Ang mga Tanong na Nauugnay sa Pananampalataya kay Allāh
Tunay na ang pinakamadalas sa mga tanong sa pag-ikot sa isipan ng bata sa isang maagang edad ay ang mga tanong na nakasalalay hinggil kay Allāh. Dito ay may paglalahad sa pinakamadalas sa mga tanong na ihinahain ng mga bata sa mga magulang nila.
Sino si Allāh?
Sa pagsisimula, nararapat na hindi tayo maghintay sa bata hanggang sa magtanong ito sa atin tungkol kay Allāh. Bagkus magdadali-dali tayo sa pag-uusap tungkol kay Allāh palagi sa bawat okasyon. Tunay na ang tumpak na sagot sa tanong ng bata tungkol kay Allāh at sa mga katangian Niya ay magpupundasyon ng paniniwala sa Tawḥīd at Pananampalataya kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa isip at puso ng bata. Dahil doon, tunay na ang pinakaideyal na paraan ay na magsagawa ng pagbaling sa isipan ng bata mula sa pag-iisip-isip hinggil sa Sarili ni Allāh tungo sa pag-iisip sa mga grasya Niya at mga himala ng paglikha Niya na nagpapatunay sa Kanya gaya ng langit, mga ulap, mga bituin, araw, buwan, dagat, mga punung-kahoy, at iba pa. Ipagugunita sa bata ang kabutihang-loob ni Allāh sa kanya dahil sa paglikha sa kanya at paglikha sa mga bahagi ng katawan niya, mga mata niya, mga tainga niya, bibig niya, dila niya, mga kamay niya, mga paa niya, at buong katawan niya. Ipababatid sa kanya na ang langit na ito ay nilikha ni Allāh at ang lupang ito ay nilikha ni Allāh. Gayon nga hanggang sa masanay siya at mahirati siya sa mga salitang ito. Kapag nagtatanong siya sa atin kung sino si Allāh, sasagot tayo nang simple na si Allāh ay ang lumikha sa bawat anumang nasa paligid natin at bawat sinumang nasa paligid natin. Magbibigay tayo sa kanya ng maraming halimbawa roon.
Kapag naipatalos natin sa bata ang mga nilalang na panlangit at panlupa at hinawi natin para sa kanya ang tabing ng kahanga-hangang kaayusang ito at hinustong pagkakaayos, sasabihin natin sa kanya: “Nakita mo ba ang kaayusang ito? Tunay na ang tagapaglagay ng mga batas na ito at ang tagapagsaayos ng mga ito ay si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).” Tunay na siya sa sandaling iyon ay magiging nakararamdam sa Panginoon niya ayon sa kaalaman at patunay. Ipababatid natin sa kanya na si Allāh ay ang lumikha ng bawat bagay at walang katulad sa Kanya na anuman. Siya ay ang Maawain, ang Palatustos, ang Mapagbigay. Mayroon Siyang mga pangalan at mga katangian, na ang lahat ng mga ito ay maganda at marikit. Dahil doon, Siya ay nagiging karapat-dapat sa pagsamba; tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay umiibig sa mga bata at nag-uutos sa mga nakatatanda na mag-alaga sa kanila, magpakinabang sa kanila, at magkaloob ng kabutihan sa kanila at sa mga tao sa kalahatan. Siya ay magtutuos sa atin sa mga magaling at masagwang gawa natin bilang gantimpala o bilang parusa. Siya ang gaganti sa tagagawa ng maganda dahil sa paggawa nito ng maganda at sa tagagawa ng masagwa dahil sa paggawa nito ng masagwa. Kabilang sa mapakikinabangan ang magturo sa mga bata ng maiikli sa detalyado kung saan naglalaman ng mga sagot tungkol sa sarili ni Allāh at mga katangian Niya sapagkat Siya ay si Allāh na Hindi nagkaanak at hindi ipinanganak at hindi nagkaroon sa Kanya ng isang kapantay na isa man.
Maaaring maglahad tayo sa bata ng isang tanong saka magsabi tayo: “Sino ang bumili para sa iyo ng mga magandang kasuutang ito?” Magsasabi naman siya: “Ang ama ko.” “Sino ang naghahatid sa iyo sa paaralan?” Magsasabi siya: “Ang ama ko.” “Kapag nagkakasakit ka, sino ang naghahatid sa iyo sa manggagamot?” Magsasabi siya: “Ang ama ko.” “Sino ang nagdadala sa inyo sa pamamasyal kapag bakasyon?” Magsasabi siya: “Ang ama ko.” “Samakatuwid ang ama mo ang nagtataguyod sa mga kapakanan mo sa kalahatan ng mga ito?” “Opo.” “Ganoon si Allāh; Siya ang nagtataguyod ng lahat. Si Allāh ay ang tagalikha ng bawat bagay. Ang bawat nakikita mo sa paligid mo ay ginawa ni Allāh: ang araw, ang buwan, ang mga ulap, ang mga dagat, at ang mga bundok. Nilikha Niya ang tao, ang mga hayop, at ang mga ibon. Nilikha Niya ang mga anghel at ang mga demonyo. Si Allāh ang Tagalikha ng Sansinukob sa kabuuan nito. Si Allāh ay Mapagbigay, Maawain, na nagtataguyod sa atin, nag-aalaga sa atin, umiibig sa atin, at nagdudulot sa atin ng kabutihan palagi.
Ang anyo ni Allāh ba ay tulad ng tao?
Hindi; hindi Siya tulad natin. Si Allāh ay hindi katulad ng anuman. Siya ang lumikha sa akin, lumikha sa iyo, lumikha sa lahat ng mga tao, at lumikha sa mga punung-kahoy, mga ilog, mga dagat, at bawat bagay sa Mundong ito. Siya ay ang pinanggagalingan ng lakas. Kapag nagnais Siya ng anuman ay nagsasabi ng mangyari kaya mangyayari. Tunay na si Allāh ay naiiba sa tao sapagkat ang tao ay hindi nakakakaya na lumikha ng isang tao subalit si Allāh ay nakakakaya niyon at nakakakaya na gumawa ng alinmang bagay na nananaisin Niya. Yayamang tunay na walang isang nakakakaya na makakita kay Allāh sa buhay sa Mundo, walang isang nakakakaya na maglarawan sa anyo Niya. Tayo ay hindi nakakakaya na tumingin kay Allāh sa buong kariligan Niya at liwanag Niya sapagkat ang mga kakayahan natin ay limitado. Pagkatapos hihilingin natin sa bata na pumunta [sa labas] at tumingin sa mga sinag ng araw nang hindi magpipikit ng mga mata niya at tatanungin natin: “Makakaya mo bang magpatuloy sa pagtingin sa araw?” Magsasabi siyang hindi. Kaya magsasabi tayo: “Ganyan si Allāh, mahal ko, ang liwanag na namumutawi kay Allāh ay hindi natin makakayang matiis subalit kapag nakapasok tayo sa Paraiso, makikita natin si Allāh ayon sa pahintulot Niya (pagkataas-taas Siya).
Maaaring tumutol ang bata rito at magpakita ng kawalan ng pagkakumbinsi habang nagsasabi: “Papaanong walang katulad sa Kanya?” Dito ay nararapat na kumbinsihin siya nang mahinahon kaya magsasabi tayo: “Tunay na ang mga isip natin gaano man lumaki at umintindi ay mananatiling mga isip na pantao na nalilimitahan: nakaalam ng niloloob ni Allāh na malaman ng mga ito at hindi nakaaalam ng iba pa. Kaya imposible na matutunan natin ang bawat bagay dahil tayo ay nananatiling mga tao.” Masasabi sa kanya: “Kung sakaling si Allāh ay isang taong tulad natin, talaga sanang nagkasakit Siya tulad natin, kumain at uminom tulad natin, at namatay na rin tulad ng mga taong namatay. Subalit si Allāh ay hindi nagkakasakit, hindi kumakain, hindi umiinom, at hindi namamatay. Siya ay umiiral palagi. Siya ay ang Tagalikha ng mga langit at lupa at bawat bagay sa Sansinukob na ito. Dahil doon, si Allāh ay hindi katulad ng anuman.” Maaaring magtanong tayo sa bata: “Makakaya kaya natin, tayong mga tao, na magsabi sa isang bagay na mangyari kaya mangyayari ito?” Magsasabi ang bata: “Hindi.” Sa pamamagitan niyon, mahuhulo natin kasama ng bata ng si Allāh ay hindi tao tulad natin; Siya lamang ay isang Tagalikhang Sukdulan.
Masasabi natin sa kanya: “Tunay na ang pandinig natin ay limitado sapagkat tayo ay hindi nakarinig maliban ng mula sa isang takdang distansiya. Kung sakaling nakaririnig tayo ng bawat bagay, talaga sanang napagod tayo. Ang paningin natin ay limitado sapagkat tayo ay hindi nakakikita maliban ng hanggang sa isang takdang distansiya. Tayo ay hindi nakakakaya na makakita ng nasa likuran ng pader, halimbawa. Kung paanong ang pandinig natin ay limitado at ang paningin natin ay limitado, gayon din, ang isip natin ay limitado sapagkat ito ay hindi nakatatalos ng bawat bagay.” Tunay na ang isip ng tao ay limitado, na hindi nakakakaya sa pagtalos sa bawat bagay. Magmula na nilikha ni Allāh (pagkataas-taas Siya) ang sangkatauhan hanggang sa araw nating ito, nanatiling ang sakop ng di-nalalaman ay higit na malaki nang maraming ulit kaysa sa sakop ng nalalaman. Ang kaluluwa na natatagpuan sa katawan ng tao, halimbawa, sa kabila na ito ay malapit sa atin, gayon pa man, tayo ay hindi na magguniguni nito at umaalam sa reyalidad nito. Kaya kapag ganito sa isang bagay mula sa atin at nasa atin, papaano na sa anumang nasa labas buhat sa atin? Kaya ang tao ay hindi nakakakaya na tumalos sa sarili ni Allāh. Samakatuwid, tunay na ang pag-uusap tungkol sa anyo ni Allāh ay hindi nagiging sa pamamagitan ng pagsasakonsepto ni ng isip ni ng pagguniguni, bagkus nagiging sa pamamagitan ng Kapahayagan lamang. Nagbigay-katiyakan na ang Qur’ān sa usaping ito sa pamamagitan ng pagsabi niyon: “Walang katulad sa Kanya na anuman, at Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita.” (Qur’ān 42:11) Alinsunod doon, tunay na si Allāh ay hindi tulad natin at tulad ng anuman. Ito ay nagpapatunay sa kadakilaan ni Allāh na kinakailangan sa atin na umibig sa Kanya, umasa sa Kanya, at matakot sa Kanya. Ang kadakilaang ito ay lilitaw na ang pagkakita sa Kanya sa Paraiso ay ang pinakadakila sa Kaginhawahan sa Paraiso higit sa lahat.
Sino ang lumikha kay Allāh?
Kung sakaling nagkaroon ng isang lumikha kay Allāh, talaga sanang nagtanong ka rin kung sino ang lumikha sa tagalikha, hindi ba? Samakatuwid, kailangang malaman natin na kabilang sa mga katangian ni Tagalikha na Siya ay hindi nilikha, at na Siya ay ang lumikha sa lahat ng mga nilikha. Kung sakaling Siya ay naging nilikha, talaga sanang hindi tayo sumamba sa Kanya at hindi tayo sumunod sa mga turo Niya at mga utos niya. Kaya ang tanong tungkol sa kung sino ang lumikha kay Allāh ay hindi tumpak. Ang mga tanong na hindi tumpak ay walang kahulugan. Kaya halimbawa, may nagtanong sa iyo kung ano ang haba ng ikaapat na gilid (side) ng tatsulok, walang katuturan para maghain ng sagot dahil ang tatsulok ay may tatlong gilid lamang. Ang anggulo ng kamalian sa tanong tungkol sa kung sino ang lumikha kay Allāh ay na ang pararilang “lumikha” at ang pararilang “kay Allāh” ay hindi naipagsasama dahil ang Diyos ay hindi nililikha at ang proseso ng pagkalikha ay nauukol lamang sa nilikha. Hindi maaari para sa isa man na magpairal kay Allāh – at kung hindi, talagang Siya ay naging isang nilikha na rin – sapagkat si Allāh ay umiiral na walang simula at walang wakas.
Kung sakaling ipagpalagay natin sa isang pagtatalo na may isang tagalikha kay Allāh (pagkataas-taas Siya), mananatili ang tanong mismo na nakalahad: Sino naman ang lumikha sa tagalikha ng tagalikha? Pagkatapos sino ang lumikha sa tagalikha ng tagalikha ng tagalikha? Ganyan magkakawing-kawing ito hanggang sa walang hanggan. Ito ay imposible. Para sa paghahalintulad, gawin natin bilang halimbawa ang sundalo at ang bala. Ang sundalo ay nagnanais na magpaputok ng baril subalit upang makapagpaputok ng baril, kinakailangan sa sundalo na humiling ng pahintulot sa sundalong nasa likuran niya. Ang sundalong ito naman upang makapagbigay ng pahintulot ay kinakailangan na humiling ng pahintulot mula sa sundalong nasa likuran niya. Ganito hanggang sa walang hanggan. Ang tanong: Makapagpapaputok kaya ng baril ang sundalo? Ang sagot ay hindi dahil siya ay hindi aabot sa sundalong makapagbibigay sa kanya ng pahintulot sa pagpapaputok ng baril. Samantala, kapag nagwakas ang kawing sa isang taong wala nang nasa itaas nito na isa man, talagang makapagbibigay ito ng pahintulot ng pagpapaputok ng baril kaya maitutudla ang bala. Kung wala ang taong ito, gaano man dumami ang bilang ng mga tao ay hindi maitutudla ang bala sapagkat sila ay gaya ng mga sero. Kapag pinagtabi-tabi mo ang mga sero, gaano man karami ang mga ito at umabot pa sa hangganan ng walang hanggan, mananatili ang mga ito na hindi nakapapantay ng anuman maliban na inilagay ang numerong 1 o ang higit pa bago ng mga ito.
Mula saang nanggaling si Allāh? Ano ang edad Niya?
Hanggat ikaw ay nakaaalam, o mahal ko, na si Allāh ay hindi nilikha, na Siya, gayon din, ay hindi nagkaanak at hindi ipinanganak. Wala Siyang simula at walang wakas. Alinsunod dito, wala Siyang edad gaya ng kalagayan kaugnay sa atin na mga tao dahil Siya ay ang Tagalikha, ang Dakila, ang Walang-pangangailangan, ang Malaki, ang May Lakas, ang Matibay, ang Makapangyarihan, ang Maawain, na taglay Niya ang mga pangalang pinakamagaganda at ang mga katangiang pinakamatataas, taglay Niya ang mga katangian ng kalubusan at wala Siyang mga katangian ng kakulangan. Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay ang nagpairal sa Daigdig kung paanong nagpairal Siya sa lahat ng mga bagay at lahat ng mga nilikha.
Sino ang bago pa ni Allāh?
Ito ay gaya mismo ng tanong tungkol sa kung ang lumikha kay Allāh. Ito ay isang tanong na mali sapagkat si Allāh (pagkataas-taas Siya) ay ang Una kaya walang anuman bago Niya at Siya ay ang Huli kaya walang anuman matapos Niya. Nagsabi si Allāh: “Siya ay ang Una at ang Huli, at ang Nakatataas at ang Nakalalalim. Siya sa bawat bagay ay Maalam.” (Qur’ān 57:3) Tunay na ang panahon ay tulad ng lugar; hindi ito nakalilimita kay Allāh (pagkataas-taas Siya). Ang panahon ay hindi lumalampas na maging isang nilikha kabilang sa mga iba pang nilikha ni Allāh. Kaya hindi maaari para sa mga nilikha na maglimita ni sumaklaw sa Tagalikha sa mga ito (kaluwalhatian sa Kanya). Si Allāh ay nagtataglay ng lahat mga katangian ng kalubusan at karikitan. Nararapat na tumawag-pansin tayo rito sa pampropetang payo sapagkat naisalaysay nga ni Abū Hurayrah malugod si Allāh sa kanya) buhat sa Propeta na siya ay nagsabi: “Pumupunta ang demonyo sa isa sa inyo saka nagsasabi ito: Sino ang lumikha ng ganito? Sino ang lumikha ng ganito? Hanggang sa magsabi ito: Sino ang lumikha sa Panginoon mo? Kapag umabot ito roon, magpakupkop siya kay Allāh at tumigil siya.” (Al-Bukhārīy: 3276) Kaya ang pagpapakupkop kay Allāh at ang pagtutuon ng pag-iisip-isip ng bata sa ibang kaso ay sa paraang hindi direktahan upang hindi siya magpalawak sa mga pagtatanung-tanong. Ito rin ay kabilang sa mga mahalagang pagsagot dito. Ang paglilihis sa pag-iisip-isip tungkol doon ay hindi dahil sa kawalan ng maisasagot. Ito lamang ay para sa pagsasara ng mga durungawan ng sulsol [ng demonyo].
Si Allāh ba ay lalaki o babae?
Nararapat na magsikap tayo sa pagpapalayo ng isipan ng bata sa pag-iisip-isip nang madalas sa sarili ni Allāh at sa pagtutuon sa isipan niya sa pag-iisip-isip sa mga bagay-bagay na magdudulot sa kanya ng pakinabang at kabuluhan. Dito ay makabubuti sa akin na magpaliwanag sa bata na ang usapin ng pagkalalaki at pagkababae ay kabilang sa mga kinakailangan ng pag-iiba sa pagitan ng mga pangkat at mga uri ng mga nilikhang buhay. Ang mga ito ay ipinagmagandang-loob ni Allāh sa mga nilikha Niya. Nagsabi Siya (pagkataas-taas Siya): “Na Siya ay lumikha sa magkaparis, ang lalaki at ang babae,” (Qur’ān 53:45) Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay lampas sa pag-uuring iyon. Bagkus may mga ibang nilikha rin na hindi umaabot sa mga ito ang pag-uuring ito gaya ng mga anghel, halimbawa. Bagkus pati ang langit, ang mga ulap, ang hangin, at ang tubig ay hindi nailalarawan na ang mga ito ay lalaki o babae. Kaya kung tumumpak na may mga nilikha na hindi nauukol sa mga ito ang pag-uuring ito, si Allāh sa isang banda ay higit na karapa-dapat: “Walang katulad sa Kanya na anuman, at Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita.” (Qur’ān 42:11)
Bakit sumasampalataya tayo sa kairalan ni Allāh? Ano ang pagpapatibay sa kairalan ni Allāh?
Ang pananampalataya kay Allāh (pagkataas-taas Siya) ay isang kalikasang pantao, na hindi makakayang ikaila ng isa man. Ang mga patunay ng kairalan ni Allāh ay marami. Ang mga tao ay nakatutuklas pa rin ng mga patunay kasunod ng mga patunay, na bawat isa ay alinsunod sa espesyalisasyon nito at larangan nito. Ang mga patunay na likas sa kaluluwang tao ay nagpapatibay sa kairalan ni Allāh. Nagsabi Siya (pagkataas-taas Siya): “[Mamalagi sa] kalikasan ng pagkalalang ni Allāh na nilalang Niya ang mga tao ayon dito.” (Qur’ān 30:30) Bawat isa sa atin ay nakatatagpo ng isang panloob na lakas sa sarili niya na kumakausap sa kanya tungkol sa kadakilaan ni Allāh, lakas Niya, at pag-aalaga Niya. Ang mga patunay na makaagham at pisikal ay nagbibigay-diin sa kairalan ng isang eksaktong sistema sa Sansinukob na ito. Ang eksaktong sistemang ay kailangang may isang tagagawa dahil [kung wala,] ang mga nilikhang ito ay sino ang nagpairal sa mga ito at nagtaguyod sa mga ito? Maaaring ang mga ito ay umiral na ganito nang sapalaran na walang kadahilanang nagmotibo ng gayon kaya ito sa sandaling iyon ay hindi nalalaman ng isa man kung papaanong umiral ang mga bagay na ito. Ito ay isang posibilidad. Mayroong isa pang posibilidad: na ang mga bagay na ito ay nagpairal sa mga sarili ng mga ito at nagtaguyod sa mga pumapatungkol sa mga ito. Mayroong ikatlong posibilidad: na may isang tagapagpairal na nagpairal sa mga ito at may isang tagalikha na lumikha sa mga ito. Sa pagtingin sa tatlong posibilidad, matatagpuan natin na nagiging imposible ang una at ang ikalawang posibilidad. Kaya kapag naging imposible ang una at ang ikalawa, kinailangan na ang ikatlo ay maging ang tumpak na maliwanag. Ito ang nasaad ang nasaad ang pagbanggit sa Marangal na Qur’an. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya): “O nilikha ba sila mula sa hindi isang bagay o sila ay ang mga tagalikha? O lumikha ba sila ng mga langit at lupa? Bagkus hindi sila nakatitiyak.” (Qur’an 52:35-36)
Kabilang sa mga pisikal na patunay rin sa kairalan ni Allāh ang pagtugon ni Allāh sa mga panalangin. Gayon din ang pagpapahusay na ito sa paglikha ng mga langit at lupa. Nagsabi Siya (pagkataas-taas Siya): “Tunay na sa pagkalikha sa mga langit at lupa at pagsasalit-salitan ng gabi at maghapon ay talagang may mga tanda ukol sa mga may isip,” (Qur’ān 3:190) Ang pagpapahusay naman sa pagkakalikha sa tao ay ang sabi ni Allāh: “at sa mga sarili ninyo. Kaya hindi ba kayo nakakikita?” (Qur’ān 51:21) Gayon din sa pagkakalikha sa mga bituin, mga bundok, mga hayop, at mga iba pa, ang kabuuan ng mga ito ay nagpapatunay sa pagkamalikhain ng Tagagawa (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya). Tunay na ang mga tanda ni Allāh ay nakakalat sa mga abot-tanaw, mga sarili, at mga sarili. Ang kabuuan ng mga ito ay nagpapatunay sa kairalan ng Diyos, ang Tagalikha, ang Nag-iisa, ang Kaisa-isa. Ang kairalan ng lahat ng mga nilikhang ito ay kailangan ng layunin at tunguhin sa pagbuo sa mga ito. Ang mga ito sa kabuuan ng mga ito ay ang pagsamba kay Allāh lamang nang walang katambal. Maaaring magkuwento tayo para rito ng kuwento ni Abū Ḥanīfah (kaawaan siya ni Allāh) nang may mga taong humiling sa kanya na patunayan niya sa kanila ang Tawḥīd Ar-Rubūbīyah. Kaya nagsabi siya sa kanila: “Ano ang masasabi ninyo, bago tayo magsalita tungkol sa usaping ito, tungkol sa isang daong sa [ilog] Tigris na umaalis, saka napupuno ng pagkain, karga, at iba pa nang kusa, nanunumbalik nang kusa, saka nag-aangkla nang kusa, nagdidiskarga, at bumabalik. Lahat ng iyon ay walang isang nagsasagawa.” Kaya nagsabi sila: “Ito ay imposible. Hindi ito mangyayari kailanman.” Kaya nagsabi siya sa kanila: “Kapag ito ay naging imposible sa isang daong, magiging imposible na mangyari ang mahusay na pagkakalikhang ito nang walang tagalikhang nakakakaya na maalam.”
Maaari ring sabihin sa bata: “Kapag nakararamdam ka ng paghapdi ng tiyan mo, hindi ka ba nakapapansin na ikaw ay gutom at naghahanap ka ng pagkain nang kusa upang maitawid mo ang gutom mo? Kapag nakararamdam ka ng uhaw, hindi ka ba naghahanap ipinapampawi mo sa uhaw mo? Kapag nakaaamoy ka ng isang mabangong amoy, hindi ka ba nakararamdam ng kaligayahan? Ang kabaliktaran naman kapag nakaaamoy ka ng mabahong amoy? Kapag tumitingin ka sa mga rosas, mga bulaklak, langit, at kalikasan sa paligid natin, hindi ka nakararamdam ng kaligayahan at kagalakan? Gayon din, mahal ko, tayo ay nakararamdam nang kusa na tayo ay nangangailangan ng isang Diyos na Dakila na dudulugan natin palagi kapag nangangailangan tayo sa kanya upang makaramdam tayo ng katahimikan at katiwasayan. Kapag naman nakararamdam tayo ng paninikip at lungkot, tunay na tayo ay dumudulog nang kusa kay Allāh at dumadalangin sa Kanya. Kung sakali namang nakararamdam tayo ng kaligayahan, nagpupuri tayo sa Kanya dahil doon.”
Si Allāh ba ay nakaririnig, nakakikita, at nagsasalita tulad natin?
Tunay na si Allāh ay nagsasalita, nakaririnig, at nakakikita. Nagsabi Siya (pagkataas-taas Siya): “Narinig nga ni Allāh ang sabi ng [babaing] nakikipagtalo sa iyo hinggil sa asawa niya” (Qur’ān 58:1) Nagsabi pa Siya: “Nagsabi Siya: Huwag kayong dalawang mangamba. Tunay na Ako ay kasama sa inyong dalawa; nakaririnig Ako at nakakikita Ako.” (Qur’ān 20:46). Nagsabi pa Siya: “tunay na Siya sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita.” (Qur’ān 11:112) Subalit hindi gaya ng pagsasalita natin ni gaya ng pagkarinig natin ni gaya ng pagkakita natin dahil si Allāh ay naiiba sa nilikha Niya sapagkat Siya ay nakaririnig ng mga tinig gaano nakubli at nakakita ng mga bagay gaano man nalayo. Tunay na si Allāh ay nakaririnig sa bawat bagay at nakakikita sa bawat bagay subalit ang pagkarinig Niya at ang pagkakita Niya ay hindi nakawawangis ng pagkarinig at pagkakita ng mga nilikha, na dumaranas ng kakulangan at kahinaan sapagkat si Allāh ay: “Walang katulad sa Kanya na anuman, at Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita.” (Qur’ān 42:11) Kabilang sa mahusay na gawain na iugnay ito sa isang direktang pag-uugali kung saan sasabihin: “Kapag laging si Allāh ay Nakaririnig, Nakakikita, naaangkop kaya sa atin na magsalita tayo ng hindi nagpapalugod sa Kanya at na makakita Siya sa atin sa isang kalagayang hindi Niya natatanggap?”
Hindi ba nagugutom si Allāh at nauuhaw?
Si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagtataglay ng mga katangian ng kalubusan at hindi nauugnay sa Kanya ang mga katangian ng kakulangan. Tunay na ang gutom at ang uhaw ay dalawang aspeto mula sa mga aspeto ng kahinaan. Hindi pinapayagan na mag-ugnay tayo ng kahinaan kay Allāh. Samakatuwid, tunay na si Allāh ay hindi nangangailangan ng pagkain at inumin dahil si Allāh ay ang Tagalikha ng bawat bagay. Hindi Siya nangangailangan ng alinmang bagay. Kung sakaling nangailangan siya ng isang bagay, talaga sanang hindi tumumpak na Siya ay maging Diyos. Si Allāh ay ang Dulugan na hindi kumakain, hindi nangangailangan ng pagkain o inumin sapagkat Siya ay Walang-pangangailangan doon sa kabuuan niyon. Siya rin ang inaasahan ng mga nilikha para tumustos sa kanila, magpakain sa kanila, at tumugon sa mga pangangailangan nila.
Maaari ring masabi sa bata na walang puwang sa paghahambing sa pagitan ng nilikha at Tagalikha. Hindi kinakailangan na ang bawat niyayari natin at iniimbento natin ay magkaroon ng mismong mga katangian natin at anyo natin, hindi ba? Si Allāh ay hindi nagugutom at hindi nauuhaw. Hayaan mong tanungin kita ng isang tanong: Sino ang gumawa ng bisikleta? Sasagot siya na iyon ay ang tagagawa ng mga bisikleta. Magaling! Halika, anak ko, magguniguni tayo nang magkasama na ang bisikleta ay nagsasalita at tatanungin mo ang imbentor nito: “Ano ang kinakain mo? Ano ang iniinom mo? Kaya ano ang sasabihin mo sa kanya?” “Sasabihin ko sa kanya: Hindi ito pumapatungkol sa iyo? Ano ang mapakikinabangan mo kung nalaman mo? Ano ang maidadagdag ng tugon sa pangunahing misyon mo na tumakbo ka nang mabilis nang walang anumang mga pagtigil?” Magaling! Ganyan tayo anak ko. Si Allāh ay lumikha sa atin para sa isang limitadong misyon: “Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumamba sila sa Akin.” (Qur’ān 51:56) Ang mga tanong na ito ay hindi magpapakinabang sa atin at hindi makaaalalay sa atin sa pagganap ng misyon natin na nilikha tayo para roon. Bagkus ang kabaliktaran: magbabaling ito sa mga isipan natin sa mga bagay na sisira sa atin sa mga misyon natin. Subalit kailan haharap ang bisikleta sa atin at magtatanong sa atin? Kapag dumanas ito ng isang pagkasira, tunay na haharap ito sa tagagawa nito para sa pagkumpuni ng sira, hindi ba? Dahil doon, tayo ay dumudulog kay Allāh sa panalangin kapag natagpuan natin ang mga sarili natin na nanlalamig sa pagsamba o kapag dinapuan tayo ng anumang pinsala.
Gaano kalakas si Allāh?
Tunay na tayo, kapag nag-usap tungkol sa isang lakas o isang kakayahang limitado, ang kahulugan nito ay na tayo ay nag-uusap tungkol sa isang katangian ng kakulangan dahil ang wakas ng lakas ay nangangahulugan ng simula ng kahinaan at ang kahinaan ay hindi mangyayaring ukol kay Allāh. Samakatuwid, tunay na ang kakayahan ni Allāh ay walang-takda, hindi limitado. Walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) na anuman. Nagsabi Siya (pagkataas-taas Siya): “na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan” (Qur’ān 2:106) Kapag nagnais Siya ng anumang ay magsasabi Siya para rito ng: “Mangyari kaya mangyayari ito.” Si Allāh ay nakakakaya sa bawat bagay dahil Siya ay Tagalikha ng bawat bagay kaya walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman sa lupa ni sa langit. Ang kakayahang limitado ay ang kakayahan ng nilikha dahil ito ay kakayahang nilikha. Ang kakayahan naman ng Tagalikha ay walang hangganan at walang kakulangan. Dahil doon, laging si Allāh lamang ang karapat-dapat sa pagsamba, paghiling, at pagdalangin dahil Siya lamang ang nakakakaya sa pagtugon sa mga pangangailangan ng nilikha, sa pagtustos sa kanila, sa pagsasakatuparan sa mga nais nila, at sa pangangasiwa sa mga pumapatungkol sa kanila.
Nasaan si Allāh? At ano ang sukat Niya?
Matapos na maintindihan ng bata nang maaga na si Allāh ay ang lumikha sa kanya at na si Allāh ay labis na umiibig sa mga bata at nagbigay sa kanya ng marami sa mga biyaya, maaari na sa sandaling iyon na magpaliwanag tayo sa kanya na si Allāh ay umiiral sa langit. Nagsabi si Allāh: “Natiwasay ba kayo sa Kanya na nasa langit” (Qur’ān 67:16) Kaya Siya (pagkataas-taas Siya) ay nasa langit samantalang ang kaalaman naman Niya ay nasa bawat lugar. Nagsabi Siya (pagkataas-taas Siya): “Siya ay kasama sa inyo nasaan man kayo.” (Qur’ān 57:4) Hindi nararapat para sa atin na magsabi tayo na si Allāh ay nasa bawat lugar dahil iyon ay nangangahulugan na Siya ay umiiral sa loob ng bawat bagay. Ito ay hindi tumpak. Tunay na tayo ay mga noobliga sa nasaad sa Sunnah sapagkat nagtanong nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) sa isang babae: “Nasaan si Allāh?” Nagsabi naman ito: “Sa langit.” Nagsabi pa siya: “Sino ako?” Nagsabi ito: “Ang Sugo ni Allāh.” Nagsabi siya [sa amo nito]: “Palayain mo siya sapagkat tunay na siya ay mananampalataya.” (Muslim: 537) Bagamat si Allāh ay nasa langit, Siya naman ay nakakakaya na makakita sa atin at makarinig sa atin sa bawat lugar. Ang patuloy na pagbibigay-diin sa bata na si Allāh ay nakababatid sa kanya palagi ay nagpapalago sa kaluluwa ng bata ng panloob na pagpipigil at gumagawa sa kamalayan [kay Allāh] na pansarili ang pinagmumulan. Hinggil naman sa sukat ni Allāh, hindi Siya (pagkataas-taas Siya) maihahambing sa alinmang bagay kabilang sa nilikha Niya. Si Allāh ay higit na malaki kaysa sa bawat bagay, higit na malaki kaysa sa lahat ng mga nilikha sapagkat kapag ang mga ito ay naging sukdulan, tunay na ang Tagalikha ng mga ito ay higit na sukdulan. Siya ang dumudurog ng mga bundok, nagpapagalaw ng mga dagat, at nag-uutos sa tubig na lumubog sa lupa. Walang nangyayari sa Sansinukob na anuman malibang ayon sa utos Niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at pagnanais Niya. Tunay na ang Tagalikha ay hindi nangangailangan sa nilikha. Ang langit ay isang nilikha kabilang sa mga nilikha ni Allāh ngunit ang kairalan ni Allāh ay hindi nakasalalay sa langit at hindi Siya nangangailangan nito dahil Siya ay ang Walang-pangangailangan sa bawat bagay.
Papaanong nakikita tayo ni Allāh samantalang tayo ay hindi nakakikita sa Kanya?
Tunay na ang pandamdam ng paningin na ipinagkaloob ni Allāh sa nilikha sa Mundo ay mahina; hindi maaari rito na makita ang higit na marami sa mga bagay. Dahil dito, nakikita mo ang tao na gumagamit ng mga mikroskopyo at mga magnifier. Kapag nawalang-kakayahan ang tao na makakita ng mga bagay na nilikha, tunay na siya ay lalong higit na walang-kakayahan sa pagkakita kay Allāh (pagkataas-taas Siya). Tunay na ang kakayahan ng tao sa Mundo ay hindi makasasaklolo sa kanya sa pagkakita kay Allāh. Tayo ay hindi maaaring makakita kay Allāh subalit tayo ay sumasampalataya sa Kanya at sumasampalataya na Siya ay Maaawain na umiibig sa atin. Si Allāh ay Malakas at Nakakakaya sa bawat bagay at nakaaalam sa bawat bagay. Siya ay nakaaalam na tayo ay nag-uusap tungkol sa Kanya ngayon. Tunay na si Allāh ay higit na mataas kaysa sa atin nang labis. Dahil doon, Siya ay nakakikita sa atin sa kabuuan natin sa iisang sandali, tulad ng umakyat sa bubong ng gusali kaya siya ay nakakikita sa lahat ng mga tao sa kalye samantalang sila ay hindi nakakikita sa kanya. Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay nakakikita sa atin samantalang tayo ay hindi nakakikita sa Kanya. Tunay na may maraming bagay na hindi natin nakakaya na makita ngunit ang mga ito ay umiiral. Masasabi natin sa bata: “Tunay na ang mga mata natin ay hindi maaaring makakita sa bawat bagay. Tayo ay hindi nakakikita sa tinig gayong tayo ay nakaririnig niyon. Tayo ay hindi nakakikita sa hangin gayong tayo ay nakadarama niyon. Ang mga mata natin ay hindi maaaring makakita kay Allāh (pagkataas-taas Siya) sa Mundo, subalit sa Paraiso – kung niloob ni Allāh – ay magkakaroon tayo ng mga mata na higit na mahusay na magbibigay-kakayahan na makakita kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya). Dahil doon, si Allāh ay: Hindi nakaaabot sa Kanya ang mga paningin samantalang Siya ay nakaaabot sa mga paningin. Siya ay ang Mapagtalos, ang Mapagbatid. (Qur’an 6:103)”
Papaanong nakikita ni Allāh ang lahat ng mga tayo samantalang sila ay marami?
Upang masagot natin ang tanong na ito nang praktikal, kukuha tayo ng bata at titindig tayo kasama niya sa kalye. Magsasabi tayo sa kanya: “Sige tumingin ka sa mga tao at magpabatid ka sa amin ng bilang ng nakikita mo. Bibilangin namin kasama mo ang mga taong makikita mo.” Matapos niyon ay papanik tayo kasama ng bata sa ikalawang palapag at gagawin nating mapanood niya ang mga tao at mabilang ang mga makikita niya. Pagkatapos papanik tayo kasama niya sa pinakamataas na gusali at gagawin nating mabilang niya ang sinumang nakikita niya. Pagkatapos dadalhan natin siya ng isang teleskopyo upang magawa nating makita niya ang mga tao sa isang higit na mainam na anyo at mabilang niya sila sa isang higit na eksaktong anyo. Sa pamamagitan ng paghahalimbawang ito, maipaliliwanag natin sa kanya na tayo ay hindi makakakaya sa pagsukat ng mga bagay-bagay sa pamamagitan ng mga limitadong pantaong panukat natin, malilinaw natin sa kanya na ang kakayahan ni Allāh ay higit na malaki at higit na sukdulan kaysa sa kakayahan ng lahat ng mga nilikha, at maikikintal natin sa isip niya palagi: “na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan?” (Qur’ān 2:106)
Maaari tayong magtanong sa bata ng isang konkretong tanong, kaya masasabi natin: “Naniniwala ka ba na ang langgam ay nakakikita sa atin sa buong mga detalye natin o na ito ay nakakikita ng payak na imahinasyon o anino?” Sasagot siya na ang langgam ay hindi nakakakaya maliban ng pagkakita sa isang lubhang maliit na bahagi mula sa daliri ng paa at maaaring maituturing ang daliri na isang malaking bundok kaugnay sa langgam. Mahusay! Sa tingin mo kaya ang langgam ay maaaring magtanong sa iyo at magsabi: “Papaanong nakikita mo kaming lahat sa iisang sandali?” Ang magiging tugon mo ay na ito ay natural sapagkat ito ay nababagay sa mga kakayahan mo na nilikha ka ni Allāh ayon doon. Ang langgam ay may mga kakayahang limitado. Maaaring may mga bahay ng mga langgam sa higit sa isang lugar sa kuwarto at naging lubhang madali para sa iyo na makita ang mga lugar na ito sa mismong sandali. Subalit ang langgam, dahil sa mga limitadong kakayahan nito, maaaring hindi makaya na makita ang tulad ng nakikita mo mismo. Yayamang tayo ay nagkaisa na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya) ay hindi katulad ng anuman at na Siya ay nakakakaya sa bawat bagay, hindi nababagay na magtanong tayo kay Allāh, dahil sa mga limitadong kakayahan natin, ng isang bagay na kaugnay sa Kanya ay isang natural na bagay sapagkat ang kakayahan ni Allāh ay higit na malaki at higit na sukdulan kaysa sa kakayahan ng lahat ng mga nilikha dahil “si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan?” (Qur’ān 2:106)
Nakikita ba ni Allāh (pagkataas-taas Siya) ang mga tao sa dilim?
Maaari nating gawin ang bata na manood ng isang palabas mula isa mga film na nagtatanghal ng special forces na nakakita sa pamamagitan ng night vision telescope. Magtatanghal tayo sa bata ng mga palabas ng ilan sa mga hayop at mga ibon na nakikita sa dilim. Gayon din, sa ilan sa mga film na pinanonood ng bata at mga larong nilalaro niya, ang ilan sa mga sinag, gaya ng laser halimbawa, ay nagpapalinaw sa nasa likuran ng mga bagay at nagbibigay-kakayahan sa atin na makakita ng mga bagay sa dilim. Masasabi natin matapos niyon: “Nakita mo ba kung papaanong ang mahinang tao at ang simpleng hayop ay maaaring makakita sa dilim paminsan-minsan? Kaya ano ang tingin mo sa Panginoon natin na lumikha sa tao at sa lahat ng mga nilikhang ito?” Kapag si Allāh ay nagbigay nga sa atin ng kakayahan sa pag-imbento sa mga bagay na ito, hindi ba Siya nakakakaya –samantalang Siya ang Nakakakaya, ang Tagapagsubaybay – na gumawa niyon sapagkat Siya ay pinakadakila at pinakanakakakaya? Ang kakayahan ni Allāh ay hindi natatabingan ng isang tagapigil at hindi nalilimitahan ng isa man.
Papaanong nakikita tayo ni Allāh (pagkataas-taas Siya) samantalang tayo ay nasa bahay natin at ang mga pintuan at ang mga bintana ay nakasara?
Makapaglalahad tayo sa bata ng isang larawan ng X-Ray. Magsasabi tayo sa kanya na ang tao na nilikha ni Allāh (pagkataas-taas Siya) ay nakakaya na makita ang buto, habang ito ay nakapinid nang maigi sa kanya, sa pamamagitan ng X-Ray. Kaya ano ang tingin mo sa Panginoon natin na lumikha sa tao sapagkat Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay tiyakang nakakikita sa atin habang tayo ay nasa mga bahay natin habang ang lahat ng mga pintuan ay nakasara sa atin? Tunay na si Allāh ay hindi katulad ng anuman sapagkat Siya ay hindi gaya ng tao na natatabingan ng gusali sa pagkakita. Hindi maaaring ang Tagalikha ay maging gaya ng nilikha dahil si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan (kaluwalhatian sa Kanya). Nababagay na iugnay ang sagot na ito sa pag-uugali ng bata para mapalakas natin ang aspeto ng kamalayan at ang panloob na panlasang panrelihiyon sa ganang mga bata.
Papaano Siyang nakaaalam sa lahat ng mga gawain natin? Papaano Siya nakakakaya na magmasid sa mga tao sa kalahatan?
Nararapat na matutunan ng bata palagi na si Allāh ay nagtataglay ng lahat ng mga katangian ng karikitan at kalubusan. Nararapat na malaman niya na ang kakayahan ni Allāh (pagkataas-taas Siya) ay walang mga hangganan sapagkat Siya ang May-kakayahan at ang Nakakakaya. Nagsabi Siya (pagkataas-taas Siya): “na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan?” (Qur’ān 2:106) Nanatiling ang kakayahan Niya ay sukdulan, kaya walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman sa Lupa ni sa Langit. Hindi maaari sa atin na sumukat sa kakayahan niya sa pamamagitan ng kakayahan ng mga nilikha sapagkat gaano man naging sukdulan ang kakayahan ng mga nilikha, si Allāh ay higit na sukdulan kaysa sa mga iyon at higit na malaki. Para sa paghahalintulad, maaaring maglahad tayo sa kanya ng isang paghahalintulad sa pamamagitan ng pagrerekord ng kamera yayamang ito ay nakakakaya na magrekord at magmasid sa bawat maliit at malaking nagaganap sa larangan ng lente nito. Si Allāh ay higit na sukdulan sa kakayahan at sa Kanya ang katangiang pinakamataas sapagkat Siya ay nakakakaya na magmasid sa lahat ng mga tao sa mismong sandali dahil ang kakayahan Niya ay hindi limitado. Si Allāh (pagkataas-taas Siya) ay nakaaalam at ang kaalaman Niya masaklaw, lubos, pumapaligid sa bawat bagay.
Maaaring maglahad tayo sa kanya ng isang paghahalintulad para sabihin natin: “Ipagpalagay natin na mayroong isang malaking kompanyang nagnanais na magmasid sa mga empleyado nito kaya naglagay ito para sa kanila – nang hindi nila nalalaman – ng mga kamera ng pagmamasid. Nagsimula ang mga ito sa pagmamasid sa kanila – habang sila ay hindi nakaaalam – sa pamamagitan ng mga monitor na naghahayag ng bawat nangyayari sa lahat ng mga bahagi ng kompanya sa iisang sandali. Kaya kapag ang taong mahina na nilikha ni Allāh ay nakakaya na gumawa niyon, hindi ba nakakaya ng Tagalikha ng tao na makakita sa mga tao sa kalahatan sa mismong sandali?
Bakit namamatay ang tao hindi namamatay si Allāh?
Tunay na ang kamatayan ay kabilang sa mga pagtatakda ni Allāh na itinakda Niya sa mga nilikha Niya. Nagsabi Siya (pagkataas-taas Siya): “Bawat kaluluwa ay lalasap ng kamatayan. Pagkatapos tungo sa Amin pababalikin kayo.” (Qur’ān 29:57) Kaya ang kamatayan ng tao ay isang simula para sa buhay na pangkabilang-buhay. Iyon ang pinakamahalagang buhay.
Tunay na ang kamatayan ay isang paghahayag ng kahinaang nakakapit kabilang sa mga nakakapit sa nilikhang buhay. Ang kahinaan ay hindi nangyayaring ukol kay Allāh sapagkat si Allāh ay hindi nilikha at hindi mamamatay samantalang ang tao ay nilikha at mamamatay. Tunay na ang buhay ni Allāh (pagkataas-taas Siya) ay hindi gaya ng buhay natin sapagkat ang buhay natin ay magwawakas sa kamatayan. Bawat nilikha ay mamamatay. Walang matitira kundi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Tunay na ang ganap na buhay ni Allāh ay nag-oobliga ng lahat ng mga katangian ng kalubusan. Kabilang sa pinakamahalaga sa mga ito ay ang katangian ng buhay na hindi namamatay.
Iniibig ba ako ni Allāh kung paanong iniibig ko Siya?
Si Allāh (pagkataas-taas Siya) ay Mapagpatawad na Maawain, na umiibig sa mga mabuting matutuwid na tapat. Nagsabi Siya (pagkataas-taas Siya): “umiiibig Siya sa kanila at umiibig sila sa Kanya” (Qur’ān 5:54) Ang mga paghahayag ng pag-ibig ni Allāh sa mga lingkod Niya ay na Siya ay nagpaparangal sa kanila, nag-aalaga sa kanila, nangangasiwa ang mga pumapatungkol sa kanila, tumutustos sa kanila, at nagpapatawad sa kanila. Bawat isa sa atin ay nakadarama ng kabaitan ni Allāh sa tao at pagpaparangal Niya rito. Si Allāh ay umiibig sa lingkod Niya na tumatalima sa Kanya, nagpapakalapit sa Kanya, at nagsasagawa ng mga kadahilanang nagbubunsod ng pag-ibig Niya gaya ng pangangalaga sa mga dasal, pagpapakabuti sa mga magulang, pagkakawanggawa, paggawa ng maganda sa mga tao, katapatan, pagbabasa ng Qur’ān, pangangalaga sa mga dhikr, at iba pa sa mga ito na mga gawaing maayos. Ang sinumang gumagawa ng mga bagay na ito ay iibigin ni Allāh.