Ang mga Tanong na Nauugnay sa Huling Araw
Ano ang Huling Araw?
Ito ang araw na bubuhayin ni Allāh ang mga nilikha para sa pagtutuos. Tinawag itong “huli” dahil walang araw matapos nito. Tinatawag itong Araw ng Pagtutuos dahil si Allāh magtutuos sa araw na ito sa mga tao sa inihain nila na mga gawain sa Mundong ito. Kaya ang sinumang gumawa ng kabutihan o tumalima kay Allāh, magpapasok si Allāh sa kanya sa Paraiso. Ang sinumang gumawa ng kasamaan at sumuway kay Allāh, magpapasok si Allāh sa kanya sa Impiyerno. Ito ang araw na magwawakas ang buhay na pangmundo kaugnay sa lahat ng mga tao. Tinatawag din ito na Araw ng Pagbangon: ang Araw na babangon ang mga tao mula sa mga libingan nila habang mga humaharap sa langit alang-alang sa Pagtutuos.
Kailan ang Araw ng Pagbangon? Bakit ikinubli ang Araw na iyon sa atin?
Walang isang nakaaalam kung kailan ang Araw ng Pagbangon. Nagsabi si Allāh: “Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa Huling Sandali kung kailan ang pagdaong niyon? Nasa ano ka para bumanggit niyon? Tungo sa Panginoon mo ang pagwawakasan niyon. Ikaw ay isang tagapagbabala lamang ng sinumang natatakot doon.” (Qur’ān 79:42-45) Ikinubli nga ni Allāh ito sa atin upang magsikap tayo sa gawain at tayo ay maging mga nakahanda para sa Araw ng iyon sa bawat araw sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan at pag-iwan sa kasamaan. Kung sakaling nalaman ng tao ang Araw na iyon, talaga sanang hindi siya magbabalik-loob malibang sa maikling sandali bago ng pagsapit nito at talagang sanang napuno ang Mundo ng kaguluhan higit sa nariyan na.
Ano ang pagtutuos?
Ito ay ang pagtipon ni Allāh sa mga sinauna at mga nahuli. Nagsabi si Allāh: “Sabihin mo: ‘Tunay na ang mga sinauna at ang mga nahuli ay talagang mga titipunin sa isang takdang oras ng isang araw na nalalaman.’” (Qur’ān 56:49-50) Pagkatapos magpapabatid Siya sa kanila ng mga gawa nila at magpapakilala sa kanila ng mga ito. Pagkatapos gaganti Siya sa kanila alinsunod sa mga gawa nila. Kaya ang sinumang gumawa ng isang kabutihan ay makatatagpo nito at ang sinumang gumawa ng isang kasamaan ay makatatagpo nito. Nagsabi si Allāh: “Kaya ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kabutihan ay makikita niya iyon, at ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kasamaan ay makikita niya iyon.” (Qur’ān 99:7-8)
Ano ang kamatayan?
Tunay na ang bata sa edad na ikaanim at mababa pa roon ay hindi maaari sa karaniwan na makatalos sa buong kahulugan ng kamatayan at pagbubuhay, at na ang kamatayan ay ang tiyak na wakas ng lahat ng mga tao nang magkapantay. Ang bata naman mula sa edad na ikaanim hanggang ikawalo ay maaari sa karaniwan na makatalos sa kahulugan ng kamatayan at pagkatupad nito sa lahat ng mga tao. Ang bata mula sa edad na ikawalo hanggang ikasampu ay maaaring lubusan na makatalos sa ideya ng kamatayan at pagbubuhay. Maaaring dumaan ang bata sa isang kaso ng pagyao sa pamilya at iyon ay maging kauna-unahang pakikipagharap para sa kanya sa kamatayan. Hindi natin nalalaman kung ano ang mga damdamin na dadapo sa kanya kapag nakaririnig siya ng tungkol sa kamatayan at libingan ngunit kadalasan napupuno siya ng hilakbot sa pagbanggit ng mga bagay-bagay na ito. Dahil dito, kailangan sa atin na magdali-dali sa pagpapaliwanag sa kahulugan ng kamatayan sa bata nang pagsisinungaling sa kanya at pagtatangka sa pagkumbinsi sa kanya na ang taong yumao ay naglalakbay, halimbawa, sapagkat dagling malalaman niya ang reyalidad mula sa mga ibang tao.
Higit na mainam, bago sumailalim ang bata sa isang sitwasyong pampamilya na may kamatayan, na magpakita tayo sa kanya ng isang patay na maya o isang patay na punung-kahoy o isang patay na kulisap dahil ito ay magliliwanag sa bata ng konsepto ng kamatayan sa isang kongkretong anyo. Pagkatapos magtatangka tayo na magpaliwanag sa bata nang may kapayakan na ang patay ay umalis upang mamuhay sa ibang daigdig, na tayo ay mamamatay kapag tumanda tayo at lalahok tayo sa lahat ng mga namatay bago natin. Mamuhay tayo kasama sa kanila sa Paraiso ayon sa pahintulot ni Allāh. Mahalaga na malaman ng bata na ang kamatayan ay hindi nangangahulugan ng wakas. Ito lamang ay ang paglipat ng taong mananampalataya sa isang buhay na higit na mainam at ang paglipat ng taong masama tungo sa pakikipagharap sa ganti sa kanya. Si Allāh, kapag nagbibigay-kamatayan sa atin, ay hindi nagpapakahulugan niyon na Siya ay hindi umiibig sa atin. Bagkus nagbibigay-kamatayan Siya sa atin upang mamuhay tayo sa tabi Niya sa mga harding kahanga-hanga na hindi natin nakakayang gunigunihin ang kagandahan ng mga iyon.
Bakit namamatay ang ilan sa mga bata, samakatuwid?
Ang mga bata sa pangkalahatan ay hindi gumagawa ng kasamaan at hindi nananadya ng kamalian. Dahil doon humaharap si Allāh sa sinumang namatay kabilang sa kanila nang may awa Niya at magpapapasok sa kanila sa Paraiso. Kapag namamatay ang tao at naglalaho, tunay na ang kaluluwa niya ay nananatili pa rin yayamang umaakyat sa Tagalikha (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Namamalagi ang alaalaala niyang kaaya-aya at mga gawa niyang maganda sa pananatili sa mga puso ng mga tao. Dahil dito, tunay na kinakailangan na maghanda ang tao sa pakikipagtagpo sa Panginoon niya sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan at pananatili sa mga katuruan ng Batas ng Pang-Islām.
Saan tayo pupunta kapag namatay tayo?
Kapag nagwakas ang oras natin na nilimitahan ni Allāh para sa atin sa Mundo, lilipat tayo sa libingan, ang lugar na inilaan para sa mga patay. Ang libingan ay magiging isang hardin mula sa mga hardin ng Paraiso para sa sumasampalataya sa Panginoon niya, tumatalima sa Kanya, at gumagawa ng gawang maayos sa sandali ng buhay niya sa Mundo, kaya naman siya sa loob nito ay pinagiginhawa hanggang sa pagsapit ng Huling Sandali.
Nakaririnig ba ang patay at nakakikita? Papaanong itong humihingi sa ilalim ng alabok? Kumakain ba ito, umiinom, at natutulog?
Oo, ang patay ay nakaririnig ng pagbati kapag nagbibigay tayo sa kanya ng pagbati. Nakararating sa kanya ang panalangin kapag dumalangin tayo para sa kanya. Subalit siya ay hindi humihinga tulad natin dahil siya ay hindi nangangailangan ng paghinga sapagkat siya ay nasa ibang buhay na hindi tulad ng buhay nating pangmundo. Dahil dito, tunay na ang buhay na pangkabilang-buhay ay nagsisimula sa Barzakh. Mayroon itong mga batas at kalikasang naiiba dahil walang paghinga, walang pagkain, walang pag-inom, walang pagtulog, walang paggawa, bagkus kaginhawahang nagpapatuloy o pagdurusang nagpapatuloy.
Ano ang Paraiso at ano ang nasa loob nito?
Ang Paraiso ay ang tahanan ng kapayapaan. Ito ay isang marikit na lugar. Sa loob nito ay may bawat bagay na minimithi mo at bawat bagay na naiibigan mo. Ang Paraiso ay isang lugar na pupuntahan ng mga taong maayos na gumagawa ng kabutihan. Mayroon itong walong pintuan. Ang mga ito ay mga antas, na papasukin ng mga mananampalataya alinsunod sa bahagi ng bawat isa sa kanila mula sa mga magandang gawa at awa. Kaya naman ang may-ari ng maraming magandang gawa ay magiging nasa isang katayuang higit na marikit at higit na angat kaysa sa katayuan ng may-ari ng kaunting magandang gawa, subalit ang lahat ay mamumuhay sa kagalakan, kaluguran, at kaginhawahan. Sa Paraiso ay mamumuhay tayo na maliligaya. Hindi tayo magkakasakit roon at hindi tayo mapapagod. Makikita natin si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya), ang Sugo at ang mga propeta (sumakanila ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan), at ang lahat ng iniibig natin, ayon sa pahintulot ni Allāh (pagkataas-taas Siya). Sa loob niyon ay may bawat bagay na naiibigan natin at ninanais natin na pagkain, inumin, kasiyahan, at kaginhawahan.
Ano ang Impiyerno at bakit nilikha ito ni Allāh?
Ang Impiyerno ay ang tahanan ng pagdurusa. Ito ay isang lugar ni inihanda ni Allāh para magparusa siya roon sa bawat gumagawa ng kasamaan o nananakit sa mga tao, sumusuway kay Allāh, at hindi tumatalima sa mga utos Niya.
Ano ang kahahantungan ng mga hayop? Pupunta ba ang mga ito sa Paraiso o sa Impiyerno?
Ang mga hayop ay hindi inatangan ng tungkulin. Bagkus ang mga ito ay mga nilikhang pinagsisilbi, na nilikha ni Allāh alang-alang sa tao, kaya walang pagtutuos at walang parusa sa mga ito. Sa Araw ng Pagbangon ay kakalapin ang lahat ng mga hayop. Pagkatapos maghihiganti si Allāh para sa iba sa mga ito sa iba pa. Kaya maghihiganti Siya para sa tupang walang-sungay laban sa may-sungay na sumuwag doon. Kaya kapag natapos si Allāh sa paghihiganti sa pagitan ng mga hayop, magsasabi Siya sa mga ito: “Maging mga alabok kayo,” saka mangyayari.