Ang mga Tanong na Nauugnay sa mga Kasulatan
Ano ang mga Makalangit na Kasulatan?
Ang mga ito ay ang mga kasulatan na pinababa ni Allāh sa mga sugo Niya (sumakanila ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan) upang magsagawa sila ng pagpapaabot ng mensahe at pagpapahatol sa mga batas. Ang mga ito ay kapatnubayan para sa nilikha at awa sa kanila upang lumigaya sila sa Mundo at Kabilang-buhay. Ang umabot sa atin mula sa mga ito ay na si Allāh ay nagpababa kay Abraham (sumakanya ang pagbati ng kapayapaan) ng mga kalatas, kay David (sumakanya ang pagbati ng kapayapaan) ng Salmo, kay Moises (sumakanya ang pagbati ng kapayapaan) ng Torah, kay Jesus (sumakanya ang pagbati ng kapayapaan) ng Ebanghelyo, at sa Propeta nating si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ng Qur’ān.
Bakit kinakailangan natin ang Qur’ān? Bakit ang Qur’ān ay naging himalang walang-hanggan?
Kapag ang simpleng kagamitan, na niyari ng tao, ay nangangailangan ng isang libretong pampatnubay na nagtuturo sa atin kung papaano natin gagamitin ito ng pinakaideyal na paggamit, ang tao – na kabilang sa ginawa ni Allāh – ay lalong karapat-dapat na nangangailangan ng isang kasulatan ng kapatnubayan at paggabay na magtuturo sa kanya ng daan ng tagumpay, pagtamo, at kaayusan sa Mundo at Kabilang-buhay. Nagsabi Siya (pagkataas-taas Siya): “Hindi ba nakaaalam ang lumikha samantalang Siya ay ang Mapagtalos, ang Mapagbatid?” (Qur’ān 67:14) Ang pagiging himala ng Qur’ān dahil si Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ay ang Pangwakas sa mga Propeta at alinsunod dito, kailangan na magpatuloy ang himala niya at maging walang-hanggan dahil walang propeta matapos niya. Kaya kinakailangan na manatiling umiiral ang katwiran sa nilikha at kinakailangan na magpatuloy ang hamon hanggang sa pagsapit ng Huling Sandali. Ang mga patunay ng pagkahimala ng Qur’ān ay lubhang marami. Ang pinakamahalaga sa mga ito ay ang himalang pangwika at panretorika. Ito ang ipinanghamon ni Allāh sa mga Arabe na mga tagapanguna sa paghahayag at mga matatas ang dila. Nawalang-kakayahan ang tao at ang jinn na maglahad ng tulad sa Dakilang Qur’an na ito. Sa ganito ay may katunayan sa Makapanginoong Pagkapinagmulan ng Qur’an.
Bakit hindi nagtaguyod si Allāh sa pag-iingat ng mga naunang kasulatan?
Tunay na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay gumagawa ng niloloob niya. Mayroon Siyang mga kasanhiang nalalaman natin ang ilan sa mga ito at hindi natin nalalaman ang iba pa. Subalit ang mga patunay na maliwanag ay naglilinaw na ang mga naunang kasulatan ay hindi naging himala. Alinsunod dito, tunay na ang pagpapatuloy ng mga ito ay hindi hinihiling, kung paanong ang mga ito ay mga batas na pansamantala para sa mga takdang tao.
Ano ang mga patunay na nagpapatibay na ang Qur’ān walang ipinagbagong anuman?
Ang tulad sa tanong na ito ay karaniwang hindi inilalahad maliban ng isang nasa elementarya o matapos niyon. Dahil doon, nararapat na magpaliwanag tayo sa kanya nang may hinahon at paglilimi mula sa puntong pangkaisipan na nagpapatibay sa katumpakan ng Qur’ān. Kaya masasabi natin sa kanya: “Tunay na ang mga bagay, kapag naulit-ulit ay napagtitibay, at kapag lumaganap ay nabibigyang-diin.” Ang Qur’ān ay kabilang sa nailipat sa atin na mutawātir. Ipaliliwanag natin sa kanya ang kahulugan ng pagkamutawātir. Ito ay paglilipat sa ng isang pangkat buhat sa isang pangkat, na naging imposible ang pagsasabwatan nila sa pagsisinungaling. Nalalaman iyon ng pili at madla. Ang mga Muslim ay nagmanahan sa paglilipat nito sa isang salinlahi buhat sa isang salinlahi, na nag-aaralan nito sa mga umpukan nila, bumibigkas nito sa mga dasal nila, at nagtuturo nito sa mga anak nila. Kahit ipagpalagay na ang gurong pinagpipitagan na may pakundangan, kung sakaling nagkamali sa isang titik mula roon ay talagang tutugon sa kanya ang mga nakababata bago ng mga nakatatanda hanggang sa nakapagparating sila nito sa atin na dalisay laban sa karagdagan, napangalagaan laban sa kakulangan, at napag-ingatan laban sa pagpilipit. Kung sakaling naging posible ang pagkakaila ng patunay na ito, talaga sanang humantong ito sa pagkakaila ng mga katotohanang matatag gaya ng kairalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan), mga marangal na Kasamahan, at mga tanyag sa kasaysayan. Ito ang tinatanggihan ng mga paham sa kalahatan. Sa Qur’ān ay humamon din si Allāh sa tao at jinn na maglahad sila ng tulad nito ngunit nawalang-kakayahan sila. Ang Qur’ān, sa haba nito, ay hindi makatatagpo rito ng pagkakaibahan ni salungatan ni kakulangan. Ang nasaad dito na pagkahimala sa mga ulat, pagbabatas, mga patakaran, mga at sinasabi ay nagpapatunay na ito ay hindi mula sa ganang mga tao na dumadapo sa gawa nila at salita nila ang pagbabago at ang pagkukulang. Ito ay mula sa ganang kay Allāh at naggarantiya nga si Allāh sa pag-iingat nito.