pinakamatindi sa mga tao sa pagsubok ay ang mga propeta. Pagkatapos ang pinakamarangal saka ang pinakamarangal.” (Ṣaḥīḥ Al-Jāmi`: 992) Kaya sinusubok ang tao ayon sa antas ng pagrerelihiyon niya. Kung sa pagrerelihiyon niya ay may katigasan, titindi sa kanya ang pagsubok. Dahil dito, sinubok ni Allāh ang mga propeta ng mga mabigat na pagsubok. Mayroon sa kanila na pinatay. Mayroon sa kanila na sinaktan. Mayroon sa kanila na tumindi sa kanya ang karamdaman at tumagal, gaya ng kay Propeta Job (sumakanya ang pagbati ng kapayapaan) at ng sa Propeta natin (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) na sinaktan ng madalas sa Makkah at sa Madīnah ngunit sa kabila nito ay nagtiis siya (ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya). Ang tinutukoy rito ay na ang pananakit ay nagaganap sa mga may pananampalataya at pangingilag magkasala alinsunod sa pangingilag nilang magkasala at pananampalataya nila. Pagkatapos kailangang mailagay sa kaluluwa ng bata na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay gumagawa ng niloloob Niya at humahatol ng ninanais Niya. Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya) ay hindi mapananagot sa anumang ginagawa Niya dahil Siya ay ang pinakahukom ng mga hukom.